Katotohanan
Nang malaman ni Mike ang kalagayan ng asawa ng kaibigang si Leopoldo ay napagpasyahan nitong umuwi nalang din. Dinamayan sya nito nung namatay ang misis nya kaya nais lang nyang magmagandang loob din kahit papaano.
Nag book agad sya ng flight pauwi. Dumating sya sa airport ng mga 5pm at dumerecho na ito sa biyahe pauwi ng bahay. Ang anak agad nito ang unang tao na naisipang puntahan.Hindi nya masyadong pinapakita ang pagka giliw sa anak ngunit namimiss nya ito kapag nawalay sya sa mahabang panahon. Nais nya itong supresahin kaya hindi sya nagpaalam na uuwi sya ng bansa sa araw na ito.
Nung binuksan nya ang silid ng anak ay sya ang nasurpresa nito sa nasaksihang kalagayan ni Jeff na nakahubad habang kayakap ang anak ng dating kaibigang si Leopoldo. Nanlaki ang kanyang mga mata at tila may kirot sa dibdib syang naramdaman.
“Anong nangyayari dito??”
Sigaw ni Mike.
Napabalikwas ang dalawa sa gulat nang makita nila si Mike na umuusok ang ilong sa galit. Tumayo ang mga ito at kaagad na nagsoot ng damit pang itaas.“Papa, kumalma ka muna, pag usapan nalang natin ito ng maayos.”
Kabadong wika ni Jeff.
“Ahhh pasensya na po, aalis na po ako.”
Wika ni tan-tan na akmang aalis.
“Hindi! Dito ka lang, sabay nating haharapin ito!”
matapang na wika ni Jeff.
“Hayaan mong umalis yan! Isa syang Abrea, manang mana yan sa ama nya! Mga duwag!”
Galit na wika ni Mike na ikinagulat ng dalawa.
“Anong ibig sabihin mo pa?”
tanong ni Jeff.
Biglang tumunog ang telepono ni tan-tan. Tumatawag ang ama niyang si Leopoldo. Mabilis nya itong sinagot.
“Anak ang mama mo………..
Wala na ang mama mo anak. Iniwan na nya tayo.”Umiiyak na sambit ng ama. Naluha si tan-tan. Walang tigil na umagos ang luha nya habang nakatingin lang sa kanya ang mag amang Jeff at Mike.
“Si mama……… si mama wala na.”
derechong sabi ni tan-tan habang nakangiting lumuha.
Pero bakas sa mata nito ang lunkot kahit pilit na ngumingiti para ipakita sa mag ama na hindi sya duwag.
Hinila ni Jeff ang kamay ni tan-tan at mabilis na nagtungo sa garahe. Nais nyang samahan si tan-tan sa Ospital. Hinarang sila ni Mike.
“Sa akin na kayo sumakay.”
Pag aanyaya ni Mike. Hindi na nagtanong si Jeff bagkus ay sinunod nalang nito ang utos ng ama. Dali dali sinakay ni Jeff sa backseat si tan-tan na nakatangang lumuluha na walang ekspresyon ang mukha.
Akmang sasakay sya sa harap para tabihan ang ama nya nang sinabi ni Mike na dun na sya sa likod. Sinunod nya lamang ito at tumabi na sya kay tan-tan.

BINABASA MO ANG
Red Ears
RomanceIsang student athlete si Taniel o mas kilala sa tawag na tan-tan. Si Jeff naman ay binatang anak ng negosyanteng chinoy. Mula sa hindi magandang pagkikita ay umusbong ang hindi inaasahang pag-ibig. Kaya ba nilang panindigan ang pagmamahalan? Gayong...