Chapter 11

14 1 0
                                    

CHAPTER 11 : HEARTLE's POINT OF VIEW ★

"Sorry na Bheb, ako ang nag-utos kay Mommy na i-text 'yon, sorry."

Halos hindi na ako makahinga kakamadali makarating lang agad sa hospital tapos ...

"Bakit mo naman ginawa 'yon Bheb? Sobra mo 'kong pinag-alala, nasa meeting ako with Mommy Hazel tapos bigla akong tumakbo paparito, hindi manlang ako nakapag-paalam."

Nakakainis na nakakatampo, hindi kasi dapat nagbibiro ng gano'n.

"Sorry na, gusto ko lang naman malaman kung pupunta ka agad if ever may mangyaring hindi maganda sa akin e."

Lalo akong nainis. "Ah gano'n ba? Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko? All this time nandito ako para sa 'yo, sa tabi mo, tapos hanggang ngayon tini-test mo pa rin ang pagmamahal ko? Hector naman, sa 'yo na nga lang umiikot ang mundo ko, h'wag ka  namang ganyan." 

Natahimik siya pati na rin si Tita Hanney.

Parang hindi ko yata araw 'to, may nangyari sa school, sa cemetery at pati na rin dito sa hospital, wala akong ginawa buong maghapon kun'di malungkot, mainis, umiyak, magtampo, masaktan ... Ano pa ba?

"I'm sorry anak, ako na ang humihinge ng pasensya, hindi ang iniisip mo ang nais naming iparamdam sa iyo, nagpapasalamat ako na nandito ka palagi para sa amin, lalo na para sa anak ko. H'wag ka sanang magsawang mahalin siya, dahil siya, mahal na mahal ka niya."

Nakatitig lang ako kay Hector habang nagsasalita si Tita Hanney, wala akong pakealam kahit tumutulo na ang luha ko. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, naalala ko lahat ng sinabi ni Henz sa akin kanina. Kailan ko nga ba pipiliin ang sarili ko over him?

At nag-flashback din lahat ng happy memories namin together since day one.

Mahal ko ang lalakeng 'to, hindi ko rin dapat pinagdududahan ang pagmamahal ko sa kanya, minamahal ko siya ng mga walang hinihinge na kapalit.

"Mahal kita." Mga salitang binitawan ko na nagpangiti sa kanya.

"Maiwan ko muna kayong dalawa, bibili lang ako ng gamot."

Paglabas ni Tita Hanney ay nilapitan ko si Hector at niyakap. "Mahal din kita, sobra. Sorry ha." Napabuntong hininga siya.

"Palagi naman akong nagdadasal pero hanggang ngayon hindi pa rin ako gumagaling, hindi yata naririnig ni Lord ang mga dasal ko."

"H'wag mong question-nin ang Diyos, nakikinig siya, h'wag ka lang tumigil sa pagdarasal. Alam kong gagaling ka Bheb, don't lose hope."

"Thank you Bheb, ikaw lang talaga ang nagpapalakas ng loob ko." Ilang beses niya akong hinalikan sa noo.

Magkayakap lang kami kami ng ilang oras habang nagku-kwentuhan ng mga gusto naming gawin kapag magaling na siya.

"Maya-maya pa raw babalik si Tita, inaasikaso niya pa raw 'yong mga bills. Ipagbabalat muna kita ng prutas para naman healthy ang kakainin mo, para lumakas ang katawan ko at gumaling ka na agad."

"Ang sweet naman ng fiancee ko."

Napatigil ako sa paghihiwa ng mansanas.

Fiancee??

"Fiancee?"

"Bakit parang nagtaka ka? Fiancee, 'di ba nag-propose ka na sa akin.". Nagtawanan kaming dalawa.

Heto na, pinipili ko ng maging masaya.

Inaalis ko na ang pangamba at lungkot, mas pipiliin ko na lang na magpatawad at maging masaya kaysa magmukmok at sarilihin ang problema. Baka sakaling kapag minahal ko ang sarili ko at ang kapwa ko, pagmamahal din ang matanggap ko.

The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon