GUSTONG sisihin ni Jonabel ang panahon kaya masasabi niyang nagkaroon na naman ng "false alarm" sa progress ng relasyon nila ni Jonabel. Masama ang panahon pagdating nila sa beach resort. Nang dahil doon ay nanatili lamang sila ni Vincent sa loob ng kanilang kuwarto kaysa aliwin ang mga sarili sa labas ng isa sa mga ipinagmamalaking atraksyon sa buong Thailand.
Pero alam ni Jonabel na hindi lang talaga ang panahon ang kanyang puwedeng sisihin. Si Vincent rin mismo. Marami naman silang puwedeng gawin sa loob ng kuwarto. Magkasama rin sila. Pero kagaya nang nakaraan, mas inuuna pa rin ng kanyang asawa ang trabaho.
Ano pa ba ang kailangang gawin ni Jonabel? Kanina pa niya sinusubukan na kuhanin ang atensyon ni Vincent. Tinitimplahan niya ito ng kape para mas lalong mapabilis at productive ang kung ano man na ginagawa nito. Ilang beses rin niyang inalok na bibigyan niya ito ng massage kung sakaling napapagod na ito pero tinanggihan naman niya iyon. Gusto niyang intindihin si Vincent na maaari ngang abala ito. Pero hindi na rin niya maiwasang mainis dahil naiinip na siya sa kaakantay na hindi lang false alarm ang pagpunta nila sa Thailand.
Dahil sa kanya ay matagal ng na-postpone ang kasal nila. At ngayon, pati ba naman honey moon nila ay hahayaan niyang ma-postpone rin nang matagal? Alam niya na marami pang habang buhay ang magiging oras niya kasama si Vincent pero hindi niya maiwasan na mainip. Paano kung susunod ay mas malala pa ang maging rejection sa kanya ni Vincent? Kung hindi pa ngayon, kailan pa?
Dahil doon ay napagdesisyunan na ni Jonabel na gumawa ng aksyon. Babaguhin na talaga niya ang kanyang sarili. Dahil hindi naman niya masasabi ang sarili na isang sexy na babae at hindi rin niya maika-categorize ang sarili bilang ganoon, iisa lang ang pagmamay-ari niyang negligee. Ni hindi niya pa nga naisusuot iyon at kaya mayroon siya ay dahil regalo lang iyon ng isang katrabaho niya noon nang malamang engaged na sila ni Minjoon. Dinala lang niya iyon upang isa sa mga reserbang damit. Isinuot niya iyon ngayong gabi.
Tignan na lang natin kung magagawa mo pa rin akong i-neglect pagkatapos ng lahat ng ito, Vincent...
Tama naman ang inisip ni Jonabel na mapapansin nga siya ng asawa pagkatapos isuot iyon at makita nito nang pumasok ito sa kuwarto. Hawak-hawak na rin nito ang laptop na ngayon ay nakasara na palatandaan na tapos na ang kung ano man na ginagawa nito. Pero kagaya nang madalas na pagpansin nito sa kanya, galit ang nakita niya sa mukha nito.
"Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito, Jonabel?"
Sinubukan niya na huwag magpaapekto sa tono na ginamit ni Vincent. Humarap pa siya rito at lumapit. "Hmmm.... Hindi mo ba gusto ang nakikita mo, yobo?" Sinadya pa niya na palamyusin ang boses at gumamit nang sikat na love endearment sa Korea. Ipinulupot ni Jonabel ang kanyang kamay sa leeg nito.
Nag-iwas ng tingin si Vincent pero naramdaman niya na tila kinakabahan ito dahil bahagyang nanginig ang lalaki. Ibig sabihin lang noon ay naapektuhan ito sa kanya. Kinakabahan man ay tila nagdiriwang rin ang puso ni Jonabel. "This is not you,"
"Don't you like the other side of me? Hindi mo ba gusto na lumalabas na ako sa shell ko?" naalala niya noon na ine-encourage siya ni Vincent na magsalita. Na kahit papaano ay gumawa ng kalokohan dahil mahinhin nga siya at madalas na ilag sa mga tao. "D-don't you want me?"
Doon tumingin muli sa kanya si Vincent. Diretso sa mga mata ang tingin nito. "Hindi mo na kailangang itanong. You know I want you..."
Kung sa ibang pagkakataon, mamumula lang siguro si Jonabel. Pero hindi sa pagkakataong iyon. She wanted to be blatant because she wanted Vincent, too. "Then prove it."
Naging isang malaking gulat para kay Jonabel ang sumunod na ginawa ni Vincent. Oo, hinamon niya ito pero dahil kilala niya si Vincent bilang isang gentleman na lalaki, hindi niya akalaing papatulan rin nito ang sinabi niya. Hinalikan siya ni Vincent nang mariin.
Tila may nagwalang kabayo sa dibdib ni Jonabel sa klase ng halik na ibinigay sa kanya ni Vincent. He seems so aggressive. Ito ang unang beses na hinalikan siya nito nang ganoon at masasabi niyang nagustuhan niya iyon. Gusto rin naman niya ang mga halik na iginawad sa kanya ni Vincent pero dahil kakaiba iyon ay tila naging kakaiba rin ang naramdaman ni Jonabel.
Habang hinahalikan ay ibinalot ni Vincent ang mga kamay nito sa baywang niya para lalo pa siyang palapitin rito. Ikinawit naman ni Jonabel ang kanyang mga kamay sa leeg nito. Naging mariin ang halik at ni hindi na niya mabilang kung ilang ungol ang pinakawalan nilang dalawa ni Vincent habang ginagawa iyon sa isa't isa.
Makatapos ang ilang sandali, naging malikot ang mga kamay nila ni Vincent. Ganoon rin ang labi nito. Bumaba ang ulo ni Vincent patungo sa kanyang mga leeg. Doon mas lalong dumami at lumakas ang mga ungol ni Jonabel. Pakiramdam niya ay kaunti na lang at mawawalan na siya ng hininga dahil sa sensasyong dinadala nito sa katawan niya. He was leaving her breathless.
"God, Vincent. I want you..." hindi mapigilan na mapabulalas ni Jonabel.
Tumigil sa ginagawa si Vincent. Nakangising tumingin ito sa kanya. "Then prove it to me..." Bahagyang lumayo ito sa kanya.
Namula si Jonabel. Bahagya rin na naguluhan. "W-what do you mean?"
"I kissed you because I proved to you that I want you. Ngayon, ikaw ang gusto kong bumawi sa akin..."
Kaya ko ba talagang panagutan ito? Napalunok si Jonabel. Gusto niya si Vincent. Gusto rin niya ang ginagawa nila at kung hindi nila maipagpapagpatuloy iyon ay hindi niya yata kakayanin. Pero kaya nga ba niya na maging passionate kagaya nito? Kaya niya bang magsimula nang ganoong klase ng halik?
Yumuko si Jonabel pero nang mapagtanto na kung hahayaan niyang sukubin siya nang mahina at mahinhin na sarili niya, magiging gulo na naman ang dating niyon. Itinaas niya ang mukha at sinalubong ang nagbabaga pa rin na mata ni Vincent. Hinawakan niya ang mga braso nito at itinulak ito sa kama na nasa tabihan lang nila at pagkatapos ay pumatong rito.
"Tigress..." narinig pa niyang wika ni Vincent nang halikan niya ito. Matinding sinalubong at ibinalik rin naman nito sa kanya ang halik. Naramdaman niyang naging malikot na naman ang mga kamay nito. Gumulong sila sa kama sa tindi ng paghahalikan. They are now in the reverse position. Unti-unti rin nitong itinataas ang top ng negligee na suot niya at kahit kinakabahan man ay hindi niya pinigilan ang asawa. May karapatan itong gawin iyon sa kanya.
Nakita niya pang bahagyang natigilan si Vincent nang matanggal nito ang lahat ng saplot sa katawan niya. Mas lumala pa ang apoy sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya at kahit ramdam ni Jonabel na naging ibang babae siya sa mga ginagawa ng asawa ay medyo nahihiya pa rin siya.
It would be her first time. Hindi siya sanay sa ganoon...
Namula si Jonabel nang magsimula si Vincent na magtanggal ng damit. Nang matapos ito ay ito naman ang dumagan sa kanya. And when he entered her...alam niyang tiyak na magmamarka ang mga kuko niya sa balikat ni Vincent...
"What the---" napamura si Vincent dahil na rin siguro sa naramdaman nito na nararamdaman rin niya. Bahagya pa siyang inilayo nito. "It couldn't be... Si Minjoon..."
"I never gave myself to him, Vincent."
"Pero bakit?"
"It wasn't right to do so."
Alam ni Jonabel na may ibang dahilan pa kung bakit ganoon. Pero tama bang ito ang oras kung kailan niya aaminin rito ang lahat? Isa pa, paniniwalaan ba siya nito kung gayong siya ay naguguluhan rin sa nararamdaman niya? Ni hindi niya rin maipaliwanag kung bakit nga ba. Pinaniniwala niya ang sarili niya na mahal niya si Minjoon. Nag-gave up siya nang malaking bagay sa sarili at pamilya niya para lang patunayan iyon. Pero sa huli, ramdam niya na hindi naging worth it iyon. Hindi lang dahil sa iniwan lang siya ni Minjoon sa huli.
Iyon ay dahil sa buong relasyon nila ni Minjoon, hindi niya maggawang lubusan na sumaya. Kung iyon ba ay dahil sa alam niyang sinaktan niya si Vincent habang kasa-kasama niya ito o dahil lang sa nagkamali naman talaga siya ng desisyon ay hindi niya maintindihan. Noon ay tila may kulang sa relasyon nila ni Vincent pero masaya naman siya. Alam niyang ganoon rin ang relasyon nila ni Minjoon noon, may mali, pero hindi niya tuluyan na maging masaya kagaya ng nararamdaman niya ngayon kay Vincent sa kabila ng pagmamatigas nito sa kanya.
Kung ano man ang ibig sabihin noon, nararamdaman naman niya na isa iyong bagay na maganda kaya hindi na lang niya hinahayaan na magulo pa ang kanyang isip tungkol roon...
BINABASA MO ANG
International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED)
RomanceSeventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent-ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang-sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya na...