Chapter 21: Research
After recess...
Renz's POV
Next subject na pala namin, and guess what??? Research -.- Sino ba kasi ang nakaisip ng subject na Research na 'yan?! Tangna naman! Tapos yung techer namin, masyadong strict. Strict in a non sense way.
Matutulog na lang ako. Imbes na makinig ako sa boring na discussion na yan. Variable variable bwisit!
"Hoy lalaki ka. Ano bang plano mo sa poster natin?" andyan na naman sya. Bat ba kasi kanina pa sya demmanding sa sagot ko?
"Hoy ano ba?! Kanina pa kita dyan kinakausap hindi ka man lang sumasagot." sabi naman niya. Sino pa nga ba? Edi si Alynna. Sana iba na lang yung ka-grupo ko. Meron naman ying part sakin, na masaya akong ka-grupo sya. Hindi ko alam kung bakit, pero nagsasabi lang ako ng totoo.
Gustong gusto ko kasi syang inaasar, binubwisit tsaka, gustong gusto kong sirain yung araw nya.
Pero sa totoo lang, ayaw ko sa mga babae eh. Kasi sasaktan lang nila kaming mga lalaki, iyan ang totoo.
Kaya kahit kailan, hindi ko na bubuksan pa ang puso ko dahil nasaktan na ako ng todo. Ayoko na.
"Hoy Alvaran ano ba?! Nakakainis ka na ah!" Haaay ano namang plano ang sasabihin ko sa kanya?
"Nakakairita ka. Pwede ba tumahimik ka na lang?" kunwari inis kong tanong. Alangan namang mags-smile ako?
"Paano nga ako tatahimik kung hindi mo man oang sasabihin kung ano bang plano mo?! Arghh!" may lumalabas ng usok sa ilong nya. HAHA
Hindi ko pa rin sya pinansin.
"Hindi ka pa ba magsasalita o gagawa na lang ako ng sarili ko para wala ka nang grade?!" pagbabanta nya sa akin. Ayokong mawalan ng grade eh.
"Okay fine, wala. Wala akong plano." banayad kong sabi. Totoo naman eh, wala talaga akong plano.
"Anooo?!!!! Pagkatapos kitang kulit kulitin dyan wala ka palang plano? Ano ba talaga?! Gusto mong may grade? O gusto mong bagsak ka?!!! Abah one week yan?!! Gusto mo mag-isa mo na lang sa activity!?! Oh ano bang problema mo?! Tsaka-asdfghjkl" pinutol ko na yung sasabihin nya dahil tinakpan ko na yung bibig nya gamit ang kamay ko.
Nagulat naman ako sa ginawa ko at nakita kong pati rin sya, nagulat. Tinanggal ko naman ito agad.
"Ok, Alynna paano ako makakapagplano nyan, kung walang theme? Kung wala silang sinabi kung ano nga ba ang materials? Oh pano ngayon ako makakapagplano? Tayo?" sabi ko namang ganun. Haaaay. talaga 'tong babaeng 'to.
Ayoko syang sigaw sigawan. Hindi dahil sa may pakialam ako sa kanya. Sadyang wala lang ako sa mood. Sadyang hindi ko lang trip, maniwala kayo.
Tumawa lang sya. tumawa sya ng tumawa. Totoo ba 'tong naririnig ko? Fvck! Bakit parang ang saya saya ko kapag tumatawa sya? Bakit parang nagiging musika na ying tawa nya sa mga tenga ko?
Itigil mo na ang pagtawa please?! Hindi ko alam kung bat ganito ang nararamdaman ko. arggh! Tsaka ano ba 'tong sinasabi ko? Bwisit!
"Pssh." sabi ko na lang. Nakakainis.
"Sorry naman. haha. Natawa lang ako kasi kung maka-demmand amo, haha grabe!" sabi naman nya.
"Huwag ka na ngang tumawa!" iritado kong sabi.
"Haha. Iwan na nga kita dyan! Haha!" Haaay buti naman umalis na sya.
"On the way na si ma'am Ancheta guys! OTW na sya! Yang mga upuan dalii!" sabi naman ni Sapphire. Sino ba kasi ang nagpasimuno nyang On the way na yan?!
BINABASA MO ANG
A Promise to Forever
Acak"PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN." "THERE IS NO SUCH THING AS FOREVER." Eh paano na 'yang A Promise to Forever na 'yan? Matutupad pa ba 'yan? Sa mga naniniwala, OO. Sa mga hindi naniniwala, HINDI syempre. Pero sa story na 'to? Mangyayari pa kaya ang...