Chapter 1: A Promise to Forever

283 12 0
                                    

Chapter 1: A Promise to Forever

Pinagmamasdan ng lalaki ang batang babae habang naglalakad papunta sa kanilang altar. Mistulang may isang matinis na musika ang kanyang naririnig ng naglalakad ang babae papunta sa kanila.

"Nangangako ka bang kayo ay magsasama habang buhay?"

"Opo father." Sabi ng lalaki.

"Eh ikaw? Nangangako ka rin ba na kayo pa rin ang magsasama habang buhay?" Tanong uli ni fathsr

"Opo father." Sagot ng babae gamit ang kanyang malamyos na boses.

"Kung ganoon, nangangako ba kayo na papatunayan nyong Promises are not really meant to be broken? Na totoong may ... Forever?" Paninigurado pa ni father wanna-be sabay tingin sa kopya nya ng script nila. Echosera ah. JK.

"Opo." Deretsahang sagot ng dalawa.

"Sure na?" Tanong uli ng father.

"Oo nga po." Sabi pa nung babae.

"Final answer?" Aba sigurista!

"Father, mabuti po akong tao eh, pero baka hindi ko mamalayan kusang gumalaw tong kamay ko para sapakin kayo eh." Halatang napi-pissed off na sabi ng lalaki. Inip na eh, Haha!

"Chill dre! Sige na nga Good Luck!" Sabi ni father wanna- be sabay alis?

So tapos na kaya ang kasal?

"Tapos na daw." Sabi ng babae.

"Hindi pa." Matipid na sabi nung lalaki halatang seryoso.

"Eh ano pa?" Tanong naman ng babae.

"May kiss the bride pa eh!" Sabi nung lalaki at nagpupumadyak. Pero infairness, cute.

"Saka na lang tayo magki-kiss the bride, 'pag totoong kasal na." Sabi nung babae sabay ngiti sa lalaki.

"Ayoko!" Sabi ng lalaki at nagmamaktol.

"Oo, alangan namang magkiss the bride tayo, hindi pa nga tayo marunong." Paliwanag nya dun sa lalaki.

"Marunong na." Pagpupumilit ng lalaki.

"Haler? 7 years old lang po tayo." Sabi naman ni girl.

Biglang kiniss ni boy si girl sa cheeks at tumawa. "Tapos na." Sabi pa nya.

"Magnanakaw ng halik!" Sabi ni girl sabay kunyari diri sa pisngi nya.

"Kunyare ka pa, gusto mo rin naman. Jackpot ka nga sakin eh." Sabi pa ng lalaking nagmamalaki.

"Pero huwag kang mag-alala hindi pa yan tapos. Kasi... Sa totoong kasal yung kiss sa lips!" Sabi nya sabay lahad ng nguso nya sa babae.

Nag- walk- out na lang si girl at hinabol lang sya ng boy. Nung nahabol na nya... Natigilan silang dalawa.

"Pero promise ko sayo, paglaki natin, papatunayan kong Ang mga pangako ay hindi laging napapako at papatunayan natin sa lahat na may FOREVER. I LOVE YOU!"

Akalain mong ang dalwang batang pitong taong gulang mangangako sa isa't isa ng ganyan?

At yun na nga ang huli nilang pagkikita. Magkikita pa kaya sila uli at matupad ang A Promise to Forever nila? O hindi na dahil hindi talaga sila ang nakatadhana?

***

Abangan sa susunod! Pati yung pari JOKE!

A Promise to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon