16

787 39 1
                                    

NAPAGDESISYUNAN ni Jonabel na magpunta sa Pilipinas. Hindi niya maaaring hayaan na gawin iyon ni Vincent. Masyado na niyang kinunsinti ang paulit-ulit nitong pagtanggi sa kanya. Kailangan na niyang gumawa ng malaking effort. In the first place naman, alam niya na dapat ay noon pa siya gumagawa noon. Pero dahil sa ilang beses na pag-reject sa kanya ni Vincent, tila nawawalan siya ng lakas ng loob. Isama pa rin na somehow ay iniintindi rin niya na maaaring totoo naman iyon.

Pero hindi na ngayon.

Kasal na sila ni Vincent at ramdam niyang patuloy lang nitong ginagawang excuse ang mga business trip para hindi sila magkasama. Nakumpirma rin niya iyon nang malamang naka-leave naman pala ito pagkatapos ng kasal ayon sa mga magulang nito. Hindi tungkol sa trabaho ang pagpunta nito sa Pilipinas.

Nalaman ni Jonabel mula sa mga magulang ni Vincent na sa penthouse ng Haven Group of Companies tumutuloy si Vincent kapag nagpupunta roon. Napagpasyahan niyang tumuloy na agad roon. Walang tao pero hindi iyon nagpapigil sa kanya para hindi antayin ang asawa. Kahit ilang beses na siyang sinisita ng guard dahil sa kakulitan niyang manatili ay hindi siya nagpaapekto. Ipinakita niya pa rito ang marriage contract nila ni Vincent para lang magtigil ito na sitahin siya dahil bawal raw pumunta ang hindi kakilala nito o 'di kaya ay hindi inaasahan ng may-ari sa lugar.

Nag-antay si Jonabel sa pagdating ni Vincent. Napag-alaman naman niya ayon sa guard na sadyang doon nga umuuwi ang asawa. Umuwi rin daw ito roon kagabi. Sinubukan naman niyang tawagan si Vincent upang ipaalam rito na naroroon siya pero unattended ang cell phone nito. Matindi ang jet lag ni Jonabel at gutom na rin siya pero hindi siya sumuko sa pagbabaka-sakaling ang pagdating niya na iyon sa Pilipinas ang makakapagbago ng relasyon nila ng asawa. Kailangan na niyang gumawa ng paraan. Hindi rin siya maaaring umalis dahil baka kapag nakaalis siya ay dumating ito. Ayaw niyang mawala ang pagkakataon. Titiisin na lang niya ang mga sakit, gutom at pagod. Lilipas rin iyon.

Dumating naman si Vincent pagkatapos ng mahigit limang oras. Rumehistro agad ang gulat sa mukha nito nang makita siya. Mukhang wala itong kaalam-alam sa pagpunta niya kahit na ba ramdam niyang pinag-uusapan na sa buong opisina ang biglaang pagdating niya na malaki ang katayuan sa buhay ng isa sa pinakamalaking boss ng matagumpay na kompanya.

"Mabuti naman at dumating ka na, Vincent..." nanghihina na siya pero pinilit niyang patatagin ang boses.

"Hindi ka na dapat nagpunta pa dito, Jonabel! Hindi ba't sinabi ko na iyon sa 'yo? Masyado akong abala para---"

"Eh ano? Umuuwi ka naman siguro kapag gabi, hindi ba? Magkakaroon ka pa rin ng oras sa akin kahit kaunti. Asawa mo na ako ngayon. Kailangan rin na nasa tabi mo ako."

"Ayaw kong isipin mo na na-neglect kita kapag nandito ka nga pagkatapos ay madalas naman na wala ako dito sa unit."

"Sana naisip mo iyan bago mo ako iniwan na mag-isa sa Korea,"

Naramdam niyang bahagyang natigilan si Vincent sa sinabi niya. Matagal lang na nakatingin ito sa kanya. Binasag naman na sandaling pananahimik ang pagtunog ng cell phone nito. Naguluhan siya dahil unattended ang tinatawagan niyang cell phone kanina. Pero nang maisip na maaaring ibang cell phone iyon ay binalewala na lang niya. After all, businessman si Vincent. Necessary na magkaroon ito ng maraming cell phones para na rin paghiwalayin ang personal at pang-business nitong buhay. Ang alam lang niya ay sa pang-personal nito.

Nagpaalam si Vincent at kinausap muna iyon. Pagbalik nito ay may ibinigay itong susi sa kanya.

"Pumasok ka na. Make yourself feel at home. I need to go."

"Wait, what?" nanlaki ang mga mata ni Jonabel. "Tatakasan mo naman ba ako muli, Vincent?"

"Kailangan kong magpunta sa office ng HGC. Something important came up,"

International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon