CHAPTER 06 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★
"Bheb, kausapin mo ako, sagutin mo ang mga tanong ko." Hawak hawak ni Hector ang kamay ni Heartle, nasa lumang palaruan sila.
"I'm sorry." Bulong ni Heartle at nag umpisa ng tumulo ang luha.
"Kagabi mo pa ako hindi sinasagot, what's wrong? Pagod ka na ba?"
"Oo! Pagod na ako, sobra, sobra!" Bumitaw ito sa pagkakahawak ni Hector.
"Buong buhay ko ibang tao ang iniintindi ko, gusto ko lang namang mapag-isa muna, huminga."
"Bheb, bakit kasi hindi ka nagsasabi sa akin? 'Di ba walang lihiman? 'Di ba dapat tulungan tayo?"
"Oo, pero sana tulungan mo rin ang sarili mo, kapag sinabi ko sa 'yo ang problema, mag iisip ka, makakasama sa puso mo, baka kung mapa'no ka pa."
"Kaya sinu-solo mo, gano'n?"
Tumango si Heartle. "Ang selfish mo sa part na 'yon Heartle."
"Selfish na kung selfish pero para sa 'yo naman 'to eh, pa'no ka? Paano kapag hindi kinaya nya'ng puso mo?"
"Malakas ako kasi kasama kita, nanghihina ako ngayon kasi lumalayo ka, pag usapan natin 'to Bheb."
"Gusto kitang makasama kasi pagod na ako, gusto kitang makasama kasi ikaw ang pahinga ko, pero paano ko gagawin 'yon kung isa ka sa dahilan kung bakit ako napapagod?"
"B-Bheb.."
"Mahal kita, ako ba mahal mo?"
"Heart, ano bang tanong 'yan? Syempre mahal kita, sobrang mahal kita." Niyakap niya si Heartle at hinalikan sa noo. "Ayusin natin 'to ha, walang uuwi hangga't hindi tayo okay."
Umupo silang dalawa sa swing, magkahawak kamay, walang nagsasalita, nanatili silang tahimik ng ilang minuto.
"I'm sorry, sorry kung napagod ka na, kahit naman ako e pagod na rin sa sarili ko. Hindi ko magawang sumuko dahil ikaw, hindi mo ako sinusukuan, ayaw kitang makitang nasasaktan."
"Ayaw rin kitang nakikitang nasasaktan at ayaw ko ring makita mong pagod na ako dahil alam kong sa akin ka lang kumukuha ng lakas. Bheb, sorry napagod ako, ilang beses akong nanghina pero this time bumigay na ako."
Malungkot na nakatingin sa damuhan si Hector. "Wala pa kasing mahanap na donor, kulang pa rin ang pera namin para sa operasyon. Sayang, mukhang hindi na tayo makaka akyat sa bundok at makakapag-travel ng magkasama, 'di ba gusto mong magtravel tayo? Lilibutin natin ang buong Pilipinas, buong mundo."
Tumango si Heartle. "Kung pwede lang sana na ako ang maging heart donor mo, gagawin ko."
"Hindi naman pwede 'yon Bheb, wala ring kwentang mabuhay kung mawawala ka naman."
Ilang oras pa ang lumipas, walang kumikibo, walang nagsasalita.
"Bheb, hatid mo na ako sa bahay." Basag ni Heartle sa katahimikan.
"Okay lang ba kung doon ako matulog?" Tumango si Heartle at magkahawak kamay silang naglakad pauwi.
–
"Good morning Bheb, gising na! Male-late na tayo. Lola, inumin niyo na yung gatas na tinimpla ko, mamaya inumin niyo yung gamot niyo, nagluto na po ako, kumain na kayo d'yan, maliligo lang ako."
Kunot-noong nakatingin sa kanya ang lola niya gano'n din si Hector na kakabangon lang sa sofa, napatitig siya sa nakangiting labi ni Heartle.
"Bheb, titig na titig? Ang sabi ko male-late na tayo, kumain ka na."
BINABASA MO ANG
The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1
De Todo[COMPLETED] ✓ "Sana may visiting hours din sa langit para pwede kitang dalawin palagi." Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan.. Bakit bigla kang lumisan ng hindi manlang nagpaalam? Paano mo hahanapin ang bukas kung ang isang taong magpapalakas sa...