LUMIPAS ang mga taon. Kagaya ng inaasahan at kinapapanabikan ni Vincent ay naging maganda nga ang kanyang buhay sa piling ng mag-asawang Kim. Binigyan siya ng mga ito ng marangyang buhay. Pinag-aral siya ng mga ito sa pinakamagandang paaralan sa Korea. Nang sabihin rin niya ang naisin niya na makapag-masteral sa America ay pumayag rin ang mga ito. Nasabik pa nga ang mga ito dahil iyon talaga ang gusto at plano ng mga ito para sa kanya. Sinabihan siya ng mga magulang na balang araw ay siya raw ang magmamana ng negosyo ng mga ito kaya kakailanganin niya talaga iyon.
Para suklian ang lahat ng bagay na ibinigay sa kanya ng mag-asawa, nagsikap si Vincent nang mabuti. Tinapos niya ang kolehiyo na may mataas na marka. Mataas rin ang honor na nakamit niya. Dalawampu't dalawang taong gulang siya nang makatapos siya ng kolehiyo. Kasunod noon ay nag-apply siya sa Harvard Business School para mapalawak pa ang kanyang pinag-aralan. Suwerte naman na natanggap siya. Sa kasalukuyan ay isang taon na rin siyang nag-aaral roon. Bakasyon niya lamang ngayon kaya naggawa niyang bumalik muli sa Korea. Bukod sa pagbisita sa mga magulang, importante rin para kay Vincent ang bisitahin si Jonabel.
Labing pitong taong gulang na ngayon si Jonabel. Kagaya nang naisip niya noong bata pa ito, lalaki talaga itong maganda. Namana nito sa ama nito ang maputi at makinis na kutis pati na rin ang singkit na mga mata nito. Ang mahinhin at feminine na ugali naman nito ay minana nito sa ina. Maitim, mahaba at mala-seda rin sa kintab ang buhok ni Jonabel kagaya ng ina. She looks so simple yet so perfect. Nanatili pa rin naman sila na magkaibigan ng dalawa sa nakalipas na taon.
Kayang aminin ni Vincent na kaya gusto niyang bisitahin at importante para sa kanya na gawin iyon ay dahil importante sa kanya si Jonabel. Nami-miss rin niya ito. Nakakapag-usap pa rin naman sila kahit nasa ibang bansa siya pero hindi ganoon kadali. Hindi pa kasi ganoon kabago ang teknolohiya ngayon. Nakakapag-usap sila sa telepono pero madalas na sandali lang. May kamahalan rin kasi ang pagtawag mula sa ibang bansa. Kahit mayaman sila ay hindi naman niya gustong maging abuso sa mga magulang kaya madalas ay tinitipid rin niya ang baon. Isama pa na hindi rin mahilig sa mga ganoon si Jonabel. Kaya naman nasabik si Vincent ngayon na nakabisita muli siya. Ngayon ay maaaring makita at makausap na niya nang matagal si Jonabel.
Nang dumalaw siya sa bahay ng mga ito ay sinabi ng ina nito na nasa eskuwelahan ang dalaga. Sinabihan siya ng ina nito na kung gusto niyang makita at makasama agad ang dalaga ay maaaring sunduin niya ito roon. Ginawa ni Vincent ang sinabi ng ina ni Jonabel. Sinundo niya ito at naging madali lang naman iyon sa kanya. Nakita agad niya si Jonabel pagkalabas nito ng eskuwelahan.
"Vincent? N-nakarating ka na pala..." wika ni Jonabel nang makita siya nito. Niyakap niya ito dahil na rin sa sobrang saya na makita niya muli ito. Madalas na nag-uusap sila sa wikang Filipino dahil kinasanayan na rin naman iyon ng dalaga. Kahit sa Korea na nakabase ay sinasanay pa rin ito ng inang Filipina na matuto ng lenggwahe nila.
"Na-miss kita, Bel..." wika niya habang nakayakap rito. Gumanti rin naman ang kaibigan ng yakap pero hindi kasing tindi ng kanya. Naiintindihan niya kung bakit ganoon. Sadyang mahiyain si Jonabel kaya naman kahit matagal na silang magkakilala ay hindi pa rin ito komportable sa kanya. Ayon rito ay ganoon raw ito sa lahat ng lalaki at ilan rin na kaibigan na mga babae. Sa katunayan ay kakaunti lang talaga ang kaibigan nito.
"I-I missed you too, Vincent." Matipid lang ang ngiti ni Jonabel nang bitawan niya ito. Pero malaking bagay na kay Vincent iyon. Nakangiti pa rin naman ito. Masaya siya na nagagawa niyang pangitiin ito. Isama pa na kagaya niya ay na-miss rin siya ni Jonabel. Pinapahalagahan niya nang husto iyon.
Ipinamulsa ni Vincent ang kanyang mga kamay. "S-so would you like to have some snacks with me? You know...catching up...?"
Sandaling bumakas sa mukha ni Jonabel ang pag-aalinlangan pero pumayag rin ito sa gusto niya. Nagpunta sila sa isang cafe. Tila sila magkarelasyon na nagde-date roon.
Halos si Vincent lang ang nagsalita sa buong pag-uusap nila ni Jonabel. Hindi naman sa hindi niya pinagbibigyan na magsalita si Jonabel. Sa totoo lang ay nagtatanong rin naman siya rito. Pero sadyang mailap at a girl of few words lang talaga ang babae. Sumasagot naman ito pero tila wala itong interes. Pero kapag nagkukuwento naman siya ay ramdam niya na nakikinig ito sa kanya.
Masasabi ni Vincent na marami siyang dahilan para ma-turn off kay Jonabel dahil na rin sa tila kawalan nito ng interes na kausap siya. She seems so boring. Pero kahit naiisip at ilang beses na niya iyong pinagsiksikan sa kanyang sarili ay ayaw pa rin pumasok noon sa katawan niya. Malakas ang isang bahagi na nagsasabing gusto niyang makasama si Jonabel. Gusto niyang makita ito.
Gusto niya si Jonabel.
Hindi sigurado ni Vincent kung paano nagsimula pero alam niya na gusto niya ito. Gusto niya ito palaging makita at makasama. Sa kabila ng lahat, masaya rin siya na makasama ito.
Marami namang babae ang nakilala at naging kaibigan ni Vincent pero madalas ay ito pa rin ang iniisip niya. Kahit noong bata pa sila ay ilang ito sa kanya, gusto niya pa rin na ipilit ang sarili rito. Palagi niyang iniisip na kaya ganoon ay dahil sadyang mahiyain talaga si Jonabel. Ganoon rin naman kasi ito sa mga kaibigan nito sa Korea. Pero pumasok na rin naman sa isipan niya na hindi dapat ito maging ganoon sa kanya. Bata pa lang ito ay magkakilala na sila. Nakikipaglaro siya rito palagi. Madalas pa nga na dinadalaw niya ito sa bahay ng mga ito. Hindi basta-basta ang pagsasama nilang dalawa. Ngunit sa kabila ng pagtataka, isinantabi na lang iyon ni Vincent.
Alam niya na mali kung pipilitin niya si Jonabel na magkagusto rin sa kanya gayong ramdam niya na wala itong interes sa kanya. Kaya naman kahit masasabing nasa tamang edad na rin naman sila, hindi niya pa rin masabi rito ang nararamdaman. Natatakot siya na baka mahirap para rito na tanggapin iyon o hindi kaya ay mailang ito. Isama pa na baka nga bata pa ito kaya ito ganoon rin. May kalakihan rin kasi ang age gap nila---anim na taon. Ngunit kahit ganoon pa man, aantayin ni Vincent ang pagkakataon niya. Umaasa na nga lang siya na sana ay magkaroon rin siya ng lakas ng loob gawa na rin ng takot sa maaaring isagot sa kanya ni Jonabel kung sakaling umamin siya. Gusto niya ito pero kapag lalo pang hindi naging maganda ang relasyon nila kapag ginawa niya iyon, paniguradong magiging malaking pagsisisi para sa kanya.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED)
RomanceSeventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent-ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang-sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya na...