Pagkakaibigan
Habang nagkakape, initignan ni Artemio ang larawan nya kasama ang kanyang pinakamamahal na tao sa mundo nang marinig nyang tila may nag uusap sa bandang gate nila. Pumihit sya sa bintana at pagkatapos ay bumaba.
Pagka bukas nya ng pinto ay nakasalubong nya ang apo na pulang pula ang tenga. At doon nya nakilala si Jeff na anak ng pinagkakautangan ni Leopoldo. Pinapasok nya sa bahay ang binata upang dun na mag antay. Mag aalas sais na ng gabi iyon.
“Bakit mo pinapasok yan lo!”sambit ni tan-tan habang nilalapag ang pitchil at baso sa center table.
“Salamat, …….. tan-tan”
wika ni Jeff na ikina hiya ni tan-tan. Kaya mabilis syang umalis sa sala, kinuha ang gamit sa kusina at umakyat sa taas.
“Pagpa sensyahan mo na ulit yun iho ah. Di lang talaga sya sanay sa bisita.”Pagpapaunawa ng matanda.
“Ayos lang ho, halos katulad ko din po sya kaya naiintindihan ko.”
Sagot naman ni Jeff.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto at dumating na nga si Leopoldo.
“Magandang gabi ho, kayo po ba si Leopoldo Abrea?”
Tanong ni Jeff.
“Oo ako nga”
sagot naman ni Leopoldo.
Napansin nyang medjo hawig ito sa kaibigang si Mike kaya tinanong nya ang binata.
“Ikaw na ba yan Jeff?”
Nagulat si Jeff dahil kilala sya nito.
“Oh wag kang magulat. Nung mga tatlong taong gulang ka palang ay binisita ko ang ama mo upang makiramay sa biglaang pagka wala ng ina mo. Buntis palang noon yung misis ko kaya hindi sya nakapunta. Karga karga pa kita noon nung kinunan tayo ng larawan kasama ang ama mo. Tanda ko nasa akin pa yung larawan na yun.”
Hinanap ni Leopoldo ang larawan sa kanyang wallet at inabot ito kay Jeff.
“Ayan, tignan mo, kuhang kuha mo ang kagandahang lalaki ng iyong ama.”
Masayang wika ni Leopoldo. Ngumiti lang si Jeff.
“Pakisabi sa ama mo na kaka deposito ko lang sa banko kanina. Buti inabutan ko pa ang cut off.”Ngiting wika ni Leopoldo. Medjo sumimangot si Jeff dahil tila na aksaya ang kanyang pagpunta.
“Iyon nga po sana ang sadya ko dito kasi inutusan ako ni Papa na paalalahanan kayo sa deposito po. Sabi po kasi ni papa hindi daw po kayo sumasagot sa text at tawag nya kaya nya po ako pinapunta.”
Wika ni Jeff.
“Naku iho pasensya ka na, medjo napadami lang ng gawain, sobrang hirap kumayod para magka pera. Bata ka pa kaya hindi mo pa naiintindihan. Pero ang mahalaga naman sa akin ay magawa ko obligasyon ko kahit papaano. Oh sya, para hindi na maulit ito, kuhanin mo nalang ang numero ng anak ko. Teka ipapakilala kita..”
“Si tan-tan po? Nakilala ko na po sya kanina.” Sabat ng binata.
“Ah ganun ba, mas mabuti, ibibigay ko nalang ang number nya sa iyo para kung hindi na naman ako macontact ay sya nalang ang kontakin mo. Sumasagot naman yun agad.” Sagot ni Leopoldo.
Abot tenga ang ngiti ni Jeff sa narinig. Di nya pansin ang kanyang sariling reaksyon ngunit pansin ito ni Leopoldo na medjo nagtaka ngunit di nalang nya binigyan ng malisya.
Kinagabihan ay tumunog ang cellphone ni tan-tan. May text itong natanggap.‘Hi baby! ;)’
Ito ang nakalagay sa text galing sa hindi kilalang numero.
‘Sino to? Saan mo nakuha number ko?’ (tantan)
‘Baby naman, parang hindi mo naman ako kilala. 😚’ (Jeff)
‘Kung wala kang matinong itetext wag mokong guluhin. Dun ka sa iba mang trip. Wala kang mapapala sa akin’ (tantan)
‘Sungit naman ng baby tantan ko’ Sige na goodnight. 😗’ (Jeff)
Hindi na sumagot si tan-tan at nag focus nalang ito sa pagpaplano ng schedule nya sa pag eensayo.
Kinaumagahan ay nakatanggap na naman ng text si tan-tan mula sa unknown number.‘Good morning baby tantan.’
Inis na binasa ni tan-tan ang text kaya di nya napigilan ang sarili at tinawagan ang numero.
Nag ring ang kabilang linya at maya maya pa ay sinagot ito ni Jeff pero hindi muna sya nagsalita.“Sino ba to? At bakit ka ba nanggugulo??!!”
galit na sambit ni tan-tan sa telepono.
“Eto naman hindi mabiro, chillax ka lang si Jeff ito. Sarap mong pag tripan. Hahaha”
Natatawang sagot ni Jeff.
“Jeff????”
Medjo naguguluhang tanong ni tan-tan.
“Oo si Jeff. Binigay ng papa mo number mo sakin kasi madalas hindi sya nakokontak ni papa. Wag mong sabihin nakalimutan mo na agad ako?? Ipapa alala ko sayo…. ‘Salamat….. tan-tan’”
Pagpapa alala ni Jeff.
Tahimik lang si tan-tan pero naalala na nya si Jeff at biglang namumula na naman ang kanyang tenga.
“Oh natigilan ka jan, akala mo di ko napansin ang pamumula ng tenga mo nung nag thank you ako sayo kahapon?”
Nakangising sambit ni Jeff. Walang anu-ano’y binaba ni tan-tan ang telepono at pulang pula ang tenga neto.
Naghanda na si tan-tan na pumasok sa paaralan nang makatanggap sya ng text mula kay Jeff.‘Bilisan mo na jan, isasabay na kita. Along the way lang school mo sa pupuntahan ko. Nasa labas ako ng bahay nyo kasi may sadya ako sa Papa mo.’
Maya maya pa ay lumabas na si tan-tan kasama ang papa nya. Bumungad sa kanila si Jeff na nakatayo sa labas ng nakaparadang sasakyan.
Nagulat si Jeff dahil hindi nya inasahan na kasabay ni tan-tan si Leopoldo paglabas ng bahay. Napansin ni tan-tan ang pagka gulat ni Jeff at napangiti sya dahil may ideya syang nagsisinungaling si Jeff sa text nya.
“Pa oh, may sadya daw sya sayo sabi nya sa akin sa text. Ikaw kasi pa binigay mo pa number ko sa kanya.”
Medjo natatagong tawang sambit ni tan-tan. Kinakabahan na ni Jeff at nag iisip ng palusot.
“Oh pasensya na anak, baka kasi lalo mabad trip sa akin si boss Mike kaya numero mo ibinigay ko para may makontak sila agad kapag hindi ako makontak.”
Tugon ng ama kay tan-tan. Lumingon sya kay Jeff sabay sabing
“Ano pakay mo iho at napa aga ka?”
“Ahhh. Uhhhmmmm. Ano po. Ahhh”Utal utal na paumpisa ni Jeff.
“Ahhh, sabi po ni papa salamat daw po sa dineposito nyo kahapon. At wag nyo daw po kalimutan ung sa susunod na buwan daw po.”
Pagsisinungaling pa ng chinoy.
“Ahhh ganun ba iho, sige pakisabi din sa papa mo na salamat at wag syang mag alala, hindi ko sya tatakbuhan”
sagot ni Leopoldo sabay tawa at akbay kay tan-tan.
“Isasabay ko na din po sana si tan-tan sa paaralan nya kasi malapit lang naman yun sa pupuntahan ko. At kayo ho, baka gusto nyo hong sumabay.”
Pag anyaya ni Jeff. “Ahh hindi na iho, ayus lang ako. Kayo nalang ni tan-tan mag sabay”.
Wika ng ama.
“Huh???!”
Biglang sabat ni tan-tan.
Mabilisang hinablot ni Jeff ang kamay ni tan-tan at pinasakay sa kotse.
“Wag ka nang mag inarte. Lika na.”
Sabi ni Jeff.
At siempre, ayan na naman ang mapupulang tenga ni tan-tan……..

BINABASA MO ANG
Red Ears
عاطفيةIsang student athlete si Taniel o mas kilala sa tawag na tan-tan. Si Jeff naman ay binatang anak ng negosyanteng chinoy. Mula sa hindi magandang pagkikita ay umusbong ang hindi inaasahang pag-ibig. Kaya ba nilang panindigan ang pagmamahalan? Gayong...