5

873 37 0
                                    

TATLONG araw makatapos aminin ng kanyang mga magulang ang totoong estado nila ni Jonabel ay niyaya niya itong lumabas. Gusto niyang makausap ito tungkol sa inamin ng kanyang mga magulang. Gusto niyang personal na marinig mula rito kung ano nga ba talaga ang nararamdaman nito para roon. Luckily ay pumayag naman ito.

Dinala niya ito sa Seoul Tower--- isang national landmark sa Seoul, South Korea. Maraming attractions at lugar silang mapupuntahan roon kaya doon niya napili na dalhin si Jonabel. Habang naglalakad sila paakyat noon ay hindi napigilan ni Vincent na hawakan ang kamay nito. Naramdaman niya na bahagya pang nanginig si Jonabel sa ginawa niya. Tumingin ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

"Hindi ka ba naiinggit sa kanila?" halos lahat kasi nang umaakyat roon ay tila magkarelasyon dahil magka-holding hands.

Hindi nagsalita si Jonabel. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

Ngumiti si Vincent. Inilapit niya lalo ang sarili sa dalaga at hinawakan ang pisngi nito. "'Wag kang matakot, Bel..."

"V-Vincent, I---" bumuntong-hininga ito. "Nahihiya ako. Hindi dapat natin ginagawa ito."

"Hindi nga ba?"

Tinitigan muli siya nito nang mabuti. "Hindi...pa. Hindi pa naman opisyal ang engagement natin."

"Kung ganoon ay totoong alam mo na nga. Kailan mo pa nalaman?"

"L-last month," maikling sagot lang nito.

"A-and you are okay with it?" kahit na inamin na sa kanya ng mga magulang ang naging sagot ni Jonabel, gusto pa rin niya na makasigurado. Kahit gusto niya ito ay ayaw rin naman niya na ipilit ang sarili rito. Gusto niyang sa bibig mismo ni Jonabel niya marinig na maayos lang rito ang lahat. Words can be fabricated, lalo na kapag gustong-gusto ng taong nagsabi ng mga iyon na marinig ang mga ganoon.

"You are a nice guy, Vincent. S-sino ba naman ang taong hindi magkakagusto sa 'yo?"

Sapat na ang mga salitang iyon kay Vincent para masigurado niya na tanggap na nga ni Jonabel ang pakikipagkasundo sa kanila.

Lumawak ang ngiti ni Vincent. "Thanks for the credit, Bel. Well, I'm not just nice. Kaya rin naman ako ganito sa 'yo ay dahil gusto kita. Matagal na."

Bumakas ang pagkagulo sa mukha ni Jonabel.

"Bata ka pa ay crush na kita. You are really cute, adorable. Madalas kitang dinadalaw sa bahay niyo hindi dahil magkaibigan ang mga magulang natin o dahil pareho tayo na nagsasalita ng wikang Filipino. Iyon ay dahil gusto ko na mapalapit sa 'yo. Gusto kong makita ka palagi, makasama ka. Inaabangan ko talaga ang bakasyon na ito dahil nami-miss kita nang husto. Kapag kasama kita, may hindi maipaliwanag na damdamin sa puso ko. Hindi naman kataka-taka iyon, you're really pretty. Lalo na ngayong nagdadalaga ka na.

"But that's not just the point, Bel. Marami na akong babaeng nakilala, nakasama. Marami na akong nakita na masasabing mas maganda pa kaysa sa 'yo at tila madali lamang na makuha. Pero sa tuwing iniisip ko na makipagrelasyon sa kanila, hindi ko maggawa. Kapag naiisip ko ang salitang "girlfriend", ikaw palagi ang lumalabas sa utak ko. Kahit madalas na mahiyain at ilang ka sa akin sa kabila ng pilit kong paglapit ng sarili sa 'yo, hindi ko pa rin mapigilan na magustuhan ka. Pero sa tingin ko, hindi lang talaga kita gusto. Napakatindi nitong nararamdaman ko para sa 'yo para masabi ko na gusto lang kita. I-I think I'm in love with you..."

Naramdaman ni Vincent na natigilan sandali si Jonabel. Pero maya-maya ay kiming ngumiti lang ito. "K-kung ganoon ay mabuti."

Kumurap si Vincent. "H-hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit? Hindi mo naman ipinilit ang sarili sa akin, Vincent. Isama pa na na-appreciate ko ang nararamdaman mo na iyan sa akin. Mas makakabuti sa relasyon natin iyon, 'di ba?"

"Pero ikaw....ganoon rin ba ang nararamdaman mo sa akin? Alam ko na likas sa 'yo ang pagiging mahiyain pero---"

"Gusto rin naman kita, Vincent." Putol ni Jonabel sa akmang sasabihin niya.

Tila may tumugtog na malakas na banda sa puso ni Vincent. Napakasaya niya sa kaalaman na gusto rin siya ni Jonabel! "If that's the case....we are officially together now?"

Ngumiti si Jonabel. Hindi na iyon kimi na ngiti lang pero hindi naman ang klase ng ngiti na umaabot na sa mata nito. Pero para kay Vincent ay sapat na iyon. "Kung iyon ang gusto mo na itawag roon, then be it...."

Kinuha niya ang kamay ni Jonabel at hinalikan iyon. "You won't regret this."

It was the one of the happiest days of Vincent's life. Ngayon ay nasigurado na niya na maayos lang talaga kay Jonabel ang lahat. Gusto rin siya nito. Hindi man nito inamin sa kanya na mahal siya nito kagaya na lang ng nararamdaman niya rito ay sapat na iyon para sa kanya. Halos ganoon na rin naman para sa kanya ang ibig sabihin noon.

Ipinagpatuloy nila ni Jonabel ang pag-akyat sa tower. Nakarating sila sa roof terrace kung saan makikita ang "Locks of Love". Ilang beses nang na-feature ang lugar na iyon sa mga teleserye at pelikula sa bansa. Popular iyon sa mga tao na gustong magsabit ng lock ng mga ito na sumisimbolo ng eternal love. Dahil alam niyang maaaring magpunta sila ni Jonabel ngayon roon ay naghanda siya ng pad lock na maaaring isabit nila roon. Naki-cooperate naman sa kanya si Jonabel. Sabay nilang isinarado ang lock na para bang normal silang magkasintahan. Inilagay nila ang susi sa Postbox of Love.

Hinalikan niya si Jonabel sa noo pagkatapos nilang maggawa ang romantiko na bagay na iyon. Naramdaman pa rin niya ang pagkailang ng ngayon ay kasintahan na niya pero hindi na lang niya pinansin. Balang araw ay masasanay rin si Jonabel sa kanya. Kahit matagal na niyang ginagawa ang pakikipaglapit rito ng hindi ito naiilang, umaasa siya na darating rin ang araw at magiging komportable rin ito sa kanya. At higit sa lahat, maririnig rin niya ang salitang mahal rin siya nito. Hindi lang basta gusto kung hindi mahal.

International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon