Unang Gabi
Mag aalas otso ng gabi nang makatanggap ng text message si Jeff mula sa tauhan ng kanyang ama na inutusan din nyang ipa background check si tan-tan.
'Boss Jeff, andito sa isang Bar po yung batang pinacheck mo sakin noon.'
Nang mabasa iyon ni Jeff ay dali-daling nagbihis ang binatang chinoy at pumunta ito sa nasabing Bar gamit ang sariling kotse.
Pagkadating nya ay nilibot nya ang buong lugar. Nahirapan syang mahanap si tan-tan kasi madilim ang lugar. Nang mapansin nya ang isang waiter na may dalang inumin ay sinundan nya ito ng tingin at tumungo ito sa tatlong tao sa isa sa mga VIP lounge. At doon na napako ang tingin nya.
Tila tumigil ang oras, ingay ng speaker, at naglaho ang mga tao sa loob bar at ang tanging naroon ay ang kanyang pakay, ang taong gumising sa pananabik ng kanyang puso na tumitibok. Nakahinga ng maluwag si Jeff.
Masayang nakikipag inuman si tan-tan sa mga kaibigan habang andun sya sa isang mesa at nakamasid. Nung akmang aalis na sila at akay akay na nina Benjie at Nika si tan-tan ay nilapitan na ni Jeff ang mga ito. Pagkatapos nilang mag usap ay nagtungo na si Jeff sa parking lot habang nakasakay sa likod nya si tan-tan.
Iseseatbelt na ni Jeff si tan-tan nang bigla itong dumilat at magsalita.
"Namiss kitang gago ka......"
Namula ang tenga ni Jeff nung narinig ang mga salitang ito. Pagkatapos nyang I seatbelt si tan-tan ay pinitik ito ang noo niya na inarayan naman ni tan-tan.
"Yan kasi umiinom ka ng hindi kaya ng katawan mo. Matulog ka na jan ihahatid kita sa inyo." Natutuwang wika ni Jeff.
"Wag sa amin, ayaw kong makita ako ni lolo na ganto, iwan mo nalang ako sa isang murang hotel".
Inaantok na sambit ni tan-tan at tuluyan na itong nakatulog. Isinara na ni Jeff ang pintuan ng kotse at nagtungo ito sa driver's seat. Mag aalas dose na sa mga sandaling iyon.
Akmang papaandarin na ni Jeff ang kotse ng tumunog ang cellphone ni tan-tan sa bulsa nito. Nag-aalangan si Jeff kung ano ang gagawin pero sa huli ay napag pasyahan nyang sagutin ito.
"Hello Taniel! Anak, anong oras na. Umuwi ka na anak nag aalala na kami dito."
Bungad ni Leopoldo.
"Ahhhh hello po, si Jeff po ito. Tulog na po si tan-tan, napadami po ang inom. Okay lang po ba na sa amin na lang sya magpalipas ng gabi? Parang hindi ko na din po kaya ihatid sya sa bahay nyo po. Pero bukas na bukas din po ihahatid ko sya. Ayos lang po ba? Safe naman sa amin si tan-tan."
Pangungumbinsi ni Jeff na may konting pagsisinungaling.
"Ahhh ehh ganun ba iho, sige sige pasensya na sa abala ng anak ko ha."
"Wala ho yun, salamat po. Ako na pong bahala sa anak nyo po."
Binaba na ni Jeff ang tawag at nagmaneho na ito papunta sa bahay. Habang nagmamaneho ay pasipat sipat si Jeff sa pagtingin kay tan-tan na mahimbing na natutulog sa katabing upuan nya.
Habang umaandar at naisisnagan ng ilaw ang loob ng sasakyan ay kitang kita ni Jeff ang pamumula ng magkabilang pisngi ni tan-tan sa lubos na kalasingan.
Lalong namangha si Jeff sa anking kagandahang lalaki ni tan-tan na kahit sobrang wasted ito kung tatawagin, ay lalo pa itong gumagwapo sa paningin nya. Nangiti nalang si Jeff sa sitwasyon lalo na nang maalala nyang sinabi ni Nika na magka-ibigan lang sila.
Madaming bagay ang tumatakbo sa isip ni Jeff habang nasa daan. Hindi nya lubos maintindihan ang nararamdaman. Kung bakit ganoon ang pakiramdam nya sa isang lalaki tulad ni tan-tan. Ngunit isang bagay lang ang nasisiguro nya. Masaya sya kapag kasama nya si tan-tan.

BINABASA MO ANG
Red Ears
RomanceIsang student athlete si Taniel o mas kilala sa tawag na tan-tan. Si Jeff naman ay binatang anak ng negosyanteng chinoy. Mula sa hindi magandang pagkikita ay umusbong ang hindi inaasahang pag-ibig. Kaya ba nilang panindigan ang pagmamahalan? Gayong...