CORONA

46 5 0
                                    

Sa pagdating mo sa aming bansa
Wala ni isa ang handa
Wala kaming panangga
Wala kaming sandata
Ang lahat ay nag alala at nabahala

Tahimik na kalsada,
Mga establesimientong nakasara
Isang pulgada ang layo sa isat isa
Ngunit hindi naging hadlang, ginising mo ang damdamin ng pagkakaisa

Mga doktor, sundalo at pulisya
Bagong bayani ng bansa
Handang ibuwis ang buhay nila,
Makapagdugtong lang ng buhay ng iba
Tiniis ang malayo sa pamilya
Lumalaban sa kalaban na di nakikita
Buhay ang nakasalalay wala kaming magawa

Ang luha sa mga mata,
Ang hagulhol ng mga taong nawalan ng kapamilya
Ang laman ng dasal ng bawat pamilya
Ang sigaw ng damdamin ng bawat isa
TAMA NA! TAMA NA! Parang awa mo na

Marami na ang buhay na nawala
Hindi pa ba sapat ang ang libo libong buhay na iyong kinuha,
Ikaw nga ang reyna
Lisanin mo na ang mundo, Tama na!
Yan ang sumamo ng bawat isa.

Darating ang araw na ang lahat ay magsasaya
Maghahawak ang kamay ng bawat isa at sisigaw sa wakas ay salot ay tapos na
Babalik ang sigla ng bansa
Ang mga estudyante sa wakas ay makakapag marcha
Ang mga doktor ay luluha sa saya sapagkat ang misyong laban sa corona ay tapos na
~madame











LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon