HaLaLan

10 3 0
                                    

Ako si LaLa, Hindi pulitiko, hindi manloloko
Oh, Teka! Hindi ako Anti-Gobyerno,
Nasasainyo kung pakikinggan mga salitang mang gagaling sa bibig ko,
Isa lamang akong paslit na may kumakalam na sikmura,
Na hindi kayang sikmurain ang bulok na sistema.

Halalan na naman, lalabas na naman ang mga taong halang ang kaluluwa, Nagpapasilaw sa kapangyarihan at pera,
Mga taong hindi marunong maawa,
Hindi magkamayaw sa pagkamay,
Kamay roon, kamay rito,
Lalabas ang kanya kanyang plataporma------na karamihan ay basura,
Pasensya na sa maanghang kong mga salita,
Ngunit hindi ba't ito ang tama.

Huwag ka ng magbingi-bingihan,
Tama na ang iyak ng mga bata sa lansangan,
Huwag ka ng magbulag bulagan,
Tama na ang madilim na nakaraan,
Hindi isang libo o isang daan ang kapalit ng paghihirap ng daan daang mamayan.

Kay sakit makita ang unti-unting pagkasira ng bayang aking sinisinta.
Sa mga daliri, Ang tinta at marka
na pawang simbolo na darating na ang bagong pagbabago,
Kaya ikaw, ako, may magagawa pa tayo, piliin ang nararapat hindi ang mga taong may salaping nakadaop sa palad.

Pilipino ako, Pilipino ang dugong nanalaytay sa dugo ko
Paulit ulit ko paring sasambitin ang mga katagang "Ang mamatay ng dahil sayo"
Kung isisilang man muli ako,
Ikaw parin ang gugustuhing maging inang bayan ko.

LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon