Chapter 13

18 2 1
                                    

CHAPTER 13 : AUTHOR's POINT OF VIEW ★

Two days later..

"Salamat sa pagpunta niyo."

"Nakikiramay kami Lola Helen, nakakalungkot ang nangyari, si Heartle pa naman ang pinaka-masipag kong worker. Kung may kailangan po kayo, magsabi lang kayo sa akin na, h'wag po kayong mahihiya." Sabi ng Manager ni Heartle sa fast food chain.

"Salamat, maraming salamat sa inyo."

Pagkaalis ng ilang tao sa lamay ni Heartle ay nilapitan ni Lola Helen si Miss Hazel na ilang oras ng nakatitig sa ataul ni Heartle. "Magpahinga ka na muna, kami na ni Hershey ang magbabantay sa kanya."

"Dito lang po ako Lola, gusto kong makasama ang anak ko sa nalalabing araw niya dito. Ang sakit Lola Helen, sita ang nagpapalakas ng loob ko tapos mawawala rin pala siya, iiwan niya rin ako tulad ng isa kong anak, pero hindi ako nagsisisi na nakilala ko ang apo niyo, minahal ko siya na parang tunay kong anak."  

"Maraming salamat sa tulong mo sa amin Hazel, napakarami mong naitulong sa aming mag-lola."

"Kulang na kulang pa 'yon Lola Helen, mas marami ang naitulong sa akin ni Heartle na hindi napapantayan ng salapi. Nalulungkot ako, hindi ko matanggap, malayo pa sana ang mararating niya, marami pa siyang matutulungan, at hanggang sa kamatayan ay pagtulong pa rin ang nasa isip niya." 

Napatitig na lang din si Lola Helen sa apong tila natutulog lang ng mahimbing.

"Lola, Miss Hazel,  magkape po muna kayo doon, kami na po muna ni Henz ang magbabantay sa kanya." Pilit na ngumiti si Hershey.

"S-Sige, kayo na munang magkakaibigan ang mag-moment d'yan." Sabi ni Hazel at inalalayan si Lola Helen patungo sa kabilang mesa para magkape at makapag-pahinga saglit.

"‘Tel, hindi ka sleeping beauty, bangon na oh, sorry na, sorry sa mga nasabi ko,  dapat ba nanahimik na lang ako? Gusto lang naman kitang ipaglaban pero hanggang kamatayan mo, siya pa rin ang pinili mo. Yung hindi mo 'ko kayang mahalin, matatanggap ko pa e, pero yung mawala ka ng tuluyan at hindi na kita makikita, hindi ko matatanggap, hindi ko kayang tanggapin." Umiiyak na sambit ni Henz sa harap ni Heartle, niyakap siya ni Hershey at hinimas-himas ang likod.

"B-Besty, salamat sa lahat, mamimiss kita ng sobra. H'wag kang mag-aala, aalagaan ko si Lola Helen, pati na rin itong si Henz na pasaway, kapag hindi 'to naniwala sa akin, multuhin mo ha, kidding.. Mahal ka namin, mahal kita, mamimiss talaga kita ng sobra, lahat ng ginagawa natin, kahit mga simpleng tawanan natin, bakit ka kasi umalis? Hindi ka pa nagpaalam. Besty, successful nga pala ang operation ng Bheb mo, sabi ng doctor baka raw sa isang linggo pa o sa isang araw pa magising at hindi agad masasabi ni Tita Hanney ang nangyari sa 'yo, baka atakihin siya ulit. Pupunta raw dito si Tita Hanney mamaya, gusto ko raw niyang makita, saglit lang daw kasi babalik din siya agad sa hospital, wala kasing magbabantay kay Hector.   Yung nanay mo nga palang bruha, hindi pa rin nagpapakita, galit si Lola Helen, galit na galit, kapag nagpakita dito 'yon, naku! Baka hindi siya matantsa ni Lola."

"Hi Ate Herra." Napalingon ang dalawa kay Heaven. "Bakit naman d'yan pa kayo nagyayakapan sa harap ni lods Herra ate Hershey at Kuya Henz?" Nagkatinginan ang dalawa at napabitaw sa pagkakayakap sa isa't-isa.

Makalipas ang kalahating oras ay dumating si Hanney.

"Lola Helen, sumaglit lang po ako."

"Kumusta si Hector?"

"Nagising na po siya bago ako magpunta dito, nagulat nga po ang mga doctor sa naging reaksyon ng katawan niya, parang match na match talaga."  Nakangiting sambit ni Hanney.

"Thank you Lord, miracle is everywhere." Sambit ni Lola Helen, ilang minuto rin silang nakatitig kay Heartle, walang magsasalita pero lahat lumuluha.

"Nasaan ang anak ko? Bakit niyo ako pinipigilan? Anak ko 'yan, gusto ko siyang makita."

Napalingon silang lahat ng biglang pumasok si Hillary at nagsisigaw sa may pintuan, mabilis itong naglakad palapit kay Hanney at agad na sinampal, napasinghap ang mga taong nakakita.

"Kasalanan mo 'to! Kasalanan niyo 'to, kayo ang pumatay sa anak ko, kayo! At ano itong nabalitaan ko na kinuha niyo pa ang puso niya para sa anak mo? Ginamit niyo lang ang anak ko para sa puso niya, mga wal*nghiya kayo!" Sigaw ni Hillary sabay hila sa buhok ni Hanney.

"Hillary!!" Sigaw ni Lola Helen saka pa lang nito binitawan ni Hanney.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Ang mga taong ito, sila pa ang mas naging nanay kay Heartle, bakit mo sila sinisisi sa pagkamatay ng apo ko? Bakit hindi ka tumingin sa salamin? Alam natin na sa simula pa lang ay ayaw mo na sa kanya, lagi mo siyang ipinapahiya pero wala siyang ginagawa kun'di mahalin ka, ano'ng karapatan mong tawagin siyang anak at mag-eskandalo dito sa mismong lamay niya. Kailan ka ba nagpaka-nanay sa kanya? Itong mga sinisigawan mo at pinagbibintangan mo, sila ang umako ng responsibilidad mo, sila ang tumayong nanay ni Heartle na dapat ikaw ang gumagawa. Ikaw ang pumatay sa anak ko, sa anak mo! Umalis ka na, kung may natitira ka pang hiya sa katawan mo, umalis ka na, igalang mo manlang ang apo ko kahit sa huling lamay manlang niya.  At sana alam mo kung bakit nangyari 'to, kung bakit ka niya pupuntahan sa Batangas."

Napakunot noo si Hillary. "Pupunta siya ng Batangas?"

"Paano ka nakalabas? Hindi ba't nakakulong ka sa resort sa Batangas, binubugbog ka ng  kinakasama mo at buntis ka." Lalong napakunot noo si Hillary.

"Hindi mo alam? Namatay ang apo ko dahil pupuntahan ka niya sa Batangas, iyon ang text mo, ililigtas ka niya, alang-alang sa batang dinadala mo."

Gigil na lumingon si Hillary sa tatlong dalagang nasa likuran niya, sunod-sunod ang paglunok ni Hoppie, namumutla at namumula ang mga mata.

Malibis na dumapo ang kamay ni Hillary sa pisnge ni Hoppie bago ito tuluyan umaalis, naiwan ang tatlong umiiyak. "S-Sorry po, So-Sorry." Nakatungong sambit ni Hoppie

"Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ng bestfriend ko ha, Hoppie? Sinabihan na kayo no Heartle 'di ba? Hannah, Haidee? Bakit kailangan umabot sa ganito?"

"Pinigilan na namin siya pero hindi namin alam na itinuloy pa rin pala niya pagkaalis namin." Sambit ni Haidee

"Sorry. Sorry, sorry po." Lumuhod si Hoppie sa harap ng ataul ni Heartle.

Itinayo siya ni Lola Helen. "Pinapatawad ka na niya." Sambit nito at pilit na ngumiti.

"P-Po?"

"Shey, samahan mo sila doon at bigyan mo ng kape."

Napasimangot si Hershey. "Sige na, ikaw na ang nagsabi 'di ba? Hindi na maibabalik ang buhay ng apo ko kahit magalit pa tayo sa kanya, at kung buhay lang si Heartle ngayon, sigurado akong gano'n din ang gagawin niya."

* End of Chapter 13 *

A/N: Heyieee Chubbabies 💜 enjoy reading, don't forget to vote and comment. Thank you Rockerzz, keep rockin' 🤘

   >🎸

The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon