CHAPTER 04 : HECTOR's POINT OF VIEW
"Hindi pa rin po ba umuuwi si Heartle?"
"Hindi pa, kanina pa nga ako nag aalala e, wala ba siyang nabanggit sa iyo na may pupuntahan siya?" Tanong ni Lola Helen
"Dapat nga po e mag uusap kami ngayon e, mayro'n po kasi kaming hindi pagkakaintindihan." Napatungo ako.
"Imposible namang nagtampo si Heartle, hindi siya gano'n, ang gusto niya'y laging inaayos ang mga gusot.
"Kaya nga po e, nasaan na kaya si Heart?"
Sinubukan kong tawagan si Hershey pero kahit siya ay hindi niya alam kung nasaan ang bestfriend niya.
"Lola? Lola!"
Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa ng marinig ko ang boses ni Heartle. "Bheb!" Bulalas ko at agad na binuksan ang pinto.
Thank God, she's safe.
"Hahanapin ka sana namin ni Lola, magpapatulong kami sa mga tanod, buti na lang at nagtext ka. Saan ka ba nagpunta, Bheb?"
Ngumiti lang siya at niyakap ako. "Magkasama kami nung katrabaho, dinalaw namin yung Lola niya sa hospital, iyak kasi siya ng iyak, wala siyang kasama kaya sinamahan ko muna. Sorry hindi ako nakapag paalam, na-lowbat ang cellphone ko e, naki charge lang ako sa power bank niya kaya ako nakapag text sa iyo."
"Sobra akong nag alala sa 'yo, I'm sorry about what happened earlier. I love you."
"It's okay."
"Pasensya ka na sa mga walang kwentang tanong ko, yung kasing–"
"Mga tao sa paligid natin? Bheb, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na h'wag pakinggan ang sinasabi ng iba, hindi 'yon nakakatulong, nakakasira lang sila lalo. Kung patuloy mong iisipin ang sinasabi nila, hindi kakalma ang isip mo, tayo ang nagdedesisyon para sa sarili natin, hindi natin kailangan ang opinyon ng iba as long as tama ang ginagawa natin, okay?"
Napatango na lang ako.
She's different, that's why I love her so much.
"Si Lola?"
"Nagpapahinga na, medyo hindi maganda ang pakiramdam niya, inuubo." Sagot ko, pumasok siya sa kwarto no Lola Helen.
"Bheb, ikuha mo nga ako saglit ng tubig." Utos ni Heartle, pagka abot ko sa kanya ay napansin ko ang pasa sa braso niya.
"Ano'ng nangyari d'yan Bheb?" Mabilis niya 'yong tinakpan.
"Wala lang 'to Bheb, nabangga lang ako sa trabaho kanina, alam mo naman sensitive ang balat ko, pasa agad." Nakangiti niyang sagot at hinalikan ako sa pisnge. "Ingat ka pauwi. Sorry ulit nag alala ka, hindi na 'yon mauulit. Don't think to much ha, mahal kita."
"I love you too."
HEARTLE's POINT OF VIEW ★
Pasensya ka na Hector, nagsinungaling ako. Ayoko lang na mag alala ka, baka ikasama pa ng puso mo.
"Besty, saan ka ba nagpunta kahapon? Grabi 'yong pag aalala ng boyfriend mo sa 'yo."
"May pinuntahan lang."
Inirapan niya ako. "Sinungaling. Hindi ka gano'ng tao, palagi kang nagpapa alam kung saan ka nagpupunta dahil ayaw mong mag aalala sa iyo ang mga taong mahal mo."
"Sorry na agad."
"So, saan ka nga galing?"
"May humarang sa aking van paglabas ko sa fast food chain."
BINABASA MO ANG
The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1
De Todo[COMPLETED] ✓ "Sana may visiting hours din sa langit para pwede kitang dalawin palagi." Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan.. Bakit bigla kang lumisan ng hindi manlang nagpaalam? Paano mo hahanapin ang bukas kung ang isang taong magpapalakas sa...