BITTER AKO

36 5 1
                                    

This poem is my tribute for the valentines day! Happy hearts day everyone!
_________________________________________

Isa ka ba sa mga nasaktan, iniwan ng walang dahilan o pinagpalit sa kaibigan,

Teka lang masyado na bang masakit aking mga salitaan
Wag kang mag alala akin din yang pinagdaanan
Isa din ako sa nilegal pero di nagtagal,
Pano ba naman yung kaibigan eh umepal,
Yung tipong kaibigan daw ang papel kaya pala si mahal ayun sakin daw ay nasakal
Piniling makalaya kaya eto ako ngayon parang amapalaya

Naalala ko araw nga pala ng mga puso, akala ko araw ng mga multo,
Kase naman yung mga nang ghost anlalabo
Mangangako tas ayun bigla na lang magiging multo
Tas ikaw naman tong si gago iiyak ng patago
Kase ano nga bang label nyo ah M.U
Malabong ugnayan yung may pa i love you pero walang kayo

Isa ka ba sa sinabihan ng MAHAL KITA pero di pinanindigan
Sana sinabi mo na lang na bilang kaibigan
Uy kain ka na mahal ko,--ng kaibigan
Ingat ka mahal ko--ng kaibigan

Wag kang sumimangot, kaya sa susunod na magmamahal ka, wag ibigay ang sobrang tiwala, sarili muna bago ang iba

LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon