Tinungo ni Jeff ang opisina ng direktor upang kausapin ito. Dumaan muna sya sa sekretarya nito pagkatapos ay pinapasok na din ito.“Good morning doc. I am Jeff Chen, anak ni Mike Chen.”
Paumpisa ni Jeff.
“Yes, I know your father. What urgent matter are you here to discuss ba iho? My secretary said it was urgent.”
Usal ng direktor.
“Doc regarding sa isang patient named Mrs. Crista Abrea.”
Panimula ni Jeff.
“Crista Abrea…… hmmm wait let me check.”
Sabat ng doktor.
“Ahhh right. Yung nasa ICU. Yes what about her?”
Dagdag pa nito.
“Doc, sabi ng Papa, do all the procedures needed daw po and charge it all to him.”
Usal ni Jeff.
“Ohhh okay, so we can schedule the hepatic artery infusion as prescribed by her attending physician. I will schedule it tomorrow and inform her physician.”
Sambit ng doctor.
“Iho your father is good man. I have known him for long. He may not show how he cares for everyone pero, he cares. I know its not my business, pero as his friend, try to remind him to make sensible decisions, to be frankly honest, the patient is hopeless. But still we are doing our best to at least keep her alive. Doing such surgeries would be a waste of money.”
Prankang sabi ng direktor.
“Alam mo doc, you are right……..
It’s none of your business.”Kalmadong sabi ni Jeff.
“I believe we are clear on the standpoint of my father?”
Tanong ni Jeff na tinanguan lang ng direktor ng Ospital. Nginitian lang ni Jeff ito at mahinahong lumabas sa opisina.
Natigilan si tan-tan sa tanong ng ama kung ano ang namamagitan sa kanila ni Jeff.“Ahhhh, wala ho pa, siguro ay ganoon lang ang concern ng kaibigan ko.”
Derechong sagot ni tan-tan na halatang naglilihim. Hindi naman umimik ang ama nito. Maya maya ay dumating ang doktor ni Crista.
“Mr. Abrea, we have scheduled the procedure para kay misis bukas ng umaga. Paki sunod nalang ang preparations na kailangang magawa ng misis nyo. Ang nurse na po ang bahalang mag guide sa inyo doon.”
Tugon ng doktor.
“Ahh sige ho doc. Salamat po.”
Sagot ni Leopoldo.
“Anak ako na bahala dito, umuwi ka na muna nang makapag pahinga ka.”
Sabi ni Leopoldo sa anak.
“Ahhh pa, antayin ko lang po si Jeff. Dun na din po muna ako sa kanila pa kasi hindi pa tapos yung project ko”
BINABASA MO ANG
Red Ears
RomanceIsang student athlete si Taniel o mas kilala sa tawag na tan-tan. Si Jeff naman ay binatang anak ng negosyanteng chinoy. Mula sa hindi magandang pagkikita ay umusbong ang hindi inaasahang pag-ibig. Kaya ba nilang panindigan ang pagmamahalan? Gayong...