Chapter 27: In Good Terms
.
Renz's POV
.
Ang mga damong basang basa. Kaaya-ayang paligid. Ang pagdampi ng hangin sa bawat balat na nakapagpaoataas ng balahibo. Ang lamig. Ang tuloy tuloy na pagbuhos ng ulan.
.
Hinihintay ko sya. Papasok na sya sa H.E. at andami nyang dala. Gusto ko syang tulungan pero hindi ko magawa. Halatang nalalamigan na sya.
.
Basa rin sya at kitang kita mong namumutla na sya. May nagsasabi sa parte ko na tulungan ko sya pero hindi kaya ng pride ko. Ewan ko ba sa babaeng 'to.
.
Kapag sa ibang babae, mas lalo ko pa ngang pinaoahirapan pero pagdating sa kanya, naaawa ako. Ano ba syang babae?
.
Nakokonsensya lang siguro ako sa kanya dahilan sa mga nasabi ko. Yun lang yun, wala nang iba pa.
.
Napatingin sya sa akin, mata sa mata. Matang may galit at inis. Matang sobrang talim. Mata, na nakakasakit.
.
Hindi ko alam pero, nung nakita ko yung mata nyang yun, nasaktan ako. Parang ayaw ko na may galit at inis sya sakin. Ayaw na ayaw ko. Pero bat ba ang gulo lang? Nababaliw na ba ako?!
.
Bigla namang may tumulong sa kanya. Isang lalaking pamilyar, pamilyar na pamilyar. At nung makalapit sila, nakilala ko na sya. Yung lalaking nangahas na sagutin ako sa canteen noon kaya nagbugbugan kaming magbabarkada at nakulong na naman sa detention.
.
Bigla akong nakaramdam ng galit sa kanya. Lagi na lang nyang tinutulungan si balyena. Gusto nya ba si balyena?! At ang mas lalo pang nakakainis ay nung nag-uusap sila ni balyena at isa rin naman 'to, nakangiti pa! Sobrang inis at galit ang nararamdaman ko.
.
Bakit kapag sa kanya, lagi akong naaawa, nasasaktan, naiinis at nagagalit kapag may lumalapit sa kanya, natutuwa, pero sa ibang babae hindi?!! Nakakainis naman sya.
.
Hindi pwede 'tong nararamdaman ko.
.
Nung paalis na yung 4th year, napatingin sya sakin. Isang masamang tingin, anong akala nya papatalo ako. Nagpaaangas lang ako sa kanya.
.
"Easy." sambit ni Vince sabay tap sa balikat ko. Anong easy easy?! Easy nya mukha nya!
.
"Bat ba ang hilig mong mangialam?! Naghahanap ka ba ng away?!" sigaw ko sa kanya pero hinayaan nya kang ako. Sino ba namang hindi maiinis sa isang pakialamerong tulad nya?!
.
Malapit na ring mag- start. Anong oras na rin. At ayun... nag ring na yung bell. Simula na ng contest, pero ako walang magawa. Parang namumutla sya. Kanina pa sya hindi mapakali.
.
"Ok class, I think, for this time..." sabi ni ma'am at tinignan nya yung relo nya sabay set...
.
"You may now start." sabi nya at wala silang time na sinayang. Lahat na sila nandoon. Lahat may partner, si balyrna lang ata ang wala.
.
BINABASA MO ANG
A Promise to Forever
Random"PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN." "THERE IS NO SUCH THING AS FOREVER." Eh paano na 'yang A Promise to Forever na 'yan? Matutupad pa ba 'yan? Sa mga naniniwala, OO. Sa mga hindi naniniwala, HINDI syempre. Pero sa story na 'to? Mangyayari pa kaya ang...