CHAPTER 05 : HEARTLE's POINT OF VIEW ★
"Nakita kitang lumuluha habang nakapikit ka kaya napahawak ako sa braso mo."
"Thank you Tita, buti na lang at nagising po ako, nagising ako sa masamang panaginip na 'yon."
"Ano ba'ng napanaginipan mo?" May pag aalalang tanong ni Tita Hanney.
Dapat ko bang sabihin sa kanya?
Baka mag isip lang si Tita dahil sa panaginip ko.
"Tita, kasi–"
"Namatay si Hector sa panaginip mo?"
Napatungo ako. "Anak, sabi nga nila, kabaliktaran daw ang nangyayari sa panaginip, h'wag ka na mag isip ng kung anu-ano, gagaling ang anak ko, gagaling siya."
Sana nga hindi totoo ang panaginip ko, ayoko nang mawalan pa ng isang mahal sa buhay, mahirap, malungkot.
"H'wag ka na umiyak d'yan, kainin mo na 'tong binili kong meryenda. Pwede ka na ring umuwi pagkatapos, kailangan mong magpahinga at isa pa, wala kasama ang Lola Helen mo. Pasensya ka na anak, lagi ka na lang nagsasakripisyo para kay Hector, hindi ka na naman nakapasok sa ilang subjects mo, pati na rin sa trabaho mo. Salamat kasi lagi kang nand'yan para sa anak ko kahit alam kong minsan ay nahihirapan ka na." Hindi ako sumagot, yumakap lang ako kau Tita habang pinipigilang umiyak.
–
"Besty! Hindi ka na naman nakapag-quiz, bakit bigla ka na namang naglaho kahapon?"
"Si–"
"Hector? Inatake?"
Tumango ako.
"Na naman?"
Tumango ako ulit.
"Tingnan mo nga itsura mo, mugto ang mga mata mo, ang laki laki ng eye bags mo, gusot gusot ang uniform mo at pati 'yang buhok mo e parang pugad na ng ibon, nakalimutan mo bang magsuklay?"
"Late na kasi akong nagising, hindi na nga ako nakaligo e, ilang oras din kasi akong nagbantay kagabi."
"Kumain ka na ba?"
"H-Hindi pa."
"My God Besty! Please lang, alagaan mo rin ang sarili mo, pa'no kapag katawan mo naman ang lumagay? Pa'no si Lola Helen?"
"Besty.."
"Sorry to say this but, bakit ka nagtitiis sa kanya? Hindi mo pa naman sigurado kung siya na talaga ang para sa 'yo. Nahihirapan ka na, nasasaktan ka na, hindi na tama 'yan."
"Mahal ko e."
"Yun na nga, mahal mo. Pero pakiramdam ko umaabuso na e. Walang masama sa pagmamahal, sana lanh nasusuklian niya ang pagmamahal na ibinibigay mo, sana lang nakikita niya ang paghihirap mo."
Gano'n ba talaga ang tingin ng mga tao? Sa sobrang pagmamahal ko kay Hector e nakalimutan ko na ang ibang bagay, pati na rin ang sarili ko.
Ilang minuto akong natulala at pagtingin ko sa tabi ko ay wala na pala si Hershey, hindi manlang siya nagpaalam na aalis na siya, nakita ko na lang na magkasama na sila ni Harold na naglalakad palayo sa akin.
"Look, the Kawawa Queen is here, still kawawa." Pang aasar ni Haidee
"Iniwan na siya ng bestfriend niya para sa lalake, isa rin palang malandi." Sabi ni Hoppie
"Nahawahan siguro." Sabi hi Hannah bago sila nagtawanan.
"Hindi niyo ba talaga titigilan si Heartle?"
BINABASA MO ANG
The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1
Random[COMPLETED] ✓ "Sana may visiting hours din sa langit para pwede kitang dalawin palagi." Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan.. Bakit bigla kang lumisan ng hindi manlang nagpaalam? Paano mo hahanapin ang bukas kung ang isang taong magpapalakas sa...