Tamis ng Pag-ibig
“Jeff, Gusto kita……..”
Mga salitang nakapag pa tigil sa mundo ni Jeff.
“Anong sinabi mo?”
palingon na tanong ni Jeff. Nakatitig lang si tan-tan sa kanya at ito ay nagsalita ulit.
“Hindi ko alam kung paano at kelan nag simula pero natakot lang akong aminin sa sarili ko ang totoo. Iniwasan kita kasi hindi ako sigurado sa kahinatnan nating dalawa kapag tinahak natin ang daang iyon.”
Pagpapaliwanag ni tan-tan. Dahan-dahang lumapit si Jeff at umupo sa tabi nya.
“Anong gagawin natin?”
tanong ni Jeff habang nakatingin kay tan-tan na malapitan.
“Hindi ko al…..”
hindi nakatapos sa pagsasalita si tan-tan nang bigla syang hinalikan sa labi ni Jeff. Biglang natauhan si Jeff at kumalas sa pagkakahalik nya kay tan-tan.
“Pasensya ka na, hindi ko napigilan ang sar…..”
hindi natapos si Jeff nang si tan-tan naman ang sumugod sa paghalik. Naging mainit ang halikan ng dalawa na tila ba ay uhaw na uhaw sila sa labi ng isa’t-isa. Hinawakan ni tan-tan sa pisngi si Jeff habang walang tigil na naglalaban ang kanilang maninipis na labi.
Amoy na amoy nila ang bango ng hiningi ng isa’t-isa na lalo pang nakadagdag sa sensasyon ng kanilang mainit na pag iisang-labi.
Naglakbay ang mga kamay ni tan-tan mula sa pisngi ni Jeff pababa sa leeg nito, sa dibdib na lalong nagpainit sa kanya, patuloy sa matikas na abs pababa sa naninigas nitong alaga.
Kinabahan si tan-tan sa nakapa dahil di hamak na mas malaki ito kesa sa kanya. Marahan nya itong hinimas himas na nagpa ungol ng mahina kay Jeff. Humahangos ang dalawa habang patuloy sa labanan ng dila. Ipinasok ni Jeff ang mainit nitong palad sa loob ng unipormeng soot ni tan-tan at dahan dahang hinimas ang lean nitong tyan paakyat sa dibdib nya at mahinang pinisil pisil ang maliit na bituin na nakapaibabaw sa maumbok nitong dibdib.
Kapwa di nila maipaliwanag ang tamis na nararamdaman sa kasalukuyan. Bahagyang kumalas ang kanilang mga labi mula sa pagdidikit at ngayon at nagka salubong ang kanilang mga noo habang nakangiting nakatitig sa isa’t-isa.
Umayos ng upo ang dalawa nang mapansing may paparating na sasakyan.
“Aaahh. Anoo…. Ano yun? Ano….. tayo?”
mahinang tanong ni tan-tan habang nakatingin sa kawalan. Dahan dahang nilingon ni Jeff si tan-tan at hinawakan nya ang mukha nito paharap sa kanya.
“Kung ano ang akin ay akin. Wag ka nang tuminging sa iba kasi may boyfriend ka na.”
Nakangiti pero taos-puso nitong sagot kay tan-tan.
Nag init ang tenga ni tan-tan at hindi nya matago ang tuwa at kilig na nararamdaman. Niyakap nya si Jeff at bumulong.
“Hindi ako magaling ilabas ang nararamdaman ko, pero sigurado ako dito. Mahal kita at bawal ka nang magmahal ng iba.”
Sumagot naman ng pilyong bulong si Jeff.
“Tara sa bahay, ipapakita ko sayo kung gaano kalaki pagmamahal ko.”
Nag init si tan-tan sa narinig. Kinabahan sya sa posibleng pagkawasak ng kanyang inaalagaang puri. Ngunit naisip nyang sulit naman ito kung ang sisira nito ay si Jeff.
Maya maya ay ipinarada ni Jeff ang sasakyan sa labas ng pharmacy at nagtungo sa loob si Jeff. Paalam nya kay tan-tan na may bibilhin lang daw. Habang wala si Jeff sa sasakyan ay mabilis na binuksan ni tan-tan ang cellphone at mabilis itong nag search sa google.

BINABASA MO ANG
Red Ears
RomanceIsang student athlete si Taniel o mas kilala sa tawag na tan-tan. Si Jeff naman ay binatang anak ng negosyanteng chinoy. Mula sa hindi magandang pagkikita ay umusbong ang hindi inaasahang pag-ibig. Kaya ba nilang panindigan ang pagmamahalan? Gayong...