Ang Huling Pahina

10 2 0
                                        

Aking kinuha ang libro na puno ng pahina
Kung saan tayong dalawa ang bida,
Kung saan nakasulat ang masasayang araw na tayo ang magkasama,
Napakagandang simula,
Napakalinaw ng bawat letra,
Gamit ang tinta ng ating tadhana

Sa bawat pahina puro masasayang alaala ang nakatala
Nakalimutan isulat ang pait ng pagsasama
Katulad nung monthsary nating dalawa
Ang tanging nakasulat ay ang nakangiti tayong dalawa habang hawak ang mais na may krema,
Ngunit di nabanggit ang pagtatalo sa mismong araw na dapat tayo ay masaya,
Na kung paanong ang dapat pagtawa ay napalitan ng pagpapalitan ng masakit na salita

Pagdating ko sa gitna, nakita ko ang larawan na pareho tayong masaya,
Ngunit aking napagtanto ang larawan ay nandito pa ngunit ang saya ay wala na,
Aking inilipat sa susunod na pahina,
At mas lalo akong nanghina,
Ang mga luha ay tila nag uunahan sa pagpatak mula sa aking mata,
Iyong isinalaysay kung paano ka napagod sa ating dalawa,
Kung paanong nasasakal kita,
Kung paanong unti unting sumusuko ka na sa sumpaan nating dalawa,
Ngayon alam ko na kung bakit sabi mo pakinggan ko ang kantang paubaya,
Dahil habang mahal kita mas lalo kang nahihirapan magmahal ng iba,
Ngayon alam ko na kahit ako ang nauna
Na kahit yakap kita, pero laman ng isip mo ay sya
Akin ng isasara ang huling pahina
Mahal kita ngunit pinapaubaya na kita sa kanya.

LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon