CHAPTER 9 : HEARTLE's POINT OF VIEW ★
"Bheb, bakit ka naman tahimik d'yan?"
Napangiti ako bigla. "Pakasalan mo na kaya ako." Mga salitang lumabas sa bibig ko na ikinagulat ni Hector.
"Nagpo-proposed ka ba sa akin? Bheb, ako dapat ang gagawa nun atsaka papakasalan naman talaga kita e, hinihintay ko lang na gumaling ako, I mean, ma-operahan ako para makapagsaya tayo."
Tiningnan ko ang papel na hawak ko. "Pirmahan mo 'tong papel."
"Para sa'n 'yan Bheb? Patingin nga." Nagpumilit siyang tumayo pero pinigilan ko siya.
"H'wag na, explain ko na lang sa 'yo kapag napirmahan mo na." Sabi ko, iniabot ko ang ballpen sa kanya at agad niya namang pinirmahan.
"Ngayon, tungkol saan 'yan?"
"Tungkol sa sinabi mo na papakasalan mo ako, baka takasan mo pa ako e mabuti na 'yong may ganito, may deal tayo, may proof, ito nga nga at pipirmahan ko na rin."
"Bheb naman, kahit naman walang ganyan e papakasalan kita."
"Mahirap na 'no, mag iiba puso mo, pa'no kung hindi na ako ang mahalin ng bagong puso mo ha? Pa'no?"
"Hindi 'yon mangyayari, at kahit saang simbahan mo pa gusto, papakasalan kita."
Ngiti lang ang isinagot ko.
"Papasok muna ako ngayon Bheb, parating na si Tita Hanney. Magpagaling ka ha."
"Oo naman Bheb."
Pagkarating ni Tita Hanney ay nagtungo na ako sa school, itinago ko sa isang envelope ang papel na pinapirmahan ko kay Hector, kailangan kong itago 'yon, dapat walang makakitang iba, hindi dapat mabasa ng kahit na sino. Malalaman din nila ang nakasulat dito sa tamang panahon.
I'm sorry Hector, nagsinungaling ako.
Habang naglalakad ako papasok ng school ay may tumigil na sasakyan sa tapat ko at pinagbabato ako ng plastic bottles ng mga sakay nito.
"Oops, sorry. Akala ko trash can." Tumatawang sambit ni Hoppie, hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad, wala naman akong mapapala kung papatulan, mag-aaksaya lang ako ng oras.
Nakita ko si Mama sa loob pero hindi niya manlang sinaway ang anak-anakan niya.
"Oh, anong itsura 'yan besty? Para kang binato ng kung ano d'yan." Nakasalubong ko si Hershey, may kukunin yata sa kotse nila.
"Binato nga."
"Nino?"
Hindi na ako nakasagot sa tanong ni Hershey, may mga nagtatakbuhang estudyante sa may gate, may buhat buhat silang babae.
"Oh, sino naman 'yon? At bakit dumudugo ang ulo?"
"Baka napag–"
"Kasalanan mo 'to, ikaw ang may gawa nito."
Napaurong ako ng bigla akong sugurin ni Hoppie, ano'ng sinasabi niya? Nagpabuhat pa e kaya naman palang maglakad, arte.
"Teka lang, ako na naman? Kanina pa ako dito sa loob, ako na naman ang nakita mo? Hindi ba dapat ako ang galit sa 'yo, binato mo ako kanina ng lalagyan ng tubig."
"Narinig niyo 'yon guys? Galit siya sa akin, malamang siya ang may gawa nito." Sabi ni Hoppie at sinampal ako, hindi ako agad nakaiwas dahil nakatingin ako kay Mama, hinihintay ko kasi na ipagtanggol niya ako, pero hindi, nag-iwas pa siya ng tingin.
Hindi na lang ako sumagot, nagtuloy-tuloy sa pagdaloy ang luha ko.
"How dare you?! May proofs ka ba ha!!" Singhal ni Hershey pero tumalikod na lang ako at naglakad patungo sa canteen.
"Herra, are you okay?" Tanong ng isang babae.
"I'm . . . I'm fine, thank you." Naupo ako sa tabi niya, iyon na lang kasi ang bakanteng upuan .
"Mabuti kang tao, magpatuloy ka lang, 'yong mga taong katulad ni Hoppie, hindi sila dapat pinag-aaksayahan ng panahon, mag-focus ka sa goals mo." Tumango lang ako, hindi ko siya magawang tingnan, nakasub-sob lang ang mukha ko sa mesa.
"Fighting!" Bulong niya sa tainga ko kaya napaayos ako ng upo, pero si Hershey ang nakita ko sa harapan ko.
"Bakit mo naman ako iniwan doon Tel? Dadagdagan ko sana ang mga sugat niya e, bwisit na babaeng 'yon!" Sabi niya, gigil na gigil.
Hindi ko siya pinansin, nagpalinga-linga ako. Nasaan na 'yong babae?
"Besty, hello? Lutang lang?"
"Sorry. Saan nagpunta 'yong babaeng nakaupo dito sa tabi ko kanina?" Seryoso kong tanong pero tinawanan niya ako.
"Gutom ka na po ba Miss Heartle? Haha! Hoy, mag isa ka lang dito, anong babae?"
Seryoso??
Eh sino 'yong kumausap sa akin kanina? Sino 'yong katabi ko?Bigla akong kinilabutan.
"Alam ko ikaw, tinatakot mo lang ako e, kumain na lang tayo, nagutom ako dahik sa bruhang Hoppie na 'yon,a, ang sarap niyang tadyakan."
"Kumalma ka nga, hindi naman ikaw yung nasampal e."
Bumili kami ng pagkain pero wala naman akong gana. "Inaamag na 'tong pagkain mo, ano na?"
"Gusto kong umuwi at magpahinga, pagod na pagod ako, physically, emotionally and mentally." Muli kong isinubsob ang mukha ko sa mesa.
Si Hector nasa hospital, si Lola Helen may diabetes, ang dami dami ko pang iniisip, saan na ako lulugar? Ano'ng pahinga pa ang gagawin ko? Hayst.
"Isa kang basura!"
Napatayo ako ng maramdaman ko ang malamig na tubig na bumuhos sa akin.
"Itigil mo 'yan! Itigil niyo na 'yan!" Sigaw ni Hershey pero patuloy lang akong binubuhusan ni Haidee at Hannah ng tubig.
"Hindi porke't sikat ka na e gagawin mo na sa 'min 'to!"
Napaiyak na lang ako, bakit ba ganito? Wala naman akong ginagawang masama, ganito na ba talaga ang mundo?
Inayos ko ang uniporme ko pati na rin ang buhok kong basang-basa, nagtawanan pa silang dalawa. "You deserved that!" Pinagtitinginan na kami ng nga estudyante.
Tama na ang pagtitimpi, tama na ang pananahimik, oras na para ipagtanggol ko ang sarili ko. "Ano ba'ng kasalanan ko sa inyo? Bakit ako? Kahit kailan wala akong ginawang masama sa inyo, hindi ba kayo masaya sa mga buhay niyo? Ang yaman-yaman niyo, nabibili niyo lahat ng gusto niyo, buo ang pamilya niyo, bakit kailangan niyo pa 'tong gawin sa mga tao? Sa akin?"
Nakatingin lang silang dalawa sa akin, uma-attitude pa ang mga kilay.
"Ang swerte niyo may magulang kayo, eh ako? Namatay na ang Papa ko, 'yong Mama ko sumama sa iba, siguro nga basura ako, iniiwan, tinatapon, siguro naman basurang pwedeng i-recycle, 'di ba?" Lumapit si Hershey sa akin at hinimas-himas ang likod ko.
"Hannah, sakay ka ng van nila Hoppie hindi ba? Nakita mo bang ako ang bumato sa sasakyan nila?" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, kapag galit ako o naiinis, hindi ko ma-kontrol ang sarili ko.
"Tinatanong kita, nakita mo bang ako ang bumato?!" Tumingin muna siya kay Haidee bago umiling.
"Ako pa nga ang binato niyo e, kung gawin ko rin kaya sa inyo ang mga ginawa niyo sa akin, matutuwa ba kayo? Knowing you guys, baka ipa-kick out niyo pa ako dito sa school."
May mga teacher na ring lumapit, nagtataka na siguro sila kung bakit maraming estudyante na nagkukumpulan dito sa canteen.
"May mga kaya kayo sa buhay, kaya niyong bilhin lahat ng gusto niyo, ang mga luho niyo, nakakalungkot lang kasi hindi niyo kayang i-respeto ang kapwa niyo."
* End of Chapter 9 *
A/N : Heyieee Chubbabies 💜 enjoy reading! Don't forget to vote and comment, please. Keep rockin' 🤘
>🎸
BINABASA MO ANG
The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1
Random[COMPLETED] ✓ "Sana may visiting hours din sa langit para pwede kitang dalawin palagi." Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan.. Bakit bigla kang lumisan ng hindi manlang nagpaalam? Paano mo hahanapin ang bukas kung ang isang taong magpapalakas sa...