"KAILAN ka babalik?"
Naramdaman ni Vincent ang "longing" sa boses ni Jonabel. Napapikit siya upang gupuin ang damdamin na isa-isang naglabasan sa loob niya. He felt guilty even though he loves the feeling that Jonabel misses him. Noong magkarelasyon sila ay sinasabi rin naman nito ang mga salitang iyon pero pakiramdam niya ay may kulang. Pakiramdam kasi niya ay hindi iyon sincere. Palaging siya pa ang unang magsasabi rito bago nito sabihin rin iyon.
Ngayon ay nabibigyang katuparan na ang mga pangarap niya para kay Jonabel. Ito ang nauunang tumawag sa kanya, tila may pakialam na ito sa kanya. Naisasaboses na rin nito ang mga gusto nitong sabihin. Hindi na ito ang mahiyaing babae na nakilala niya. Somehow, gusto niya iyon. Gusto niyang mag-grew si Jonabel. Na kahit papaano ay matuto itong magreklamo. Gusto rin niya na kahit papaano ay hinahabol-habol na siya nito. Na gumagawa ito ng effort na makipaglapit man lang sa kanya at makausap siya. Kahit na ba kaunti pa lang iyon.
Na-appreciate ni Vincent ang paglapit sa kanya ni Jonabel. Ang pagyaya nito ng dinner, ang pagkompronta nito sa kanya at pati na rin ang pagtawag nito sa kanya kahit na ba madalas ay hindi niya inaasikaso ito. Knowing Jonabel, mahirap para rito ang makipaglapit at ipilit ang sarili sa isang tao. Kaya nga kakaunti lang ang kaibigan at wala rin itong maituturing na matalik nitong mga kaibigan. Pero kahit ganoon, alam niya na malaki pa rin ang pagkukulang nito. Masyado siyang nasaktan sa ginawa nito.
"Hindi ko pa alam. Sasabihan na lang kita kapag natapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin rito,"
Kinabukasan pagkatapos ng kasal nila ay lumipad si Vincent patungo sa Pilipinas. Gusto niyang iwasan si Jonabel. Aaminin niyang matinding naapektuhan siya sa nakita rito kagabi. Naramdaman niya na tila nawalan ito ng kontrol. Nagustuhan rin naman niya na natututo itong lumaban pero dahil nasasaktan rin siya sa kaalaamanan na nasasaktan ito, kinailangan niyang umalis. Mali man pero malaking bahagi ng isip ni Vincent ang nagsasabi na nararapat lang naman rito ang sakit. After all, mas matinding sakit ang pinaranas nito sa kanya. Isama pa na tila kay dali lamang para rito na pumayag gayong alam nito ang ginawa sa kanya.
Minahal niya si Jonabel. Pero ayaw niyang maging tanga na ganoon na lang kadali na patawarin ito. Na masyadong maging bulag pagkatapos ng lahat. Sinaktan siya nito. Wala siyang kahit anong masama na ginawa rito noon. Lahat ng ibinigay niya rito ay mabuti. Lahat ay purong pagmamahal. He adored her. Pero naggawa pa rin siya nitong iwanan...
"Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan? Ganoon ba talaga iyon ka-importante?" narinig pa niya na bumuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Fine, kung magtatagal ka pa diyan, hayaan mong ako na lang ang pumunta diyan."
Namilog ang mga mata ni Vincent. "Gagawin mo iyon?"
"Why not?" walang pag-aalinlangan na wika ni Jonabel. "Asawa mo na ako ngayon. Kung nasaan ka, dapat nandoon din ako. I need to take care of you."
Sa huling salita nito ay napangiti si Vincent. Biglang naglaro sa utak niya ang imahe ni Jonabel na inaalagaan siya. Dahil hindi ito madalas na magpakita ng affection hindi kagaya niya, hindi nito naggawa iyon sa kanya noon. Minsan ay umaasa siya na balang araw ay magiging kagaya rin ito ng normal na girlfriend. Na aalagaan siya at lalambingin siya. Pero sa tuwina ay naiisip niya na ayaw naman niyang humingi nang malaki para rito. Sapat na sa kanya si Jonabel. Ayaw rin niyang baguhin ito dahil mahal niya ito sa kung ano ito.
"No worries. Kaya ko ang sarili ko." Sa halip ay sagot niya. Kailangan niya pa rin na magpakatatag.
"Are you sure? Kumakain ka ba ng tama? Baka puro trabaho---"
"I'm all right. Huwag kang mag-alala sa akin."
"Sigurado ka ba? Narinig ko na masyado daw mainit ngayon sa Pilipinas. Businessman ka. Madalas ka na naka-corporate attire. Baka pagpawisan ka nang husto diyan. Baka ma-heat stroke---"
Gusto ng matawa ni Vincent sa sinasabi ni Jonabel. Ganoon na ba talaga na nag-aalala ito sa kanya? Naririnig niya ang sincerity sa boses nito kaya naman sa kabila ng mga tila imposibleng pangyayari na pinag-aalala nito ay natutuwa pa rin siya. "You are over reacting, Jonabel."
Bumuntong-hininga ito sa kabilang linya. "I just wanted to take care of you, Vincent. Gusto kong makabawi sa 'yo. Pero hindi lang iyon. I am missing you. Ilang araw na tayong hindi nagkikita..."
Dalawang araw na siyang nasa Pilipinas. Kaiba sa sinabi niya kay Jonabel, hindi naman talaga siya nagpunta roon dahil sa business trip. Nagpunta siya roon para takasan ito. Isama rin na matagal na niyang hindi nakikita ang mga kaibigan at gusto niyang makibalita naman sa mga ito. Naka-leave siya sa opisina sa loob ng ilang linggo. Isama pa na kahit hindi naman siya naka-leave ay hindi mahirap para sa kanya na takasan ang mga responsibilidad niya sa negosyo kagaya na lang nang palagi niyang sinasabi kay Jonabel. Hindi rin naman ganoon ka-importante ang kanyang mga business trips nitong nakaraan bago ang kasal nila ni Jonabel. Iginiit lang niya iyon dahil gusto niyang magkaroon ng excuse para malayuan ang dalaga. Natatakot kasi siya sa nagiging bugso ng damdamin niya kapag napapalapit rito. Nahihirapan siyang kontrolin iyon. Nahihirapan siyang maging matigas na siyang dapat na ipakita niya sa dalaga. Apektado pa rin talaga siya kay Jonabel.
"Kailan lang tayo muling nagkalapit, Jonabel. Isama pa na madalas na wala naman talaga ako diyan sa tabi mo nitong mga nakaraan. You can't missed me..."
"But I do, Vincent. I really do. I want you to be with you..."
Napapikit si Vincent. Napahawak rin siya sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay naging isang kabayo ang puso niya na may malakas na sumipa. Tumakbo kasi iyon nang mabilis. Nagustuhan niya ang nadarama. Ang mga sinabi ni Jonabel. Tila ba napakatotoo noon. Gusto niyang umasa. Gusto niyang maniwala. Tila gusto rin niya na pagbigyan si Jonabel. Ang pagbigyan ang relasyon nila.
Ginagawa niya ng mali ang lahat. Tumatakas siya sa kanyang problema. Hindi naman niya pinakasalan si Jonabel para gumanti rito. Gusto lang niyang saktan ito nang kaunti para naman kahit papaano ay maramdaman rin nito ang sakit na naramdaman niya noon dahil rito. Para maging patas sila. Ramdam naman ni Vincent na nagtatagumpay na siya. Pero tama na ba talaga ang lahat? Tama na ba na umayon na siya sa gusto ni Jonabel at sa gusto rin ng puso niya?
BINABASA MO ANG
International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED)
RomantikSeventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent-ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang-sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya na...