Chapter 35: The Review
Timothy's POV
Papunta na ako sa school ngayon. Hindi ko maintindihan yung sarili ko eh, ngayon lang ako na- excite na pumasok? Kakaiba talaga yung mga nararamdaman ng mga gwapo. Hindi maipaliwanang. Parang kahapon lang, cool lang ako. Ngayon, super cool ko na? *sabay taas baba ng kilay*
"Diretso na po sa school?" Tanong sakin ni mamang driver. "I- try po natin sa beach, tara swimming tayo." Sarcastic kong sabi, baguhan siguro 'to. "Pero malayo pa po eh, ok lang sa inyo?" Ay munshunga. "Sige po, sa school na lamg." Sambit ko at napatango tango ns lang dya. Lokong driver na 'to. Hindi na yata alam ang pinagsasabi nya kapag kaharap anggwapo, juice colored. Hirap talaga yung role naming mga gwapo oh.
Pagdating sa school, as usual, madami na namang students ang papasok sa gate, kanya kanyang kotse, mapa- lalaki man o babae. Bwisit na matanda yun, kinuha pa susi ko. Nakakainis naman.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom, syempre dating routine, pinagtitinginan na naman ako ng mga girls. Nakapamulsa ako ng dalawa kong kamay at tsaka nakapataas yung gwapo kong buhok. Syempre ngayong maaga pa, kaya ko pa naman silang entertain- in.
"Hi miss." Sabi ko sa isang babae na nakaupo sa labas ng classroom nila. Pagtingin nya sakin... hindi ko maikakakailang maganda naman sya. Pero bigla na lang napakunot yung noo nya. "And who are you?" Pagtataray nya sakin, aba abah.
"I'm the most handsome guy in the world. Too obvious, right?" Sabi ko at bigla na lang syang pumasok sa classroom nila. Haha. Hindi nya ma- accept yung fact na... na alam nyo na.
Pagdating ko sa classroom namin, ayun, hindi maingay. Syempre nandun na naman yung mga kabarkada ko. Pagpasok ko, nabigla ako sa nakita ko. Si Bryan, kausap si Andrea. Hindi ko lang alam kung may something na ba sa mga 'to. Pero ang saya nilang nag- uusap huh?
Tapos si Vince at tsaka si Daphne naman ayun, parang walang kibuan tapos si Vince nakaakbay pa kay Dice. 'Tong mokong na 'to. Dumadamoves! Tapos si Ei naman kausap si Alynna, habang etong si Renz, pasulyap sulyap sa kanila habang nakakunot ang noo. Hmm, something is wrong.
Ah, ngayon pala yung sa presentation ng projects. Si Laureen lang pala yung magpe- present nung samin, magre- review pa kasi kami. "What's up mga bro?" Tanong ko sa kanila at napatingin sila sakin. "Get lost." Sambit ni Andrea. Abah aba!
"Why would I?" Tanong ko naman. "Because you have to review, and you're just bothering us." Sambit naman nya. "Bothering? Does this face looks like I'm bothering you?" Tanong ko at napatango sya. "Exactly." Paexact- exactly pa huh? "Why would I need to review?" Tanong ko uli. "For your brain to be filled with something." Sagot nya. At ano daw?
"My brain is full of--"
"Air." Pagtuloy naman nya sa sinabi ko. "Maybe you can't just accept the fact that I'm smarter than you." Sambit ko sabay turo pa sa kanya. "Ut maybe you can't accept the fact that I'm the smartest?" Tanong nya. "What a dream that will never come true." Sambit ko at binato naman ako ni Bryan ng plastic bottle.
"Asus! Ipinagtatanggol mo sya huh? Ganyan na ba ang ipagpapalit mo sa pinagsamahan natin? Hindi mo na ako gusto Bryan?" Sambit ko at medyo natawa pa sila Alynna kasi pabakla yung pagkakasabi ko.
"Mandiri ka nga. Nakakakilabot ka." Sambit naman nya na halatang diring diri. "As if papatulan kita." Sambit ko. "As if may papatol sayo?" Tanong naman nya. "Makaalis na nga. Masisisra yung handsome face ko sa inyo. Grabe, haggard na ako." Sambit ko sabay alis. Mga walang kwenta.
Nauna na ako sa library. Pumasok ako at andun na si ma'am Librarian, si ma'am Arselee. "Good morning ma'am. Informed po ba kayo na---"
"Yes, yes. Come in. But, you're partner isn't here. Perhaps, you may need to call her first." Sambit nya at tumango na lang ako at nag- smile. Talagang yung batang yun. Lumakad na ako at narating ko rin yung section nila.
BINABASA MO ANG
A Promise to Forever
Random"PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN." "THERE IS NO SUCH THING AS FOREVER." Eh paano na 'yang A Promise to Forever na 'yan? Matutupad pa ba 'yan? Sa mga naniniwala, OO. Sa mga hindi naniniwala, HINDI syempre. Pero sa story na 'to? Mangyayari pa kaya ang...