Habang tinatanong ko ang iyong presensya,
Napakahaba ng iyong pasensya,
Muli kang nagkwento, buksan mo ang iyong mga mata at makikita mo ang iyong tunay na halagaHabang paulit ulit kitang tinataboy,
Muli mong isiniksik sa aking mumunting kokote,
Anak kita, mahal kita,
Kahit anong unos ang dumating hindi ako mawawalaHabang paulit ulit akong sumusuko,
Paulit ulit mong binabanggit "bilib na bilib ako sayo"
Sa panahong mahina ako,
Paulit ulit mong pinapalakas ang loob koHabang paulit ulit kitang binalewala,
Muli mong ipina alala ang kwento mo,
Minsan kang nabingi sa alingawngaw ng mundo
At inako ang kasalanang hindi sayoKung sakaling maligaw muli ako ng landas,
Handa mong ibigay ang liwanag para sa panibagong bukas, na walang bakas ng pagkakamali at pagkamuhi
Na hindi pagsuko ang solusyon kundi ang muling pagtawag ng pangalan moMuli akong lumuha, na parang bata hindi dahil sa muli akong nagduda,
Lumuha ako dahil muli akong nakalaya
Sa sakit, pighati at pag iisa
Muli akong nagtiwala, naniwala, humawak at kumapit ng mahigpit
Nagbabakasakaling hindi mo ako iiwan
Niyakap mo ako, at muling hinaplos
Totoo nga, unti-unting kumurba ang saya ang ngiti sa aking labiMaraming salamat sa pagsubok,
Tinuruan mo akong bumangon kasama ka
BINABASA MO ANG
LIbro Ng Makata
PoesíaKung isa kang makata halika, tara samahan kita hahanapin natin ang tamang salita upang sa mundoy maipakita galing ng isang makata