Chapter 07

17 2 2
                                    

CHAPTER 07 : HEARTLE's POINT OF VIEW ★

Bakit sarado ang fast food chain? Wala ba kaming work ngayon, bakit hindi ako sinabihan? Bakit nagsara?

Nagmamadali akong pumasok sa loob.

"Eyyy!" Bumukas ang ilaw at nagliparan ang mga confetti.

"Ano po'ng meron?"

"Ilang oras pa lang ay one million views na."

"Hindi ko pa po pinapanood, kinakabahan po kasi ako."

"Panoorin mo na Heartle, I'm sure mapa-proud ka sa sarili mo "

"Mamaya na lang po pag uwi, sabay kami ni Lola manunuod." 

"Natawa ako sa comment, parang totoo daw yung eksena na isinakay ka sa Van."

"Eh totoo naman po yun Miss Hazel e, takot na takot ako nun, hindi naman ako tinulungan nito ni Kuya guard e nakita niya naman ako."

"Masisira kasi ang plano Heartle."

Tumayo ang Manager namin. "Balik na po sa pwesto, salamat sa pakiki-cooperate. Panoorin niyo po, “My Heartle can tell”, starring our beautiful crew here,Heartle." Nagpalakpakan ang mga tao, habang tinitingnan ko sila ay naiiyak ako, proud ba silang lahat sa akin?

"At dahil proud kami sa 'yo, hindi ka mgtatrabaho ngayong gabi pero may sweldo ka, umuwi ka na at sabay kayong manood ni Lola Helen, ihahatid ka ni Madame Hazel sa bahay niyo."

Shock ako. "Hala! Bakit naman po gano'n? Unfair po 'yon."

"Sarili mo naman Heartle, kahit ngayon lang. Sige na 'nak, uwi na."

"Tinataboy niyo na ako?" Naka-pout kong tanong sa Manager namin.

"Tigilan mo ako Heartle, bukas ka na lang pumasok, it's your day, ihahatid ka ni Madame Hazel, I'm sure proud sa iyo ang Papa mo." Lalo akong naiyak nung narinig ko ang word na Papa, sana nga proud si Papa, sana nandito siya para nasaksihan niya kung pa'no naging proud sa akin ang mga tao kahit hindi nila ako kilala. Sana buhay niya at kasama kong nagse-celebrate.

"Umiiyak ka na naman, sorry napaalala ko pa ang Papa mo, he's proud of you, I'm sure."

"Thank you po, sobrang saya ng puso ko, nakaka-, hindi ko naisip sa buhay ko na mangyayari 'to."

"Kapag nakatakdang mangyari, mangyayari, gustuhin mo man o hindi."   Ngiti na lang ang naisagot ko sa Manager namin.

"Let's go, ihahatid ka na namin."

"Saglit." Sabi ng Manager namin at may iniabot sa akin. "Kakainin niyo ni Lola Helen habang nanunuod kayo."

Sinilip ko ang iniabot niyang plastic sa akin, may spaghetti, burger at fries. "Sobra na po ito, hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko." Mangiyak-ngiyak na ako.

"Deserved mo lahat 'to Heartle, maging proud ka sana sa sarili mo, I mean dapat proud ka lagi sa sarili mo." 

Hinatid nila ako sa sasakyan ni Miss Hazel, kumakaway pa sa akin ang mga tao habang papalabas ako ng fast food  chain, instant artista ako, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon.

Habang nasa sasakyan kami at binabaybay ang daan pauwi sa bahay namin ay may ibinulong sa akin si Miss Hazel. "Haha! Nagbibiro lang po kayo hindi ba?" Natatawa kong sambit habang nagpupunas ng luha, napakunot noo ako dahil umiling si Miss Hazel. 

"Seryoso ako Heartle, nasa banko na 'yon ngayon at naka-pangalan sa iyo." Iniabot niya sa akin ang ATM.

"Pwede ba kitang ituring na anak ko?"

The Last Goodnight (Kabilang Buhay) Bandang LAPIS Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon