Unang enkwentro
Kakauwi lang mula sa paaralan si tan-tan nang mapansin nyang tulala ang kanyang lolo Artemio sa loob ng kanilang bahay."Lo, ang lalim ng iniisip natin ah."
Bungad ng binata.
Ngumiti lang ang matanda at inutusan nito si tan-tan na gumawa ng kanyang paboritong timpla ng kape.
"Ayan na naman po kayo sa purong kape lo ah. Baka mamaya di ka na mapakali nyan."
Babala ng binata.
"Sa kape ako mas narerelaks apo, kaya pagbigyan mo na ako."
Sambit ng matanda sabay ngiti.
Tumango lang si tan-tan at tumungo na ito sa kusina pagkatapos ilapag ang bag sa sofa. Maya maya pa ay bumalik na ito dala ang umu-usok na isang tasa ng kape at ibinigay nya ito sa kanyang sabik na lolo.
"Sya nga pala lo, hindi na natin nabisita ang puntod ni lolo Akio."
Natigilan ang matanda sa sinabi ni tan-tan. Tinignan lang neto ang apo at ngumiti sabay sabing
"Mag bihis ka na dun apo nang magawa mo na mga assignments mo."
Tumango lang ang binata sabay akyat sa taas patungo sa kwarto nya.
Isa isang hinubad ni tan-tan ang kanyang soot na uniporme. Mula sa sapatos, medjas, polo at sando. Ang tanging natira lang ay ang soot nitong pants. Nag unat muna ng katawan ang binata at maya maya ay hinubad na din neto ang pants at nagpalit ng shorts pambahay.Bumaba ng bahay si tan-tan na ang soot lang ay shorts, dahil yun ang nakasanayan nyang saplot kapag nasa loob. Kinuha nito ang bag sa sofa at dinala sa kusina. Nagtaka sya kung bakit wala na ang lolo nito kaya inisip nyang baka umakyat ito sa sariling kwarto upang magpahinga.
Kinuha na nya ang ilang notebooks at libro sa loob ng kanyang bag upang gawin ng maaga ang kanyang assignment. Nasa kalagitnaan sya ng pagsasagot nang tumunog ang kanilang doorbell. Medjo nainis sya dahil ito ay abala sa kanyan ginagawa. Tinungo nya ang gate upang tignan kung sino ang tao sa labas.
Natigilan sya nang makita ang gwapong chinoy na binata na nakatayo sa labas ng kanilang gate. Nagtaka sya bakit namangha sya sa binata eh hindi naman nya ito kilala. Nagkatitigan sila ng ilang segundo.
Inutusan ng kanyang ama si Jeff na puntahan ang bahay ni Leopoldo upang maningil. Kasi sa araw na ito ang nakatakdang oras na mag deposito si Leopoldo ng porsyento ng utang ngunit alas kwatro na ng hapon ay wala pa din itong natatanggap na bayad.
Binigay lang ni boss Mike ang address ni Leopoldo sa anak upang ito ay singilin. Magkalayo ang bahay ni boss Mike at Leopoldo kaya hindi lumaki ng sabay ang kanilang mga anak at hindi din sila madalas magkita mula noong nagkaroon sila ng sari sariling pamilya.
"Papa, bakit kelangan ako ang pumunta?"
Tanong ni Jeff.
"May aasikasuhin lang ang papa mo anak kaya ikaw na muna ang magpunta ha? Dati kong kaibigan yang si Leopoldo Abrea. Sana lang hindi nya abusuhin ang pagkakaibigan namin."

BINABASA MO ANG
Red Ears
RomanceIsang student athlete si Taniel o mas kilala sa tawag na tan-tan. Si Jeff naman ay binatang anak ng negosyanteng chinoy. Mula sa hindi magandang pagkikita ay umusbong ang hindi inaasahang pag-ibig. Kaya ba nilang panindigan ang pagmamahalan? Gayong...