"GOOD----" napatigil muna si Jonabel sa pagbati at tinignan ang relo. Nang makitang lagpas alas-dose na ay itinuloy niya ang pagsasalita. "Afternoon!"
"Bel? What are you doing here?" nakakunot man ang noo ay nakita niyang napangiti rin si Vincent nang makita siya. Mula sa pagkakaupo sa swivel chair ng opisina nito ay tumayo rin ito at sinalubong siya.
"Dahil na-miss---" hindi na natapos ni Jonabel ang sasabihin nang bigla-bigla na lang siyang halikan ng asawa. Muntik pa niyang mabitawan ang balutan na dala-dala dahil nanginig yata ang tuhod niya sa intense na halik na iginawad nito sa kanya.
"I missed you and your sweet lips, too," ngiti-ngiti naman na sabi ng asawa pagkatapos ng halik.
Namula si Jonabel. Hindi niya inaasahan na gawin iyon ni Vincent. But unexpected things are always the best, right? Ganoon ang naramdaman niya sa iginawad sa kanya ni Vincent.
"Lunch time na. Dinalhan kita ng pagkain mo..." itinaas niya ang dalang balutan.
Lalong nagliwanag ang mukha ni Vincent sa ginawa niya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "So sweet of you. Pero naunahan mo lang ako. Papaalis na rin sana ako ng office para umuwi sa pent house para makapag-lunch date tayo."
Tumaas ang isang kilay niya. "At bakit mo naman gagawin iyon? Ayaw mo na ba ng dinadalaw kita sa opisina mo halos araw-araw para lang ipaalala sa 'yo na kailangan mo na mag-lunch?"
Tumawa si Vincent. "Gusto, siyempre. That just proves that I have a very loving wife. Pero palaging ikaw na lang ang bumabawi sa akin. Gusto ko na ako naman. Isa pa, I'm off this afternoon. Gusto ko sanang may puntahan tayo after lunch..."
"At ano naman iyon?"
Isang linggo na ang nakalipas simula nang makauwi sila ni Vincent galing Thailand. At hindi kagaya ng dati, hindi na naging false alarm ang ipinapakita sa kanya ni Vincent. Nagtuloy-tuloy na ang pagiging "hot" nito at hindi na nagpakita ng kalamigan sa kanya. Hindi na rin nito inuungkat ang tungkol sa nakaraan na ramdam niyang siyang pumipigil rito sa pagbawi sa kanya.
The two weeks have been a very blissful week. Araw-araw rin na ipinagdarasal ni Jonabel na sana ay magpatuloy na iyon. Masyado na kasi siyang nasasanay na bumabalik na ang dating Vincent na kilala niya.
"Its a surprise again." Ngumisi ito at niyaya na siyang kumain ng lunch. Hindi na rin niya inungkat si Vincent tungkol sa sorpresa nito dahil gusto niyang panatilihin ang excitement.
Pagkatapos kumain ng lunch ay sumakay sila sa kotse ni Vincent. He had his own BMW convertible. At kahit may sariling driver ay mas pinili ng asawa na mag-drive. Tila nag-road trip silang dalawa ni Vincent papuntang Tagaytay, lalo na nang binuksan nito ang bubong noon. Maaliwalas ang panahon kaya lalong naging mas maganda ang pagpunta nila roon. Ginulo ng malakas na hangin ang buhok niya pero okay lang dahil nag-enjoy siya.
Itinigil ni Vincent ang sasakyan sa lugar na animo isang hardin. Nasabik si Jonabel lalo na nang makitang hindi lang iyon basta hardin dahil nakakita siya ng maraming paru-paro. Its a butterfly garden. Mukhang napakapribado rin ng lugar dahil tanging ang sasakyan lang na gamit-gamit ni Vincent ang nakikita niya sa lugar.
Magkahawak kamay na nilibot nila ang hardin at wala pa rin silang nakakasalubong na tao. Solo nila ang lugar. Mas nasiyahan si Jonabel sa kaalamanan na iyon dahil walang istorbo sa date nila ni Vincent.
Hindi naman iyon ang unang beses na nag-date sila ni Vincent simula nang magkaayos muli sila. Halos araw-araw nga ay lumalabas sila. Mapa-lunch date o ang pinakamadalas ay dinner date. Madalas siya nitong dinadala sa mga sikat na fine-dining restaurant sa Maynila. Nagpa-party rin ito para pormal siyang ipakilala sa kompanya na pagmamay-ari ng mga ito bilang asawa nito.
Magtatagal si Vincent sa sinilangang bansa dahil na rin maraming issue roon ang inaasikaso nito. Hindi pa rin kasi naayos ang nangyari sa manufacturing company sa Batangas at nagdagdagan pa iyon ng bagong problema sa isang factory naman ng mga ito sa Rizal. Stable naman daw kasi ang sa New York at sa Korea na siyang madalas rin na pinupuntahan ng asawa. Wala namang kaso sa kanya iyon dahil nagugustuhan na rin naman niya ang buhay niya sa Pilipinas kahit na ba hindi iyon ang bansa kung saan siya lumaki. Isama pa na parte pa rin ng buhay niya ang Pilipinas dahil na rin iyon naman ang kinalakihan ng kanyang ina.
Malayo-layo rin ang nalalakad nila ni Vincent sa butterfly garden nang mapansin nila na ang hardin pala na iyon ay may bahay sa dulo. Napatingin siya kay Vincent na ngingiti-ngiti nang mapansin niya ito.
"Napansin ko na mukhang hindi public place ang lugar na ito. It looks so private...so care to tell me what is the meaning of this?"
Niyakap siya ni Vincent. "Its not really private...for us. Dahil atin ang lugar na ito, Bel."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Jonabel. "And the house...?"
"Kasama rin sa package, siyempre. Matagal ko ng gusto na magkaroon ng bahay sa Tagaytay. May ilang properties naman ako sa nearby provinces, yet, mas gusto ko dito. Ilang beses na akong nakarating dito at gustong-gusto ko ang ambiance. It was very relaxing and calming. Isama pa na perpektong lugar rin ito sa butterfly garden na alam kong gustong-gusto mo. Pagmamay-ari ito ng isang mag-asawa na mahilig sa butterfly pero dahil malapit ng mag-migrate ang mag-asawa sa Canada, ibinenta na lang nila ito. Luckily, I got the deal."
Hindi na mahalaga sa kanya kung hindi man mismo si Vincent ang nagpaggawa ng bahay at binili lang iyon nito sa iba. What matters is that making efforts. And its a big one. Ikinataba ng puso ni Jonabel iyon. "Why are you doing this, Vincent?"
"Gusto kong makitang masaya ka dahil kapag masaya ka, masaya rin ako. I know having your own butterfly garden will make you happy. Tamang-tama ang lugar na ito."
Ano pa? Gustong itanong ni Jonabel. Marami pa siyang gusto na marinig kay Vincent. Marami pa siyang inaasahan rito. Nararamdaman niyang bumabalik na ito sa dating Vincent na kilala niya dahil sa mga ginagawa nito. Pero kahit ganoon, he still never said the words.
Pinahahalagahan siya ni Vincent. Kung ituring siya nito ay siya ang pinakaimportanteng babae sa buhay nito. Ilang beses na rin naman nitong sinabi iyon sa kanya.
Pero hindi ang salitang mahal siya nito.
But action speaks louder than words, right? Iyon na lang ang palaging iniisip ni Jonabel. Nararamdaman naman niya na mahal siya nito kahit hindi nito sinasabi ang mga kataga. Dapat ay makontento na siya roon. Nakuha na niya ang higit sa nararapat para sa kanya.
"Napakasuwerte ko talaga na makilala ka, Vincent. You are right. I'm so happy..."
Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. Pagkatapos ay niyaya siya nitong pumasok sa loob. Kagaya nang binili nitong bahay nila sa Korea ay maganda rin ang loob noon at may kalakihan rin. Matatanaw rin ang Taal Lake at Taal Volcano sa terrace ng bahay. It was really a wonderful house. Mas masasabi ni Jonabel na gugustuhin niya na tumira roon kaysa sa bahay nila sa Korea.
"Like it?"
"I love it."
"Hmmm... Do you want to live here? Alam ko marami ang magsasabi na mas maganda kung gagawin itong rest house pero gusto kong tumira rito. Kahit na ilang oras rin ang layo mula sa Makati, its okay. Kaya ko naman---"
"I like it here. I love it. Isa pa, alam ko na gusto mo rito. Gusto kitang mapasaya, Vincent. Kung nasaan ka man, dapat ay naroroon rin ako. We are one now. And the only place I want to be is wherever you are..."
Totoo ang lahat ng sinabi niya kay Vincent. Kontento na siya basta nasa tabi niya ito at ramdam niya na pinahahalagahan siya nito. Kahit na ba ramdam niya na tila may kulang pa roon ay masaya na rin siya. Nagkaroon siya ng maraming pagkakamali noon kaya naiintindihan niya si Vincent. Sana nga lamang ay tama ang desisyon niya na makontento na lamang.
Matamang tinignan siya ni Vincent. Napansin niya na bukod sa saya ay mukhang may kakaiba pang ekspresyon na mababasa roon. Mukhang nagtatanong rin iyon. Nagtataka. Hindi naman ito nagsalita at matagal lamang sa ganoong posisyon.
"What?" hindi maiwasang ma-curious ni Jonabel kung bakit ganoon.
Niyakap siya nito. "W-well, I'm just happy you said those words, Bel. I'm so happy right now that you are with me...."
Yumakap rin siya rito. Masaya rin siya na nasa tabi niya si Vincent ngayon. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Masaya sila sa piling ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED)
RomanceSeventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent-ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang-sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya na...