Chapter 7

32 2 0
                                    

Aminan

Naunang nagising si Jeff kay tan-tan. Pinagmamasdan lang ni Jeff ito at di napigilan ni Jeff ang sarili at ito’y nagsalita na tila kausap nya talaga si tan-tan kahit pa na ito ay tulog pa.

“Pasensya ka na kung nawala man ako. Sobrang nasaktan lang ako nung nakita ko kayo ni Nika sa labas ng paaralan nyo na sobrang sweet. Namis interpret ko ang closeness nyong dalawa at hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nasaktan. Ayaw kong mahulog sa isang lalaki, pero wala akong magawa kasi ikaw yan.

Oo gusto kita tan-tan. Hindi ko alam kung saan nagsimula pero ang alam ko ay ikaw ang naging dahilan kung bakit nararamdaman ko ulit ang kiliti ng may nagugustuhan. Nawala ako sa paningin mo pero hindi kita maiwan. Hindi ko alam kung bakit malakas ang tama ko sayo. Sa ngayon wala pa akong lakas na aminin sayo ang totoo. Ayaw kong I take risk na masira ang nabubuong pagkakaibigan natin. Sana’y hindi ka talaga mawala sa akin”

Pagkatapos nitoy hinalikan ni Jeff ang noo ni tan-tan at ito’y nagtungo na sa banyo upang maligo.

 
Pagka-alis ni Jeff ay minulat ni tan-tan ang mga mata. Narinig nya lahat ng sinabi ni Jeff at labis syang naguluhan sa nangyayari. Di man nya aminin sa sarili ay nagugustuhan na nya si Jeff.

May hinala na syang parehas sila ng nararamdaman ngunit iba yung impact sa kanya nung narinig nya mismo mula sa mga labi ni Jeff na may gusto ito sa kanya.

Nag sink in sa kanya na lalaki nga din pala si Jeff. Bigla syang nakaramdam ng kaba at takot. Takot na mahusgahan kung ipagpatuloy at ipaglalaban nya ang nararamdaman at takot na hindi rin sila magtatagal dahil parehas silang walang karanasan sa pag ibig sa kaparehong kasarian.

 
Mabilis na bumangon si tan-tan at nagbihis. Tiempo namang lumabas si Jeff mula sa banyo na nakatapis ng tuwalya. Biglang natigilan si tan-tan sa nakita.

Nilakbay ng kanyang mga mata ang nilalang na nasa harapan nya. Mula sa mabalahibo nitong paa, paakyat sa nakaumbok na bukol sa tuwalya, manipis na buhok mula sa baba na nakalinya pataas hanggang sa kanyang pusod, hulmadong abs sa tyan na may peklat na nakaguhit patawid sa kanyang katawan, hanggang sa maumbok nitong dibdib na mamasa masa pa.

“Matutunaw na ako sa init ng titig mo.”

Panunuksong sabi ni Jeff.

Mabilis naman nakabalik sa ulirat si tan-tan dali dali nitong sinoot ang oversized shirt na soot kagabi.

“Ewan ko sayo. Aalis na ako malamang hinahanap na ako ng papa at lolo ko.”

Mabilis na sagot ni tan-tan.

“Teka lang ihahatid na kita magbibihis lang ako saglit.”

pakiusap ni Jeff.

“Wag na, kaya ko na sarili ko. Salamat kagabi. Ingat.”

At mabilis na nilisan ni tan-tan ang lugar at pumara ito ng taxi pauwi sa bahay nila.

Pagkadating ni tan-tan sa bahay ay dumerecho ito sa silid at nakatanga. Di mawala wala sa isip nya ang narinig. Inunahan sya ng takot at kaba kasi alam nya kung ano din ang nararamdaman nya.

Matalinong bata si tan-tan ngunit pagdating sa mga bagay na ito ay wala syang kaalam alam kasi wala syang makausap. Di sya handang sabihin sa pamilya ang totoo. Naisipan nyang iwasan na muna si Jeff para makapag isip sya ng tuwid.

Linggo ng gabi ay nag text si Jeff na susunduin nya kinabukasan si tan-tan. Pagkabasa ni tan-tan nun ay hindi sya nagreply bagkus ay pinatay nya ang cellphone.

Kinaumagahan ay halos madaling araw palang ay umalis na si tan-tan. Gising na ang kanyang lolo Artemio at ito ay nagkakape sa kanila sala.

“Ang aga mo ata apo ah. 5:30 palang ng umaga.”

Red EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon