UNANG araw ng trabaho ni Jonabel. Kahit nakapasa siya sa board exam ng Dentistry at ganap na dentist na ay hindi niya maiwasan na kabahan. Ito na ang realidad. Nagkaroon rin naman siya ng training pero iba na ngayon. Solo na niya ang responsibilidad. Ilang beses niyang sinabi sa mga magulang ang nararamdaman at ilang beses rin naman siya nitong pinaliwanagan na makakaya niya iyon. Ilang words of wisdom rin ang pinabaon sa kanya ng mga magulang niya para huwag siyang kabahan.
Lalo pang lumala ang kaba ni Jonabel nang break na ay wala pa rin siyang trabaho. Ang unang dalawang customer kasi ng clinic ay ni-request ang dating dentist sa clinic dahil sanay roon. Nang makatapos ang break ay dumating ang unang prospective customer ni Jonabel....na nagkataon naman na si Vincent.
"Ano ang ginagawa mo rito?" hindi alam ng nobyo ang nararamdaman niyang kaba dahil ayaw niya na mag-alala ito. Ang alam niya ay may importanteng meeting rin ito ngayon at natatakot siyang baka kapag sinabi niya rito ang nararamdaman niya ay mag-alala pa ito.
"Dinadalaw ka. Hindi natuloy ang meeting kaya tumakas muna ako sa opisina. Gusto ko lang malaman kung anong lagay mo. So how's it? Naka-isang customer ka na ba? Ano?" excited na excited pa ito.
"W-wala pa." Ibinaba ni Jonabel ang ulo. Alam niya na hindi naman dapat siya mahiya pero sa nanabik na si Vincent ay tila nahihiya siya. Kinakabahan siya samantalang ito naman ay sabik na sabik.
"What? Bakit? Sabagay maaga pa naman. Pero bakit parang malungkot ka?" hinawakan ni Vincent ang baba niya pagkatapos ay hinawakan ang kamay. "You're trembling, too. May problema ba?"
"Wala pa naman talagang customers na puwede sa akin at kinakabahan ako, Vincent." Sa wakas ay naamin na rin niya sa nobyo.
Hinaplos ni Vincent ang pisngi niya. "Kung ganoon, ako ang gawin mo na una mo na pasyente."
Ngumiwi si Jonabel. "You have a perfect teeth. Hindi mo na kailangang magpa-dentist."
"Still... I want your opinion. Don't worry, babayaran ko naman ang fee mo at---"
"Vincent! Hindi iyon ang punto."
"Ayaw ko ng nagkakaganito ka, Bel. Kung natatakot ka dahil baka pag-eksperimentuhan mo ang una mo na pasyente at natatakot kang makagawa ng masama dahil sa kaba, kung ganoon ay ako ang gawin mo. Hindi ako magagalit kung may mali ka man na naggawa sa akin o ano."
"Naiintindihan kita. Pero wala nga akong magagawa sa 'yo dahil wala ka namang kailangan."
"Mayroon kang magagawa sa akin. Kailangan ko ng pustiso." Tila seryosong-seryoso pa na sabi nito. "Ikaw ang pustiso ko. Hindi ko kasi kayang ngumiti kapag wala ka."
Hindi niya naiwasan na mapangiti dahil sa banat ng nobyo. "Corny!"
"Pero ngumiti ka. Siguradong nagustuhan mo rin iyon dahil naapektuhan ka," ngumiti na rin si Vincent. Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Don't worry, okay? Hindi ka makaka-graduate, makakapasa sa board exam kung hindi ka magaling. Always believe in yourself. O kung hindi mo maggawa, then believe in us that are believing in you."
Sa mga sinabi ni Vincent ay gumaan ang pakiramdam niya. Kahit hindi niya madalas na mai-express ang sarili niya o ang mga reaksyon niya sa ginagawa ni Vincent, madalas na ginagawa ni Vincent iyon sa kanya. Masaya at magaan ang pakiramdam niya kapag kasama ito. Hindi man niya masabing nararamdaman nga niya ang nararamdaman ng normal na babae sa nobyo nito sa piling ni Vincent, hindi siya dapat magreklamo. Masuwerte siya na kay Vincent siya pinagkasundo. Mahal siya nito at tila ba parang lagi itong nasa tabi niya. Makabubuti ito para sa kanya kahit na ba tila itong nararamdaman niya para rito... tila pakiramdam lang ng isang kaibigan.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED)
عاطفيةSeventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent-ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang-sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya na...