Chapter 11

27 3 0
                                    

Tama ng bala

Tumakbo si Jeff papalabas ng Ospital dala dala ang sama ng loob sa lahat ng taong kanyang minahal. Di nya mapigilan ang sariling maluha sa nangyari sa loob ng Ospital. Alam nyang susundan sya ng ama kaya sa back exit sya dumaan at tumakbo ito sa pinakamalapit na highway.

Habang tumatakbo ay hinarang sya ng grupo mga lalaking naka longsleeve at bonet na sa tantya nya ay mga anim sila.

Pinalibutan ng mga ito si Jeff habang ang binatang chinoy naman ay naka pormang manlalaban. Hindi nakaiwas si Jeff nang may pumalo sa bandang likuran nya na kaagad nitong ikinatumba. Pinagtulongan na sya ng bugbog ng mga lalake hanggang sa mawalan sya ng malay.
....

Kawawang humingi ng tulong si Mike kay Leopoldo.

Nang ito’y marinig ni tan-tan labis na pangngamba ang kanyang naramdaman. Tila hindi nya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may mangyaring masama dito.

“Si lolo Artemio! Di ba madami syang kaibigan na sundalo! Magpatulong tayo sa kanya!”

Usal ni taniel nang maalala ito.

Dating sundalo si Artemio Abrea na nag serve sa militar sa kasagsagan ng ikalawang digmaang pandaigdigan. Nag retiro sa serbisyo ng maaga si Artemio at na claim na nito ang FVEC benefit na ipinagawa nila ng bahay at inilaan sa pag aaral ni tan-tan. At itinulong din ang iba bahagi nito para makapag patayo si Leopoldo ng car shop.

Sa kasalukuyan ay may natatanggap pa ding pension ang matanda ngunit hindi ito ginagalaw ni Leopoldo dahil labis labis na umano ang naitulong si Artemio sa kanya.

“Oo tama si papa temio! Sige anak puntahan mo ang lolo mo sa bahay. Ako nang bahala dito sa ospital.”

Utos ni Leopoldo sa anak.

“Sasama ako. Ipagda drive na kita tan-tan.”

Wika ni Mike.

Tumango lang binata at mabilis na umalis ang dalawa. Nagmamaneho si Mike nang tumunog ang telepono nito. May text syang natanggap mula dun sa dumukot sa anak. Ibinigay nya ang telepono kay tan-tan para basahin ito kasi nagmamaneho daw sya.

“Bukas na bukas din ay kailangan ko nang makuha ang gusto ko kung ayaw mong may mangyari sa anak mo.”

Basa ni tan-tan sa text.

“Replyan mo! Tanong mo kung magkano gusto nya.”

Utos ni Mike na sinunod naman ni tan-tan. Pag send nya ng text ay tumawag ang naturang kidnapper. Bahagyang nag panik si tan-tan kasi nasa kanya ang telepono ni Mike.

“Sagutin mo pero I loudspeaker mo.”

Utos na naman ni Mike.

“Magkano ba gusto mo???? Bibigay ko kahit magkano wag mo lang saktan ang anak ko.!!”

Matapang na pakiusap ni Mike.

“Hahahah, anong magkano? Hindi magkano dapat ang tanong mo, kundi ANO!!”

sagot naman ng kidnapper.

“Kung pera lang ang habol ko. Jusko kayang kaya ko kitain yan at isa pa, mabilis maubos ang pera!”

dagdag pa nito.

“Eh ano ngang gusto mo? Wag ka nang magpakipot.”

Tanong ni Mike.

“Gusto ko ng 98% ownership sa kompanya nyo! Siempre yung natitirang dalawang porsyento ay sayo pa din. Baka naman sabihin mong wala tayong pinagsamahan. Mukhang willing ka namang mag aksaya ng pera diba sa isang pasyenteng hindi mo naman kaano ano kaya mabuti nang 98% ng kita sa kompanya nyo ay sa akin na mapupunta. Hahah”

Red EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon