Wakas
Sumugod ang mga sundalong nagkasa ng rescue operation sa Ospital. Naka sibilyan ang mga ito ngunit sa tindig at tikas ay di malayong mapagkamalan talaga silang mga sundalo. Isa isang pumasok ang mga ito sa ospital at sinabing may dadalawin lang daw sila.
Dumerecho ang mga ito sa basement at nakasalubong nito ang mga tauhan ni Dr. Tan. Dalawa sa mga ito ay puno ng bugbog ang katawan at walang malay. Bago pa makapag salita ang kahit isa sa mga ito ay agad na tinutukan ng sandata ng mga sundalo para manahimik. Isa isang pinosasan ang mga ito at dinala sa patrol car na pinadaan sa back exit ng Ospital. Narinig ng mga rumeresponding mga sundalong may sumisigaw.
“Ako ang una mong patayin!!!! Ako ang una mong patayin!!!!”
Sinundan nila kung saan nanggagaling ang sigaw at natunton nila ang kinaroroonan ng tatlo.
Dalawang binata ang nakagapos na nakaluhod. Sa harap nito ay ang doctor na nakatayo habang nakatutok ang baril sa isa sa mga binata.
Nang makita ito ng mga sundalo ay agad na pinaputokan nito sa balikat ang doktor. At nabitawan nito ang hawak na baril. Sunod na pinaputukan ay ang mga binti nito na syang ikinatumba niya pabagsak sa mga binata. Hindi makapaniwala ang dalawa at nagtaka sila kung saan nanggaling ang putok.
Naaninag nila ang grupo ng mga matitikas at bruskong mga lalaki na papunta sa kanila. Kaagad silang inalalayan ng mga ito at kinalas mula sa pagkakagapos. At nakaposas na ang Doctor na nakahandusay sa sahig kahit na ito ay may malay.
Mabilis na dinala sa E.R. ng Ospital ang mga binata upang malapatan ng paunang lunas at denerecho na sa kustudiya ng mga pulis sina Dr. Tan at mga tauhan nito para masampahan ng kaso.
Si Lolo Artemio, Leopoldo at Mike ay nasa patrol car. Sinabi ng isa sa mga sundalo na ligtas na dalawang bata at kasalukuyang nasa E.R. at may nakabantay naman sa mga ito.
“Ako nang bahala mag assist sa mga ito doon sa police station. Puntahan nyo na ang mga anak ninyo. Kailangan nila ng mga ama nila.”
Usal ni Artemio.
Mabilis na tinungo ng dalawa ang kinaroroonan ng mga anak. Laking tuwa nila nang makita ang mga ito na nasa maayos nang kalagayan. Subalit bakas pa sa mukha at katawan ng dalawa ang dinanas na pambubogbog ay ang mahalaga’y buhay ang mga ito.
Nang ma bendahan ang tinamong mga sugat ang dalawa ay inabisuhan sila ng mga nurse na magpa confine muna para ma obserbahan. Ito ay tinutulan ng dalawa at binantaan ang Ospital na tatakas sila kapag kinonfine pa sila dito.
Hindi na muna pinaalam sa Ospital na hinuli ang direktor nila dahil ito ay nagkidnap para hindi mag cause ng panik sa mga doctor at pasyente sa Ospital. Wala nang nagawa ang mga ama kundi sundin ang gusto ng mga anak kasi na trauma siguro ang mga ito sa Ospital na iyon.
Nagtungo ang mga ito sa bahay nila Mike. Pagka dating nila ay pinaghanda ng pagkain ni Mike ang mga katulong nito at sabay sabay silang nag dinner. Maya maya ay nagpaalam sina Jeff at tan-tan na mag uusap lang daw sila.
“Kayo din ho, sa tingin po namin kailangan nyo din hong mag usap.”
Habilin ni Jeff bago sila umalis ni tan-tan paakyat sa silid nito. Niyaya ni Mike si Leopoldo na pumunta sa likod ng kanilang bahay at doon mag usap. May gazebo doon at hardin.
“Nakikiramay ako sa pagkawala ni Crista."
Umpisa ni Mike.
“Salamat. Ahhh tungkol dun sa utang ko sa ‘yo, hindi ko alam kung gaano ko katagal bago tuluyang mabayaran ang mga iyon pero pinapangako kong babayaran ko iyon.”

BINABASA MO ANG
Red Ears
Roman d'amourIsang student athlete si Taniel o mas kilala sa tawag na tan-tan. Si Jeff naman ay binatang anak ng negosyanteng chinoy. Mula sa hindi magandang pagkikita ay umusbong ang hindi inaasahang pag-ibig. Kaya ba nilang panindigan ang pagmamahalan? Gayong...