Chapter 4

30 3 0
                                    

Paghatid

Hindi maipaliwanag ni Jeff kung bakit iba nalang ang tuwa nya nung binigay ni Leopoldo ang number ng anak na si tan-tan.

Kasalukuyang nasa second year college si Jeff sa kursong business administration sa isang sikat na universidad sa lungsod nila. Ni minsan ay hindi pa nagka girlfriend ang binatang chinoy.

Noong nasa first year highschool sya ay may nagustuhan syang kaklaseng babae. May gusto din ito sa kanya at palihim silang nagkikita sa taas ng puno kada hapon.

Ngunit isang hapon ay nalaglag silang dalawa at nabagok ang ulo ng babae habang nakakapit naman si Jeff sa maliit na sanga ngunit ito ay nabali din.

Bali ang isang kamay ni jeff at may mahabang hiwa ito sa tyan mula sa babang parte ng tagiliran sa kaliwa pataas sa lower chest nya sa kanan.

Parehas silang walang malay ngunit si Jeff lang ang nabuhay at yung babae ay hindi kinaya ang shock na natamo mula sa pagkaka bagok ng ulo. At mula noon ay natakot nang muling magmahal si Jeff.
 

.......

Sabik na pinagkatuwaan ni Jeff si tan-tan sa pamamagitan ng pag text nito ng kung ano-ano. Hindi nya maintindihan ang sarili kung ano ba talaga ang nararamdaman nya pero isa lang ang malinaw sa kanya. Ngayon lang sya ulit naging sabik ng ganito.

Naisipan nyang sunduin si tan-tan sa bahay at ihatid ito sa paaralan ngunit nag isip sya ng palusot upang hindi sya mag mukhang ewan. Pagkatapos maligo ay nakatapis ito ng tuwalya habang nakaharap sa salamin.

Basa pa ang kanyang buhok na wavy ngunit hindi naman ito tumutulo. May konting tulo ng tubig pa sa katawan si Jeff. Medjo buff ang katawan nya kasi batak ito sa gym at mahilig din syang maglaro ng basketball kasama ang mga kaklase.

May kumpol ng tubig sa may maumbok na dibdib si Jeff. Tama lang ang dami nito upang dumausdos pababa sa kanyang pusod. Dinaanan ng tubig ang peklat sa kanyang katawan na pumapa ibabaw sa kanyang hulmang hulmang abs.

Mapapansin din ang manipis na buhok mula sa kanyang pusod pababa sa parteng natatakpan na ng tuwalyang tila ba ay kulang pa upang itago ang natatangi nitong laki. Hinawakan nya ang peklat sa katawan at huminga sya ng malalim na animo’y tinatanong ang sarili kung kaya na ba nyang buksan ulit ang puso na matagal na nyang kinukubli.
 
Isa isang binalotan ni Jeff ang hubad nyang katawan. Mula sa underwear na nakahulma ang kanyang kalahat lahatan. Hanggang sa blue jeans at putting polo shirt na tama lang ang hapit sa kanyang katawan.

Inayos nya ang sarili sa salamin at nagsoot na ito ng sapatos at kinuha na nito ang susi ng kotse at nagtungo na sa bahay nila tan-tan. Pagkadating nya sa lugar ay pinarada nya ang sasakyan sa harap mismo ng gate at tinext na si tan-tan.

Hinangad nyang maging swabe lang ang pag anyaya nya kay tan-tan na sumama sa kanya papunta ng paaralan. Inutusan nya ang tauhan ng ama na nagba background check ng mga umuutang upang makakuha ng impormasyon tungkol kay tan-tan kaya alam na nya ang lugar ng paaralan, ang schedule ng binata at mga hilig nitong puntahan. Mahilig lang itong magpunta sa sports center upang lumangoy kung wala ito sa paaralan.
 
Laking gulat nya nang nakitang sabay na lumabas si tan-tan at ang ama nitong si Leopoldo. Kaya nung tinanong sya anong pakay ay wala na syang ibang maisip kundi magpasalamat at mag remind kay Leopoldo tunkol sa obligasyon nito sa ama. At hinila na nya si tan-tan upang makaalis na sila.

“Binuhusan ba ng mainit na tubig yang tenga mo? Hahaha”

panunukso ni Jeff kay tan-tan habang nagmamaneho.

“Hmmmppfff”

ang tanging naging tugon ni tan-tan.

Sandaling tahimik ang dalawa nang may naisipang itanong si tan-tan.

“Saan ka nga pala pupunta pagkatapos mo akong ibaba sa paaralan ko?”

Usal ni tan-tan.

“Uuwi na.”

mabilis na sagot ni Jeff na ikinagulat nila pareho.

“Ahhh I mean, uuwi ako pagkatapos kong puntahan yung may car shop malapit sa school mo.”

Bawi ni Jeff.

Medjo nakakahalata na si tan-tan na hindi ito nagsasabi ng totoo kaya nag usisa pa ito.

“Wala bang car shop malapit sa inyo? Tsaka ang aga pa ah, may bukas na ba? At sana dun ka na kay papa nagpunta.”

Sunod sunod na tanong ni Jeff.

“Isa-isa lang ah, tsaka bakit ba ang dami mong tanong ikaw na nga tong sinabay ko ng libre.”

Sabat ni Jeff.

“Sinabay nga lang ba?”

Mapanuksong tanong ni tan-tan sabay tawa.

Napansin nyang medjo namumula din ang tenga ni Jeff.

“Hahaha putek na tenga yan, ang pula pula”

Tawang tawa na sambit ni tan-tan.

“Tumigil ka nga jan. Nga pala, kumain ka na ba?”

Tanong ni Jeff.

“Bait naman neto, parang kahapon lang ang sungit sungit mong hinahanap ang papa ko.”

Sagot ni tan-tan.

“Pasensya ka na dun ah.”

Seryosong panimula nito.

“Alam mo, pwede bang wag tayong madamay sa kung ano man meron sa mga tatay natin?”

dagdag pa nito.

“May mga kaibigan ka ba sa paaralan mo?”

nagtatakang tanong ni tan-tan.

“Meron naman, pero wala namang malapit sakin dun eh. Medjo hindi din kasi ako sumasama sa tao.”

Tugon ni Jeff.

“Eh ano ako? Unggoy? Hahaha”.

Pabirong sagot ni tan-tan.

“Loko, ibig ko lang sabihin mas gusto ko ung tahimik lang, yung mag isa lang. Yung masaya lang ako.”

Seryosong sagot ni Jeff.

“Eh …… bakit mo ako hinatid ngayon?”

Seryosong tanong ni tan-tan.

“Ahhhh. Siguro kasi nakikita kong magkakasundo tayo.”

Nakangiting sagot ni Jeff.

“Ibig bang sabihin nito ay magiging mag tropa na tayo?”

masayang tanong ni tan-tan.

“Ihahatid ba kita kung hindi?”

pabirong sagot ni Jeff.

Nagka ngitian lang ang dalawa at parehas na namang namula ang kanilang mga tenga ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na nila tinukso ang isa’t isa sapagkat alam nilang babalik lang din sa kanila kapag nagbiro pa ang isa sa kanila.
 
Nakarating na sa paaralan ni tan-tan ang dalawa. Bago bumaba ay nagpasalamat muna ito kay Jeff sabay tapik sa balikat nito.

Pagkababa ni tan-tan ay binuksan ni Jeff ang bintana ng kotse.

“Oh ano yun?”
Tanong ni tan-tan.

“Ahhh wala, ingat ka nalang at uhhhh……..   text text nalang?”

Medjo nahihiyang tanong ni Jeff. Tumango lang si tan-tan sabay ngiti. Tuluyan nang umalis si Jeff sa labas ng paaralan at si tan-tan naman ay pumasok na sa loob…….

Red EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon