Huling Sayaw

20 3 0
                                    

Habang hawak hawak mo ang aking kamay, sumasabay sa bawat himig ng musika
Unti- unting humihigpit ang paghawak sa kamay at bewang, dala ng takot na biglang mabitawan at mapunta ang sayaw sa iba,
Baka kase mas maganda ang mabuo nyong sayaw na magkasama
Kay ganda ng musika, katulad ng sayaw na pinagsasaluhan nating dalawa
Ang bawat indayog na nagpapatunay ng pagkasabik sa isat isa
Ang bawat melodiya ng musika ay may hangganan pala, Ang bawat ikot ay natapos na, humantong na sa wakas ng musika
Ang sayaw na ating binuo ay ang unti unting sumisira at naghahatid satin palayo
Nakakasakit na ang musika katulad ng pag ikot na pareho tayong napagod na
Heto na ang huling sayaw na pagsasaluhan nating dalawa,
Ang mahigpit na pagwak unti-unti ng bibitaw sapagkat eto na ang huling sayaw na kalakip ng musika,
Hanggang sa muling pagtatagpo ng ating kamay, paalam
Paalam na sa ating huling sayaw.
May dulo pala ang langit, Kayat sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw
Sa pagsisimula ng panibagong musika ay ang pagsisimula panibagong yugto ng na bubuksan
Ngunit sana sa susunod na musika, eto na ang musikang hindi magtatapos,
Ang musika na sa pagmamahal natin ay mag gagapos
Kaya gusto ko ng magpaalam sa ating HULING SAYAW.

LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon