Chapter 28: HIS Confession
.
Ei's POV
.
Binilisan ko na agad ang activities ko sa school. This time, kailangan kong makita si Alynna. Nag- aalala ako sa kanya. Lalo na at magkasama sila ni Renz.
.
Buti na lang at uwian na rin namin. Tiannong ko na kanina kay Vince kung saan naka- confine si Alynna at sinabi nya lang kung saan yung ospital. Hindi mpna ako nagdalawang isip pa.
.
Kinuha ko na agad yung kotse ko at agad kong pinaharurot. Pagdating ko sa ospital, nagtanong agad ako sa information area. At agad rin nilang sinabi sakin.
.
Pagdating ko sa pintuan, nagulat ako sa nakita ko, nakaside kasi yung kurtina kaya nakikita ko sila. Nakangiti lang si Renz tapos tumatawa si Alynna. Anong nangyayari? Bat ang saya nila? Hindi ko tuloy maiwasang masaktan habang pinapanuod ko si Alynna.
.
Masakit pala kapag nakikita mong masaya sa piling ng iba yung taong mahal mo.
.
Yan na lang yung nasabi ko sa sarili ko. Papasok pa ba ako o hindi na? Masaya naman na si Alynna eh. Aalis na sana ako nang nakita ako ni Alynna. Napatingin agad sa akin si Renz. Yung ngiti nya... biglang nawala. Biglang nag-fade nung nakita nya ako.
.
May kakaiba na talaga akong nararamdaman sa inaasal ni Renz.
.
"Pasok ka Ei! Dali!" sigaw naman sa akin ni Alynna. So... papasok na nga ako.
.
Napatahimik agad si Renz at tumingin sa ibang direksyon. Ano ba talagang problema nya?
.
Napatingin ako kay Alynna at napangiti ako sa kanya. Ganoon rin yung ginawa nya sa akin. "Kamusta ka na pala?" tanong ko naman sa kanya. "Ok ka na ba?" tanong ko pero imbis na sya ang sumagot, si Renz.
.
"Oo, ok na sya." sagot nya lang tapos nagkatinginan kaming dalawa. Napakunit sya ng konti.
.
Medyo natahimik kaming tatlo, parang ang awkward. Ang awkward kapag magkakasama kami.
.
"May kailangan ka pa?" tanong sakin ni Renz. Ano bang problema nya? Kung hindi lang siguro kami magkakabarkada... may respeto lang ako sa kanya sa pagiging leader nya.
.
"Ano bang problema Renz?" tanong ko naman sa kanya. Parang bigla naman syang nainis sa sinabi ko. Ano bang nakakainis?
.
"Wala lang. Kaya ko naman nang bantayan si Alynna eh, bat nandito ka pa?" tanong nya sakin habang nag- aangas, Oh tignan mo 'to. Sarap sapakin.
.
"Ikaw na lang kaya ang umais nang ako naman ang papalit sayo para bantayan si Alynna? Balita ko, kanina ka pa ata." sagot ko naman sabay smirk. Anong akala nya? Papatalo ako?
.
"No thanks. Kayang kaya ko syang alagaan." sabi nya? Napatingin ako sa kanya. Alagaan? Whoa. Talagang kakaiba na nga talaga siya.
.
"Kaya ko rin naman syang alagaan. Kaya ko syang alagaan mas higit pa sa kaya mo." sagot ko. Ang seryoso nya. Sobrang seryoso syang nakatingin sa akin. Ang tagal lang naming nagkakatinginan ng biglang binasag ni Alynna yun.
BINABASA MO ANG
A Promise to Forever
Random"PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN." "THERE IS NO SUCH THING AS FOREVER." Eh paano na 'yang A Promise to Forever na 'yan? Matutupad pa ba 'yan? Sa mga naniniwala, OO. Sa mga hindi naniniwala, HINDI syempre. Pero sa story na 'to? Mangyayari pa kaya ang...