Ikaw ang unang babaeng nasilayan sa mundong ibabaw,
Ang pawis na sa iyoy unti unting pumapatak habang nakabilad sa araw
Habang tayoy magkasama banayad sa iyo ang hirap at uhaw
Pagkauwi sa sa isang kubo nakatutok ang bentilador na tila dinaanan ng ilang siglo
Walang ni isang reklamo narinig mula sa iyo
Saksi ang aking mga mata sa gabi gabing pagluha mo,
Na hindi mo maibigay ang kending mamiso,
Sapagkat ang pera ay sapat para sa pagkain at pangmedikasyon ko
Habang tinalikuran tayo ng mundo,
Hirap ay damang dama ko yan ang lagi kong reklamo sa iyo,
Nanumbalik ako sa realidad ng biglang sa tabi koy "condolence po"
Hindi masagot ang mga tanong sa munting isipan ko
Ina bakit napakagulo ng mundo, napakadaya ng tao
Walang karapatan bang mabuhay ang tulad mo?
Pera ba ang magpapatakbo sa mundo?
Pera ba ang gagamot sa iyo
Ina pasensya na sa walang humpay kong reklamo,
Tinitigan ko ang sapatos na regalo mo
Ito ba ang kapalit ng buhay mo, ang sapatos na halagang dalawang daang piso, kapalit ng tabletas na para sa iyo
Ina bakit iniwan mo ako, iniwan sa mundong magulo.

BINABASA MO ANG
LIbro Ng Makata
PoesíaKung isa kang makata halika, tara samahan kita hahanapin natin ang tamang salita upang sa mundoy maipakita galing ng isang makata