Magsisimula tayo sa lugar kung saan hindi makakalimutan,
Pano ba naman mga tao pawang gobyerno sinisisi,
Bumaha ng konti, gobyerno nagkulang kase,
Tapon doon, tapon dito ganun naman ang eksena lagi
Konting ulan ayun bumabaha ng basura sa kalye
Oh teka aalis ka ba, teka may sunod pa tayong pupuntahan,Ang lugar na kung saan mga tao walang tahanan,
Oh baka di mo naitatanong namumuno na naman may kasalanan
Eto na naman walang hanggang sisihan
Si mayor daw kase kinamkam kaban ng bayanEto ang lugar kung saan, teka mag aaral pala sila
Akala ko kase tambay lang sa may pasilya
Yung iba kase ang uniporme nagpamangha sa madla
Samantalang sila walang permanteng sila sa eskwelaAba may humabol pa eto pala ang lugar na hangad ng lahat
Pano ba naman kase hindi nagsisihan kahit silay salat
Hindi gobyerno ang may sala, sapagkat silay may paraan
Mga basura kung saan saan, kanilang pinagkakaperahan
Oh teka naiingit ka ba hindi ka na babagay dito sapagkat mga tao ay nagmamahalan

BINABASA MO ANG
LIbro Ng Makata
PuisiKung isa kang makata halika, tara samahan kita hahanapin natin ang tamang salita upang sa mundoy maipakita galing ng isang makata