CHAPTER 08 : HEARTLE's POINT OF VIEW ★
"Hi Papa, napanood niyo siguro 'no? Proud ba kayo sa ako?" Nagsindi ako ng kandila at inilagay sa puntod ni Papa Henry. "‘Pa, unti-unti ko na pong natatanggap na wala ka na, grabi ‘Pa, ang dami palang nagmamahal sa akin, hindi ko lang napapansin kasi sa negative sides ako tumitingin. Alam mo na ‘Pa, binigyan ako ni Mommy Hazel ng pera, hindi lang po basta pera ‘Pa, maraming pera, kung noon pa sana nangyari 'to, naipagamot ko po sana kayo, e 'di sana ko pa rin kayo hanggang ngayon." Umiiyak na ako, mukhang nakikisama pa ang langit dahil unti-unting nagdidilim.
"Mayro'n akong one million pesos sa Banko Papa, dahil one million views noong unang araw yung short film. Grabi po, ipinadala niyo ba si Mommy Hazel para tulungan ako? Salamat Papa, maraming salamat po." Nag-stay pa ako ng ilang minuto sa sementeryo bago nagpunta sa simbahan, magkikita kami ni Hector.
"Ate, ikaw nga!" Tili ng isang babae at nagtatatalon pa.
"Alin po?" Nagtataka kong tanong, hawak-hawak niya ako sa braso.
"Si Herra, ikaw si Herra, buhay ka!" Sabi pa niya at dali daling inilabas ang phone niya.
"Hindi po Herra ang pangalan ko, ako si Heartle."
"Pa-picture po." Sambit ng babae, saka ko pa lang napagtanto na si Herra nga pala ako sa My Heart Can Tell.
"S-Sure." Sambit ko at ngumiti, masayang nagpaalam ang babae.
Nagsuot ako ng jacket na may hoodie at nagsuot din ng face mask.
Kilala na ako ng mga tao, oh my!
Nakita kong nakatayo si Hector sa may pintuan ng simbahan, nagpapalinga-linga, nilapitan ko siya at inakbayan.
"Bakit po? Wala po akong pera."
Ha? Akala niya ba holdaper ako?
"Bheb, ako 'to."
"Bheb? Hindi kita nakilala, sorry. Bakit ganyan ang suot mo?"
"May mga nakakakilala kasi sa akin, nagpapa-picture."
"Tapos?"
"Syempre nakakahiya, nagtititili nga yung babae kanina e, hindi ako sanay."
"Grabi, sikat na talaga ang girlfriend ko, pa-picture mamaya ha."
Nag-pout ako. "Biro lang Bheb, haha! Tara na sa loob, simba tayo."
Habang naglalakad kami papasok ng simbahan, may nakita akong liwanag sa unahan, napakapit ako sa kamay ni Hector. "What's wrong Bheb?"
"W-Wala, okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na humahawak ka sa dibdib mo."
"Ayos lang ako, masaya lang ako kasi kasama kita."
"Hay naku, ingatan mo ang sarili mo Bheb ha, hindi ako laging nasa tabi mo."
"Oo naman, ingatan mo rin ang sarili mo lalo na ngayon na sikat ka na."
"Yung kasikatan, lilipas din 'yan, yung pagmamahal ko sa 'yo, hindi."
Napangiti siya. "Kinilig ako." Bulong niya at sabay kaming lumuhod para magdasal, walang galit sa puso ko, pakiramdam ko sobrang saya ko, thank you Lord.
"Saan tayo pupunta after nito Bheb?"
"Sa bahay niyo na lang Bheb, miss ko na ang luto ni Tita Hanney, wala si Lola sa bahay e nasa kapit-bahay."
"In love si Lola Helen 'no?"
"Sinabi mo pa, papanoorin niya raw ulit 'yong My Heart Can Tell pero this time e kasama yung manliligaw niya."
BINABASA MO ANG
The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1
Random[COMPLETED] ✓ "Sana may visiting hours din sa langit para pwede kitang dalawin palagi." Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan.. Bakit bigla kang lumisan ng hindi manlang nagpaalam? Paano mo hahanapin ang bukas kung ang isang taong magpapalakas sa...