Time Machine

34 3 0
                                    

Nakatingin sa relos na walang humpay sa pag ikot
May tatlong kamay na pawang nag uunahan sa bawat sulok
Makakabalik pa kaya sa panahong wala ang pagsubok
Sa panahong ang mga ngiti sa labi ang syang namumutawi

Naalala ko ang mga ngiti na gumuguhit sa iyong labi
Na ang bawat alitaptap sa gabi ang syang saksi
Magkasama nating pinagmasadan ang pagsikat nga araw at ang unti unti nitong pamamaalam sapagkat andyan na ang bwan na sa kanya'y papalit
Sabay tayong magngingitian kahit na itoy pilit

Kung kaya ko lang mag imbento ng isang kapsula pabalik sayo
Upang maibsan ang sakit, at mapawi ang luha na dulot mo
Babalik ako, hindi upang balikan ka
Babalik ako, upang sulitin ang araw na kasama ka

Alam kong sa piling nya'y masaya ka na,
Alam kong hangad mong akoy sumaya
Mahal kita, mahal mo ako, kaya malaya ka na,
Ang tanging hangad ko lang lang makita kita sa susunod na buhay nating dalawa
_________________________________________

Thank you everyone, i hope you enjoy.

LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon