Hindi kami ang kalaban

33 4 0
                                    

Ilang siglo na ba ang nagdaan
Ilang karahasan na ba ang naranasan
Ilang katiwalian pa ang masasaksihan
Hindi kami ang kalaban

Hindi kami anti gobyerno
Isa lang kami sa milyon milyong taong nangagarap sa magandang kinabukasang pinangako nyo,
Teka nakalimutan nyo mga pangako nyo na tila kinain nyo,
Hindi pa ba kayo nabusog pati kaban ng bayan kinamkam nyo,

Oy teka mayora ikaw pala yan
Di na kita makilala,
Lalo ka kaseng gumaganda,
Eh kase naman araw araw nasa derma

Oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan,
Hindi ba nung kampanya pangako nyo paaralan,
Pero bakit tila tulay ang iyong pinagawa, tulay na may nakaukit na pangalan ng mga opisyal ng bayan
Tulay na sana tulay sa tamang daan,
Paaralan na para sa mga batang lansangan,
Paaralan hindi tulay na may pangalan

Teka nagiging makalimutin na yata tayo,
Oh sadyang pinilit malimutan sapagkat ang mata na pili ipinipikit,
Ang mga taingang nagbibingi bingihan
Dahil kapag nagsalita ka pakakainin ka ng mga bala,

Hindi pa ba tayo nadadala,
Sa sunod na kampanya andyan na naman sila,
Ilalatag kanilang mga plataporma
Kakamayan ka gamit ang perang nakaipit sa mga makasalanan nilang kamay,
Teka wag mong ibenta ang buhay mo at buhay ng iyong pamilya,
Para sa mga taong halal ang kaluluwa

Gasgas ang mga salitang
Bato bato sa langit, tamaan ay wag magalit,
Bato bato sa langit, tamaan ay bukol sana ng matauhan,
Ang bansa ay hindi pang eksperimento,
Hindi rin para sa mga taong hangad ang kapangyarihan at pwesto.

Kaya ikaw, tayo may kapangyarihan tayong pumili,
May kapangyarihan tayong mali ay iwaksi,
Mag isip ka hindi mababayaran ng ilang salapi
Ang sakripisyo ng bawat pamilya, ang kinabukasan ng mga paslit.

_________________________________________
Sobra akong nainspire sa mga napanood kong spoken word poetry, yung una is entitled "papara ka ba" by kyle Velilla and jessa tabalba and the other one is "Pano kung". This piece was to inspire~

LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon