Sumulat ako ng tula gamit ang linyahan kong gasgas na
Ikaw ang aking pangunahing paksa hindi dahil mahal pa kita
Kundi ang kagustuhan kong mapalaya ka
Mapalaya sa mga ala alang pilit kong binabalikan pa
Katulad ng masasayang ala ala nating dalawa,
Na napalitan ng sakit at pagluha
Ang ating pag iibagan tila perpekto na
Para tayong kathryn bernardo at daniel padilla
Ikaw ang aking leading man at ako ang leading lady sa istorya nating dalawa
Ngunit ang ating istorya ay nauwi kay gerald at bea
Mahal naman natin ang isat isa, ngunit bakit parang tayo ay di para sa isat isa
Ang mga sakit at pag luha, tulad sa iaang kanta
Tayo ay pinag tagpo ngunit hindi itinadha
Pinagtagpo tayo ng madayang tadhana para saktan ang isat isa
At pagluha ang mararanasan sa piling nating dalawa
Ang mga pangako na sakin ay binitawan sa iba matutupad pala,
Masakit man ay aking tatanggapin na sakin ay di ka na babalik pa
Kaya mahal hayaan mong sa huli sa iyo akoy makapag paalam,
Ito ang huling tulang sa iyo ay iaalay
Kaya mahal aking tatapusin na itong aking nga linya
MAHAL, MALAYA KA NA!!
_________________________________________
Kung darating man ang panahon na mababasa mo to gusto ko lang sabihin na salamat sapagkat ikaw ang aking unang inspirasyon sa pagsulat ng tula.
NOTE: Magkaibigan na kami

BINABASA MO ANG
LIbro Ng Makata
PoetryKung isa kang makata halika, tara samahan kita hahanapin natin ang tamang salita upang sa mundoy maipakita galing ng isang makata