MASAYA ang aura ng bahay nina Jonabel nang maggising siya. Sa kabila ng pinagdadaanan niya ay naggawa na rin niya na ngumiti dahil masarap sa pakiramdam na makakita ng mga taong masaya. Medyo na-miss rin niya na makita na ganoon ang mga kasambahay nila dahil nitong nakaraan ay napansin niyang nakikidalamhati rin yata ito sa nangyari sa kanya. Lalo na nang pumutok ang balita na naipagpalit agad siya ni Minjoon sa iba.
Naging isang malaking pasabog kay Jonabel sa ginawa ni Minjoon. Oo at nasaktan siya sa ginawa nitong pakikipagkalas na lang basta sa kanya pero kahit ganoon ay hindi niya naisip na darating sa ganoong punto si Minjoon. Hindi naman third party ang dahilan kung bakit ito nakipagkalas sa kanya pero iyon ang lumabas sa publiko na kahit unti-unti na itong nawawala sa mundo ng showbiz ay nalaman pa rin ng mga tao dahil na rin sa bago nitong kinarelasyon. Nasaktan lalo si Jonabel. She felt so much betrayed.
Pati ang mga magulang ni Jonabel ay nasaktan dahil sa nangyari. Hindi raw papayag ang mga ito na tratuhin siya ng ganoon. Nang dahil roon ay nakaisip ang mga ito ng plano. They needed to get back. So they have thought of Vincent...
Sinubukan ng pamilya niya na ibalik ang nakaraan dahil ang akala ng mga ito ay papayag siya kung sakali. Kinausap ng mga ito ang magulang ni Vincent na sa kabila ng kahihiyan na ginawa niya sa mga ito ay tanggap at mahal pa rin siya. Kahit ang mga ito ay hindi pumayag na basta-basta na lang siya maagrabyado kaya naman pumayag rin ang mga ito na balikan ang nakaraan. They had them arranged to be married to Vincent again.
Alam ni Jonabel na magiging unfair iyon kay Vincent. Hindi rin naman siya agad pumayag. Pero dahil naalala niyang bukod sa sakit na nararamdaman sa pakikipaghiwalay ni Minjoon sa kanya ay nasasaktan rin siya dahil nagsisisi siya sa ginawa niya kay Vincent kapalit na lang ng relasyon sa iba. Ibig sabihin ay naapektuhan rin siya rito dahil naalala niya ito kahit na ba kay Minjoon lang naman talaga dapat naka-focus ang nararamdaman niya. Isa pa, masyado rin siyang nasaktan sa ginawa ni Minjoon. Gusto rin niyang makaganti.
Kahit alam niyang mali.
Siguro ay marami ang magsasabi na ang kapal ng mukha niya para pumayag na gawin na lamang iyon kay Vincent pagkatapos ng lahat. But she feel so broken, she felt her sanity took out of her. She feels so helpless, too. Ayaw rin naman niya na maramdaman iyon. Ayaw rin niyang maging unfair kay Vincent pero wala na rin siyang maisip na paraan. It was the perfect revenge. Kung siya man ang magdudusa sa huli, ayos lang. Alam niyang deserve naman niya iyon sa lahat ng ginawa niya rito. At ang pakikipagbalikan rin kay Vincent ay ang magiging daan niya para maitama ang lahat. Ang lahat naman talaga na dapat noong una pa lang ay iaayos niya. Gagawin rin naman niya iyon hindi lang para sa sarili niyang kapakanan lang. It is also because of her family wanted to be. At kagaya rin ng pamilya ni Vincent.
Hindi lang para iligtas siya sa kahihiyan ang gagawin niya. Iyon rin ay para sa pamilya niya. Ang ayusin ang nasira niyang itinakda. Isama pa na mayroon rin siyang nararamdamang mas higit pa sa mga dahilan na iyon. Mga nararamdaman niyang alam niyang komplikado kaya nahihirapan siyang aminin maski sa sarili niya. Pero mangyayari lang iyon kung papayag si Vincent.
"Annyeong Haseyo! A stem of rose delivered to you, Ma'am!" masiglang bati ng kasambahay nila na habang naglilinis ay napatigil nang makita siya. Kinuha nito ang tangkay ng rose sa ibabaw ng center table at ibinigay sa kanya.
"Who gave---oh!" nanlaki ang mga mata ni Jonabel nang mabasa ang note na nakasulat sa tangkay ng rose.
It was from Vincent.
"I'll pick you up later," iyon ang nakalagay na note ay naka-signature roon ang pangalan nito. Bukod pa roon ay gamit-gamit rin nito ang card na madalas gamitin nito kapag nagpapadala ng bulaklak---isang card na may printed butterfly illustration. Iyon ang madalas na gamitin ni Vincent kapag nagpapadala sa kanya ng bulaklak o kahit ano pa na lalagyan nito ng dedication dahil mahilig siya sa butterfly.
Does it mean?
Malakas na kumabog ang puso ni Jonabel. Kamakailan lang nang aminin sa kanya ng mga magulang ang plano ng mga ito pero inamin sa kanya ng mga ito na matagal na nitong sinusuyo si Vincent na balikan siya. Pagkatapos kasi niya ay wala ng naging matino na relasyon ang lalaki kaya naisip ng mga ito na maaari rin na may pag-asa pa. Isama pa na minsan rin siyang minahal nito. Masama dahil tila abusado pero gusto rin umasa ni Jonabel na maaari nga na may pag-asa pa. Ipinapangako rin naman niya na kapag binigyan siya nito ay hindi na niya sisirain iyon. Gagawin na niya ang tama. Aayusin na niya ang lahat. Pero dahil kamakailan lang niya nalaman ang plano at pumayag roon, iisang hakbang pa lamang ang nagagawa niya at iyon ay ang padalhan si Vincent ng mensahe.
Hindi niya akalain na kakagatin agad ng lalaki iyon. Ganoon ba talaga siya kalakas kay Vincent? Hindi malabo. Alam at ramdam niya kung gaano siya nito kamahal noon. Somehow, she felt guilty. Pero pinalis rin niya agad iyon. Kaya nga niya babalikan ito. Gagawa siya ng tama rito. Itatama niya ang lahat ng pagkakamali niya. Ibabalik niya ang lahat ng mga ginagawa nito sa kanya noon.
Tumingin muli si Jonabel sa rose. Naalala niya na iyon ang madalas na ipadala sa kanyang bulaklak ni Vincent. Pero hindi isang tangkay lang kagaya ngayon. Dati ay isang malaking bouquet na linggo-linggo yata ay nagpapa-deliver ito para sa kanya. Galante si Vincent sa kanya, lalo na nang simulan na nitong hawakan ang negosyo ng magulang at itayo ang Group of Companies na pagmamay-ari nito at ng mga kaibigan. Halos lahat ng gusto niya ay binibili nito.
Napansin niya sa padala nito ngayon, may malaki ng nagbago. Somehow ay nalungkot si Jonabel. If she just didn't took Vincent for granted....
BINABASA MO ANG
International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED)
RomanceSeventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent-ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang-sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya na...