CHAPTER 01 : AUTHOR's POINT OF VIEW ★
"More! More!" Sambit ng mga bata sa park na nakaupo sa damuhan.
"Lolo, mag kwento pa po kayo, makikinig po kami." Sabi ng isang bata na nakangiti sa matandang nakaupo sa isang upuan.
"Tungkol ba saan?" Hirap magsalitang tanong ng matanda.
"Tungkol po sa pag-ibig."
"S-Sige, makinig kayo."
---
"Heartle Aragon."
"Yes Ma'am?"
"Good job, perfect ang exams mo." Sagot ng guro niya sa senior high school.
"Ma'am, sigurado ba kayong test papers ni Heartle ang hawak niyo? Imposibleng perfect siya e landi ang inaatupag n'yan." Sabi ni Haidee sabay taas ng kilay
"Oo nga naman Ma'am, walang ibang ginawa 'yan kun'di magbantay sa jowa niyang sakitin." Sang ayon ni Hannah at nagtawanan pa sila.
"At kayong dalawa, pag aaral ba ang inaatupag niyo? Bakit itong score niyo e hindi manlang umabot sa kalahati?" Iiling iling na sambit ng guro nila.
Hindi na lang pinansin ni Heartle ang mga kaklase niya, sanay sa siya sa mga ito.
"Kapag landi ang pinairal, sira ang pag-aaral."
"Like mother, like daughter. BWAHAHAHAHA!"
Nagtatawanan ang grupo nila Haidee habang pababa si Heartle sa hagdanan ng eskwelahan.
"Hoy! Mga bruhang hindi naka-perfect sa exams, tigil tigilan niyo nga ang besty ko. Inggit lang kayo dahil mga wala kayong jowa pero si Heartle, may Hector. Duh!" Sigaw ni Hershey, bestfriend niya.
"Hindi landi ang tawag dun, inspiration. Mga HAAAAA! Kagigil kayo." Inis na sambit ni Hershey pero agad siyang hinila ni Heartle palayo sa mga malditang babae.
"Ikalma mo nga ang sarili mo besty, hayaan mo sila, magdaldal sila ng magdaldal hanggang gusto nila, wala naman akong pake."
"Alam mo naman ako Heartle, ayoko na ginaganyan ka nila. Ang bait mo naman kasi masyado eh, kapag mabait, inaabuso, tandaan mo 'yan."
"Papaabuso ba ako?"
"Medyo, eng eng ka rin minsan e. Palagi mong pinapairal 'yang puso mong mamon."
"Palaging puso ang pinapairal kasi nga po ako si HEARTle, miss Hershey'ng hate ang chocolate."
Inismiran lang siya ng kaibigan niya. "Umuwi ka na besty, hahanapin ka na naman sa akin ng Mama mo."
"Bakit niya naman ako hahanapin e siya 'tong palaging wala?"
"Hindi naman ang Mama Hillary mo e."
"Eh sinong Mama?"
"Mama Hanney." Nakangiting sagot ng bestfriend niya.
"Mama ni Hector 'yon e."
"Mama mo na rin 'yon sa future, awiee." Tila kinikilig na sambit ni Hershey habang kinikiliti ang kaibigan.
-
"Lola, nandito na po ako."
"Apo, magmeryenda ka na. Dumaan nga pala ang Mama mo, nag iwan ng perang pamalengke."
"Mabuti naman po at nagbibigay na siya ngayon Lola Helen. Magpapalit lang po ako ng damit at magluluto na ako." Sambit ni Heartle, dalawa lang sila sa bahay ng Lola Helen niya.
BINABASA MO ANG
The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1
Random[COMPLETED] ✓ "Sana may visiting hours din sa langit para pwede kitang dalawin palagi." Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan.. Bakit bigla kang lumisan ng hindi manlang nagpaalam? Paano mo hahanapin ang bukas kung ang isang taong magpapalakas sa...