pinaglaruang anak ng bayan

85 4 0
                                    

Katulad sa kantang sa iyoy alay
Sa taglay mong ganday dayuhan ay nahalina
Ikaw ay napaglaruan, ngunit ipinaglaban
Andyan si mabini na naging utak ng himagsikan,
Ang pambansang bayani Dr.jose rizal panulat ang panlaban
At ang iyong mga anak suporta ang puhunan
Nasadlak sa dusa,Mga luhang sa iyoy inilaan
Ngayon, makabagong panahon tila sakripisyo moy nakalimutan
Kabataan pag asa ng bayan, ngunit bakit tila kami binubura sa kamunduhan,
Wala kaming laban,
Kami daw ang salot sa lipunan,
Hindi bat mas salot ang mga taong droga ang puhunan,
Hindi bat mas salot ang sakim sa kapangyarihan
Kami mga kabataang naligaw ng daan
Mapusok nga ang kabataan, ngunit di kami parausan
Hindi kami makasalanan, wala kaming kasalanan
Naging laman man kami ng away sa lansangan
Ngunit marami sa amin ang pinatay at nilapastangan
Pasensya na ina iyong ganday aming nadungisan
Walang humpay na sisihan,
Sino nga ba ang may kasalanan
kami nga bang kabataan o sila na sakim sa kapangyarihan
Hindi matapos na turuan,
Nawawalang katarungan
Sino nga ba ang may kasalanan kami bang pinagsisilbihan o silang naninilbihan.

LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon