Chapter 12

17 3 2
                                    

CHAPTER 12 : AUTHOR's POINT OF VIEW ★

"Sinasabing sampu ang nasawi sa naturang aksidente." Napatingin si Lola Helen kay Hanney lalo na't sunod-sunod ang text messages na natanggap nito.

"Kawawa naman ang mga pamilya ng nasawi sa banggaan na 'yon." Sabi ng nurse na tumitingin kay Hector.

"Saan ba ang punta ng bus?" Tanong ni Hanney sa Nurse.

"Batangas po, ang sabi ng mga nakakita e makapal ang fog kaya hindi nakita ng bus ang kasalubong na jeep."

"B-Batangas ba kamo?" Kinakabahang sambit ni Lola Helen

"Lola, bakit?" Napaupo sa sahig ang matanda na agad namang inalalayan ng nurse.

"Ang apo ko, tawagan mo ang apo ko. Tawagan mo si Heartle, kinakabahan ako Hanney." Hindi pa manlang idina-dial ni Hanney ang number ni Heartle ay may tumawag na sa kanya, unknown number.

"Hello?"

"Hello, good morning. Si Miss Hanney Cunanan po ba ito?"

"Yes po, ako nga po, bakit po?" Tanong ni Hanney at habang nagsasalita ang kausap niya ay siya ring pagbuhos ng luha ni Hanney.

"O-Okay po, s-salamat."

"Hanney, sino 'yon? Ano'ng sabi? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Lola Helen, , hindi pa sumasagot si Hanney ay nagmulat na ng mata si Hector.

"Mom, ano'ng nangyari? Bakit kayo umiiyak? Naririnig ko ang mga pinag-uusapan niyo, nasaan si Heartle?" Nagpumilit itong bumangon.

"Nasaan siya?"

" . . . . "

"Bakit hindi kayo nagsasalita? Tinatanong ko kung nasaan siya Mom! Nasaan si Heartle?" Iyak lang ang naging sagot ng Mommy Hanney niya sa tanong nito kasunod ng mga pag-iling.

"C-Critical ang lagay niya k-kanina, w-wala na, wala na raw . . . siya." Mga salitang nagpaguho sa mundo ni Hector.

"Hindi! Hindi niya ako iiwan, sabay pa naming tutuparin ang mga pangarap namin, sabay pa kaming tatanda, nangako siya! Nangako siya na hindi niya ako iiwan, hindi ako iiwan ni Heartle, mahal niya ako, ang saya saya pa namin kagabi."

Niyakap siya ni Hanney. "Hindi rin ako makapaniwala anak, sakay siya ng bus, nagbanggaan ang bus at jeep malapit na sa Batangas. Sana nga ay hindi totoo, para akong nawalan na naman ng isang anak."

"Mom, si Lola Helen?"

Napabitaw sa pagkakayakap ang mag-ina. "Lola! Nurse, nurse!" Sigaw ni Hanney, agad namang sumaklolo ang mga nurse at inalalayan ang hirap makahingang si Lola Helen.

"Lola, lumaban ka, h'wag mong sabihing balak mong sundan ang apo mo, h'wag mo kaming iiwan, pamilya mo na rin po kami." Humihikbing sambit ni Hanney na hawak-hawak ang kamay matanda. Hindi niya na alam kung sino ang pakakalmahin niya, ang anak niya ba o ang Lola ni Heartle.

Ilang oras ang lumipas, maayos na ang pakiramdam ni Lola Helen pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak.

"L-Lola, ako na po ang mag-aasikaso ng mga kailangan sa b-burol ni Besty, tutulungan po ako ni Henz."

"Ihatid muna ako sa bahay Hershey, may kailangan akong ihanda para sa . . . sa apo ko, pauwi na 'yon, baka hindi lang dumeretso dito dahil pagod sa byahe. Tawagan mo nga, itanong mo kung nailigtas niya ba ang Mama Hillary niya."

Niyakap siya ni Hershey. "L-La, w-wala na po si Besty, napanood niyo naman po sa TV hindi ba? Nandoon po ang pangalan niya sa mga critical ang kalagayan, nabasa ko rin na ka-kasama siya sa nasawi, hindi ko alam kung fake news ba 'yon."

The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon