0.1. Past or Present

445 14 5
                                    


Writer's Foreword:

Para sa mga nagmahal at nasaktan.

Para sa mga umaasa.

Para sa mga brokenhearted.



0.1 Past or Present? 


THAT moment when you realized...

Hay! Nasa triangle kami na hindi perfect. Hindi perfect kasi—gusto niya ako, iba na ang gusto ko, friend lang ako ng gusto ko. What to do po?

'Yan for sure ang line ko noon—yeah, mga four years ago na nga ba? Yes, almost. Ang bilis lang talaga ng oras. And time changes everything. Sa family ko na lang at sa akin mismo. Ang dami nang nagbago. Ang twenty one years old Angeline noon?

Nag-iba na rin.

And this is who I am now—happy na!

Paano nga ba ako nakarating dito? Ah, ordinary story na may twist ang life story ko. Ang hirap paniwalaan pero ang mga sinabi ni Lola na manghuhula sa Limawayi community, nangyari talaga.

Unexpected. Sobra. Hindi ko rin naisip. Ang goal ko lang talaga sa unang step ko paalis sa seashore ng Puting Paraiso noon, balikan ang buhay na tinakasan ko muna ng one week. Face to face na kami ulit ng reality and then I'd fight every battle and win.

Mahirap? Oo naman, alam ko at ready na ako. One week na maraming realization lang pala ang kailangan para mahanap ko ang sarili.

Each step away from the seashore, may bigat sa puso pero walang regrets. I chose that path. I've never been so sure about my decisions until that moment. Siguro kasi, mas nakilala ko na ang sarili ko. Mas malinaw na sa akin ang mga priorities ko. Alam ko na rin ang gusto ko—ang pinipili kong way sa continuation ng journey ko.

I did walk to the path I chose and I've been happy.

Sabi ko kay self, don't stop being happy. Choice naman talaga, eh. Laging dapat piliin na maging masaya.

Kung nasa book ang life story ko, I think, mas exciting ang 'beginning' part kung hindi ako sa first scene mag-start.

Sa climax?

'Di ko na rin sure pero i-share ko na lang. Sa part na 'to talaga ako na-confuse.

Tara?

'Balik tayo sa continuation ng journey ko...

LIGHT blue water na ang calm, 'yon ang tinititigan ko habang magka-text kami ni Ana May.

Where ka, Ate?

Pool.

POOL?!

Side ng pool.

Nagda-drive ka pauwi sabi ni Papa. Ano'ng ginagawa mo sa side ng pool?

Wala.

WALA?

Don't know what to do, Bal.

#confused much?

Don't know where to go. Saan ba dapat?

Sa resto para sa second chance or sa condo para sa second goodbye. Ano'ng gusto mong marinig?

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon