Chapter 02

14 3 2
                                    

CHAPTER 02 : HEARTLE's POINT OF VIEW ★

"Apo, uminom ka muna ng tubig." Tulala akong nakatingin sa ataul na nasa harapan ko, paulit-ulit na kinukurot ang braso ko, baka sakaling panaginip lang ang lahat ng ito pero–

"‘Pa! Papa!!" Hagulgol ko.

"Bheb.."

"Bheb!" Niyakap ko agad si Hector, patuloy pa rin akong humahagulgol.

"Sshhh. Nandito na ako, dadamayan kita Bheb, pasensya ka na at hindi ako agad nakapunta."

"A-Apo, hinahanap ka ng mga pulis." Sinamahan ako ni Hector sa pulis na may kasamang nurse.

"Condolences Miss Aragon." May iniabot sa akin ang pulis, isang papel.

"A-Ano po ito."

"Sulat, pinabibigay ng Tatay mo."

"Salamat po Sir. Nurse, ano po'ng sakit ni Papa? Ano po ba talaga ang nangyari?"

"Pasensya na Ma'am, siguro po ay dapat niyo munang basahin ang iniwang sulat ng Papa mo, bukas naman po ang aming clinic sa mga katanungan niyo." Tumango ako.

"Salamat po, ako na po ang bahala sa kanya, magpupunta na lang po kami sa inyo." Sabi ni Hector at inalalayan ako papasok ng bahay.

"Babasahin ko na ba Bheb? Baka hindi ko kayanin."

"Humingang malalim ka muna Bheb, basahin mo na, nandito naman ako, baka may importanteng laman ang sulat ni Tito Henry."

Naiiyak na naman ako, lumapit si lola sa amin at naupo sa tabi ko.

"Apo."

"Lola, may alam po ba kayo sa nangyari kay Papa?" Bahagyang umiling si Lola at inayos ang salamin niyang lumabo dahil sa pag iyak.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko dahan dahang binuksan ang nakatuping papel.

“Aking nag iisang prinsesa, Heartle.

Anak, mahal na mahal kita, salamat dahil napakabuti mong bata, patawarin mo ako kung hindi ko nasabi sa iyo ang totoo, natatakot ako, ayokong masaktan ka at isa pa, hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo. Anak, matagal na akong may sakit, cancer sa baga. Kaya siguro ako iniwan ng Mama mo ay para hindi ako maging pabigat. Sorry anak, sana mapatawad mo ako, ayoko lang na masaktan ka, na mag isip ka masyado, puro problema na tayo at gusto kong enjoyin mo lang ang buhay mo, sigurado naman akong hindi ka pababayaan ni Hector, mahal na mahal kita anak, ikaw na ang bahala sa nanay, sana patawarin mo na rin ang Mama mo. Mahal na mahal ko kayo, mahal na mahal kita anak. Alagaan mo ang sarili mo ha."

Tila hindi na huminto ang luha ko, patuloy na bumabalong. "Papa! Papaaaaa! Ang daya niyo naman, bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana natulungan kita, ‘Paaaaaa!" Hindi na rin ako makahinga, ayaw na talagang tumigil ang mata ko kakaluha.

"Bheb, tubig. Uminom ka ulit nitong tubig."

"Sa-Salamat Bheb." Pagkainom ko ng tubig ay may nakita akong sobrang pamilyar na tao na papasok dito sa bahay namin. Nag init ang dugo ko.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Ang kapal din talaga ng mukha mo e 'no?!"

"A-Apo, kumalma ka, Mama mo pa rin siya."

"Hindi Lola e, kasalanan niya lahat ng ito! Ikaw ang pumatay kay Papa at hindi ang sakit niya!" Gigil na gigil kong sambit, pinipigilan ako ni Hector na sugurin ang Mama Hillary ko.

"Wala akong kasalanan Heartle, gusto ko lang makita ang Papa mo kahit sa huling pagkakataon manlang."

"Apo, pumayag ka na."

The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon