EPILOGUE

23 2 4
                                    

EPILOGUE ★

"Anak, sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Hanney  habang nag-aayos ng mga gamit.

"Oo nga Mom, I'm okay, one hundred percent."

"One hundred percent??"

"Sixty percent lang po. Uuwi na po ba tayo? Miss ko na sa bahay at nagugutom na rin po ako."

"Ipapauwi ko lang sa bahay ang mga gamit natin pero may iba pa tayong pupuntahan."

"Saan po?" Nagtatakang tanong ni Hector pero tinapik lang siya ni Hanney sa balikat.

"Anak, may itatanong ako sa iyo ha, h'wag kang mabibigla."

"Ano po 'yon Mom? Kanina ko pa rin po napapansin na hindi kayo mapakali." Naupo si Hanney sa tabi ni Hector.

"P-Paano ka napapayag ni Heartle na pumirma?" Agad na naluha si Hector ng marinig nito ang pangalan ni Heartle.

"Bakit naman ako hindi papayag Mom? Nag-propose siya sa akin, pumirma ako kasi kasunduan namin 'yon, pakakasalan ko siya at hindi ko siya tatakbuhan. Sobra niya akong mahal Mom, magpapakasal na nga kami eh, tapos mawala pa siya, ang hirap, hindi ko pa nga nakikilala ang pamilya ng may ari ng puso ko ngayon tapos bibigyan ko agad ng sama ng loob ang pusong ito."

Napahagulgol si Hanney at niyakap ang anak. "Anak, hindi e, bakit hindi mo binasa ang nakasulat sa papel? Hindi 'yon tungkol sa pag-propose niyasa iyo, iba ang nakasulat anak, ibang-iba."

"M-Mommy??"

"Nakasulat sa papel na pinirmahan niyo na–" 

"Na ano Mom? Sabihin niyo sa akin." 

"Na sumasang-ayon ka na kapag may nangyari kay Heartle e payag kang ibigay niya sa iyo ang puso niya, puso ni Heartle 'yan anak. Sorry, sumugal ako kahit mahirap para sa akin dahil ayaw kong mawala ka, hindi ka na tatagal kung hindi ka na-operahan agad. Please anak, alagaan mo ang puso mo, ang puso ni Heartle."

Hindi nakapagsalita si Hector, tulala siyang lumuluha na nakahawak sa dibdib. "Gu-Gusto ko siyang makita Mom, sa huling sandali manlang ay masilayan ko siya."

"D-Doon tayo pupunta anak, ngayon ang libing niya." 

Nagtungo ang mag-ina sa sementeryo, marami ang naghatid kay Heartle sa kanyang huling hantungan, hindi nagsasalita si Hector, parang umurong ang kanyang dila simula ng makitang nakahiga sa kabaong ang babaeng mahal niya.

"Anak, tapos na, nailibing na si Heartle, bakit nakatayo ka pa rin d'yan?"

"M-Mommy, pwede po bang dito muna ako? Please."

"Hindi ka pwedeng mag-isa dito, mainit, kaka-opera pa lang sa 'yo, nanghihina ka pa, baka kung mapa'no ka pa, hihintayin ka namin sa kotse." Tumango lang si Hector, nagtungo sa sasakyan si Hanney kasama si Henz, Hershey at Lola Helen.

"B-Bheb, ang hirap tanggapin, buong buhay mo ako ang inaalala mo, hanggang sa mawala ka, ako pa rin. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, higit pa sa buhay ko, h'wag kang mag-alala, aalagaan mo itong puso, mahal kita. Ang daya mo, iniwan mo ako agad, sabi mo hindi mo ako iiwan. Alam kong magkikita pa tayo, hintayin mo ako d'yan sa KABILANG BUHAY ha, salamat sa lahat Bheb, hinding-hindi kita makakalimutan, pati sa operation ko ikaw pa ang gumastos, salamat sa sobra pa sa sapat na pagmamahal, sorry kasi hindi ko nasuklian ng buo. Hindi kita nareplayan nung huling text mo, iyon na pala ang LAST GOODNIGHT mo." Nagpalinga-linga si Hector sa paligid, may naramdaman kasi siyang malamig na hangin na tila yumakap sa kanya.

"Bheb, nandito ka ba? Alam kong gusto mong mag-travel pero bakit naman d'yan? Libre lang, walang pamasahe pero wala namang balikan. Sana may visiting hours din sa langit para pwede kitang dalawin palagi. My heart can tell kung gaano kita kamahal, I love you so much HEARTLE ARAGON."

---

"Grabi naman 'yong kwento mo Lolo, pang teleserye."

"Oo nga po Lolo, isulat niyo po 'yan, marami pong apps ngayon na pwede niyong gamitin para makapagsulat at makapag-post kayo, naka-inspired na po kayo, kikita pa kayo." Sabi ng isang bata.

"Thank you sa kwento Lolo, balik po kami ulit bukas." Sabi ng isa pang bata at nagtakbuhan na palayo, naiwan ang matanda na nakaupo sa isang upuan sa park.

"Lolo." Lumapit ang isang batang babae sa kanya.

"Nandito ka pa pala Herra, hindi ka na hahanapin ng Mama Haley mo?"

"Hindi po Lolo Hector , nagpaalam po ako kay Mama Haley, nasa bahay din po si Lolo Henz at Lola Hershey ngayon. Alam po niya na pupuntahan ko kayo dito ngayon sa park." Naupo ang bata sa tabi ni Hector.

"Lolo, si Lola Heartle po ang totoong Herra 'di po ba? H'wag na po kayong malungkot, masaya na po siya kung nasaan man siya ngayon, as long as inaalagaan niyo po ang puso niyo, happy si Lola Heartle sa heaven. Sabi po ni Lola Hershey e kay Lola Heartle daw po nakuha ang pangalan ko. H'wag na po kayong sad ha, tara na po, dalawin na po natin si Lola Heartle, dalhan po natin ng bulaklak." Nakangiting sambit ng little Herra at inalalayang maglakad patungo sa sakayan si Hector, si Lolo Hector.

Maikli lang ang buhay, gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sa 'yo, h'wag hayaang balutin ka ng lungkot.

Ang buhay ay hiram lamang, hindi natin alam kung kailan ito babawiin sa atin.

Kaya ikaw, gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin, h'wag mong pigilan ang sarili mo, pahalagahan ang mga taong nasa paligid mo, taong nand'yan palagi para sa 'yo, handang dumamay sa lahat ng pagkakataon, taong tunay na nagmamahal para wala kang regrets sa KABILANG BUHAY, enjoy life.

THE END...

THE LAST GOODNIGHT (KABILANG BUHAY) BANDANG LAPIS SERIES #1

(August 30, 2021 - May 07, 2022)

AUTHOR's NOTE : Heyieee Chubbabies 💜 thank you so much for reading my stories, I appreciated that so much, support my other stories too. Don't forget to vote and comment. Thank you Rockerzz, keep rockin' 🤘

>🎸

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon