Chapter7: McDo Fries Now!
Alynna's POV
Kinabukasan...
Mulat mata...
Hikab...
Tanggal ng kumot...
Nagtooth brush...
Ligo...
Bihis ng uniform...
Kain ng almusal...
Check ng gamit for school...
Kuha baon...
Paalam kay mom...
Tweet sa byahe...
Paalam kay manong Chito...
"Hi Alynna!"
"Ay gorilya!!!" Nagulat ako dun ah.
"Mukha ba akong gorilya Alynna? Sorry kungnagulat kita huh? Haha.Ang Cute mo! Haha!" Tawa ni ... Vince?
Bat mas gumwapo sya lalo?? Parang.. basta! Ang cute nyang tumawa eh :)
"Guguluhin mo rin ba ang buhay ko ... gaya ng ginagawa sakin ni gorilya??" Pagtataray ko. Kahit gwapo 'to magpapakipot pa rin ako. Hindi po ako easy-to-get XD Aba ako na maLandi haha!
"Oyy hindi ah. Good Boy kaya ako.." sabi nya habang inaayos pa ang collar ng uniform nya at nag-wink. Why so cute? >//<
"Oh huwag ka namang kiligin dyan Alynna!" Sabay pitik nya sa noo ko.
"Arayy! Bat ka namimitik?!" Inis kong tanong.
"Sory na." Sabi nya. Bat ba ang cute nito???
"Oyy tsaka.. ikaw Gwapo?"
"Um-um."
"Tss." Sabi ko na lang sabay lakad.
"Oyy wait lang Alynna! Nagbibiro lang ako oh!" Sigaw nya. Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.
Alam kong gwapo ka pero hindi mo kailangang ipagmalaki Mr. Vince Jandec Verde.
Paakyat na ako sa hagdan ng...
May nabangga ako.
At si...
"Renz?"
"Umalis ka sa daan." Cold nyang sabi?
Bat ba ang cold nya sakin ngayon. Pwes wala akong pakialam.
"Nabangga mo na nga ako hindi mo man lang ako tutulu---"
Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko dahil binangga nya ulit ako sa dadaanan ko. Buwisit na gorilyang yun!
Hindi man lang mag-sorry..
Or hindi man lang nya ako tinulungan...
"Dapat kasi umalis ka na lang Alynna eh." Sabi ni Vince habang tinutulungan akong pulutin ang mga gamit ko.
"Bat ganun yun?" Tanong ko sa kanya.
"Ah.. masanay ka na dun. Moody yun eh." Sabi naman ni Vince.
"Ganun ba??" Tapos na kaming mamulot ng gamit ko.
"Oo eh."
"Tayo na?" tanong ko. Malelate na rin kasi kami eh.
"Oo ba! Girlfriend na kita ah." Anu daw??
"Baliw! Sabi ko tayo nang pumasok at malelate na tayo!" Sabi ko. Hayy nakoo 'tong Vince na 'to.
"Asus! PaSimple ka pa eh!" Sabi nya sabay pitik na naman sa noo ko?
BINABASA MO ANG
A Promise to Forever
De Todo"PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN." "THERE IS NO SUCH THING AS FOREVER." Eh paano na 'yang A Promise to Forever na 'yan? Matutupad pa ba 'yan? Sa mga naniniwala, OO. Sa mga hindi naniniwala, HINDI syempre. Pero sa story na 'to? Mangyayari pa kaya ang...