7. Bill and Judith :-D

53 5 4
                                    

ANG one week, naging two weeks, three weeks hanggang one month na agad ang natapos. Nawala ba sa isip ko si Phillip? Hindi. Nalilipat lang ang focus ko 'pag nasa office na. Mas busy, mas gusto ko kasi mas pabor sa akin. Ang mga scene sa one week 'Independence Week' ko, parang naging regular part na ng bawat araw na lagi kong naalala.

And Phillip was right—mahirap nga ang may nami-miss. Parang laging may kulang, may part ko ang empty. Parang may something na nawawala at hindi ko alam kung paano mapupunan.

Pero hindi dapat ako mag-focus sa missing part na iyon o hindi ko magagawa ang goal ko. Hindi dapat naka-depende ang happiness ko sa isang tao. Sabi ko kay self, ayos lang 'yan. Fresh na fresh pa ang experience kaya feel na feel pa ang effect. Lahat naman nahi-heal ng time, eh. Masasanay din ako. One day, ngingiti ako sa bagong araw at proud kong masasabi sa sariling 'I made it'.

Pero totoo nga talaga. When you focus on small blessings, you'll see how lucky you are. Na-realize kong masyado lang talaga akong naging mapaghanap dati. Pinaniwalaan ko lahat ng nakikita ko sa internet—na hindi dapat. Oo nga naman, ang mga nakikita ko sa social media, mga posts at updates na gusto lang ipakita ng mga users. Kaya lahat sila may 'good life'. But behind every perfectly photographed 'happy scene' is a BTS—behind the scene—a truth. Katotohanang walang ibang nakakaalam kundi sila din lang.

Marami rin ako—wala nga lang sa internet. Nasa phone ko pa ang pictures ni Phillip Hindi ko pa na-delete—okay, aaminin na. Hindi ko na rin gustong alisin sa phone ko. Gagamitin ko na lang ang pictures para sumaya ako sa mga moments na maiisip ko na namang mag-unwind. Hindi naman masama 'di ba?

Ano nga ba ang unexpected scene sa journey ko?

Ah, read on...

(IKALAWANG HAKBANG: TAGONG KATOTOHANAN)

"SAAN galing 'yan?" si Angeline na napatitig sa five thousand na inaabot ni Amart. Weekend iyon, umuwi sa kanila ang kapatid. Pagkakita niya pa lang pagpasok, napansin na ng dalaga na parang nakatapak sa mga ulap ang kapatid. Halata ang kakaibang saya. Wala naman siyang nabalitaang nangyari sa Laguna kaya napaisip si Angeline kung bakit iba ang saya ni Amart.

"Raket ko, sungit!" ngiting-ngiting sabi ng kapatid. "Bal!" at hinanap sa paligid si Ana May na hindi naman sumagot. Nahulaan na ni Angeline na nasa kuwarto, kaharap ang laptop or busy na naman mag-video ng sarili. "Bal!"

"O, bakit?" lumabas ng kuwarto si Ana May na may bitbit pang walis tambo. "Naglilinis ako, eh. Kadarating mo lang, Bab—uy!" namilog ang mga mata ni Ana May nang maglabas ng two thousand si Amart. "Para sa akin?"

"May pera sa laro, eh," si Amart at proud na nginisihan si Ana May. "Ikaw, kailan ka sisikat? Wala pa rin ang pangarap na mag-viral?" Inabot ni Amart kay Ana May ang two thousand. "Dagdag mo sa allowance o kaya, pambili mo ng makeup. Ayos lang—" naagaw na ni Ana May ang two thousand na ipinapaypay ni Amart sa sarili.

"Totoo?" nangislap sa tuwa ang mga mata ni Ana May, ngiting ngiti na ipinaypay din sa sarili ang two thousand. "Sa akin talaga?"

"Ana May," si Angeline sa kapatid. "'Wag ka munang ma-excite diyan. Hindi pa ako convinced sa explanation ni Amart. Sa pagtaas ng lahat ng bilihin, kailangan talaga natin ng extra money, pero dapat sure tayong sa malinis galing. Baka nang-i-scam na online 'tong si Amart. Gusto mong masira agad ang hindi pa man nag-start na career mo as viral princess? Ba't siya kikita ng seven thousand sa kaka-games?"

"Ate, may ganoon talaga," si Ana May na halatang ayaw nang pakawalan ang two thousand. "Adik lang sa computer games 'yan si Amart, hindi 'yan scammer or manggugulang online. Tanda naman nating lahat ang mga values na turo ni Lola Yeng, eh. Hindi gagawa ng masama 'yan si Bab!" at bumaling sa kapatid. "'Di ba, Bab?"

"Oo naman. Ako pa ba? Ang dami mo nang pinoproblema sungit, bakit ko pa dadagdagan? Hindi ako gagawa ng masama, Ate. Alam kong madadamay kayo 'pag may ginawa ako, lalo si Bal na kamukha ko!" at ngumisi.

"Saan nga galing ang pera mo?"

"Sa Dota."

Napamaang si Angeline. Lagi niyang naririnig sa mga kabataan ang Dota pero wala siyang naiintindihan talaga. Malay niya na nagkakapera pala ang player. "Nagkakapera sa Dota ang player? Paano?"

"Ii-explain ko pa? 'Di ka naman makaka-relate at 'di mo maiintindihan kaya 'wag na lang—"

"Explain mo pa rin."

"Tulog na muna ako, Ate!" at inilagay na lang sa tabi niya sa sofa ang five thousand. Tulog muna bago explain, sungit!" at ngumisi uli. "Naglaro ako hanggang alas kuwatro, Bal, may two-k ka, gawan mo 'kong merienda!"

"Pancit canton at itlog gusto mo?" bait-baitan agad si Ana May. Kung walang two thousand na nakuha kay Amart, never na gumawa ng merienda para sa kapatid. Mas gugustuhin pang magbabad sa internet.

"Ayos na 'yan."

Hinila na ni Ana May si Amart palayo kay Angeline. 'Yong paghila na parang sinasagip ang kakambal para iiwas sa interrogation. Nasuhulan kasi ng two thousand. Magkasundong-magkasundo bigla ang dalawang parang aso't pusa.

Napatingin naman si Angeline sa five thousand sa tabi niya. May pambayad na agad siya sa bills. Hindi pa man niya sigurado kung paanong kumita si Amart sa games, hindi niya mapigilang ngumiti. Proud siya sa kapatid. Lumaki man silang walang parents, gaya niya, napalaki rin ni Lola Yeng na responsableng bata si Amart. Alam ni Angeline na ganoon rin si Ana May.

Kinuha na lang niya ang five thousand at lumipat na siya sa sariling kuwarto. Hindi na niya poproblemahin ang bills ma-late man ang pasok ng suweldo niya. May mahuhugot din agad siya sa mga biglaang school projects ni Ana May.

Sa isip, umusal ng maikling thank you prayer si Angeline.

#Pag-ibig 2 (Pag-ibig Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon